CHAPTER 51 : Gone

1.2K 49 25
                                    

A/N : Thanks for the long wait... Enjoy Reading.

~~~

[3] Someone's POV

"Uwaaa! Huhuhuhu!"

"Shh... Baby, don't cry. Stop crying please..." [A/N : Baby don't cry... tonight~ XD]

"She's dead! The Princess' dead! Huhuhuhu! Mama! They killed the Princess!" Napasapo nalang ako ng mukha ko. Dapat di ko na ikinwento sa kanya e. Napakasensitive at iyakin pa naman ng batang 'to. Ewan ko san nagmana 'to. Hindi naman iyakin ang Mama niya pati ako. Siguro dahil napaglihian ng Mama niya yung dalawang iyaking yon. Argh! I mess my hair.

"Ano ba kasing pumasok sa kokote mo't kinwento mo yan sa anak ko?"

"Maka-anak ka naman parang hindi ko anak si Zika a?" Hinampas niya lang ako ng magazine at kinuha si Zika't iniupo sa lap niya kahit na halos mahulog na yung bata dahil di kasya dahil nakaumbok ang tiyan niya. Buntis kasi kaya ganon. Sinamaan niya muna ako ng tingin at ngumiti lang ako. Di pwedeng awayin e. Makunan pa yan, mawalan pa ako ng anak.

"Zika, baby, tahan na. Wag na iyak. Gi ka, papangit ka tulad ni Papa. Gusto mo ba yon?" Naningkit ang singkit kong mga mata. Tinignan ako ng anak ko't tinignan ang Mama niya't umiling. Aba!

"Zika, hindi pangit si Papa okay? Kung pangit si Papa, hindi siya pakakasalan ni Mama't hindi ka maganda. Gusto mo bang sabihin sayo ng mga classmate mo na pangit ka dahil pangit si Papa?" Umiling-iling siya.

"'Li ka nga dito." Kinuha ko siya sa Mama niya't iniupo sa lap ko.

"Si Mama mo lang ang pangit okay?" Natatawa kong sabi't nakatanggap ako ng palo. Ginawa ko namang shield ang braso ko.

"Ang kapal mo! Sa ganda kong 'to, hindi ko alam bakit ikaw ang napili kong pakasalan! Hindi ko nga alam bat nagpabuntis ako sayo pvnyet^ ka! Kung makapanlait ka kala mo gwapo ka? Aba't h'nayvpak yang pagmumukha mo bwisit ka! Bwisit!" Tawang-tawa lang ako. Hinuli ko kaagad ang kamay niya't hinila siya't hinalikan para matahimik. Nakangiti ko siyang binitawan at natulala lang ang maganda kong asawa~

"Ayiiiieee~ Mama, Papa, tsup tsup mwah mwah~ hihihi~" Ginulo ko lang ang buhok ni Zika't sinulyapan ang Mama niyang namumula ang mukhang hindi makatingin sakin.

"Zika, kahit si Mama mo pa ang pinakapangit na babae sa mundo, pakakasalan parin siya ni Papa dahil mahal na mahal na mahal ko siya pati ikaw at ang magiging baby natin~"

A Feeling So Strange 3 ✔Where stories live. Discover now