Chapter 44

994 78 9
                                    

--

Hawak ng dalawang lalake si Abby nilagyan nila ito ng blindfold upang hindi ito makakita. Pumasok na sila sa lugar kung saan naroroon ang mga kaibigan ni Abby. Hindi naman mapaliwanag ni Abby ang kabang nararamdaman niya dahil hindi niya alam kung makakalabas ba sila ng buhay o hindi.

"Welcome to the Hell Abby" Narinig naman ni Abby ang isang pamilyar na boses ngunit di niya maalala kung sino ito.


Napadilat naman si Rans ng marinig niya ang pangalan ni Abby. Nakita niya ang dalawang lalake na may kasamang babaeng nakablindfold na may tali ang mga kamay.


"Abby! nag iisip kaba bakit ka pumu---" Hindi natuloy ni rans ang sasabihin niya ng biglang lagyan ng tape ang kanyang bunganga. Napairap nalang si Nile na katabi niya "Kahit kailang talaga napaka ingay ng babaeng to" Sabi ni Nile sa isip niya.


Si alice naman dahan dahan niya sinipa si mari na nakapikit pa din. Dahan dahan naman dinilat ni mari ang kanyang mata halos nagulat siya ng makita nila si Abby na nakatayo at hawak ng lalake.

"Nanditi nako pakawalan niyo na sila!" Sigaw ni abby Natawa naman ng mahina ang katabi nito "Sa tingin mo ba ganun ganun lang yun?" Tanong nito at binitawan nila bigla si Abby at sinipa ng malakas.

Halos mapapikit naman sila rans ng makita nila ito. Si abby naman napasubsob nalang sa Sahig at pinilit na makatayo ngunit bigla itong hinampas ng isa pang nakamaskara ng kahoy kaya napahiga ito ng tuloyan.

"Abby tumayo ka diyan" Sabi ni Rans sa kanyang isip gusto niya sanang Makawala upang tulongan ang kanyang kaibigan ngunit hindi niya kayang makawala sa pagkatali nito. "Damn, Ayaw ko masaksihan na papahirapan nila si Abby" Pumikit nalang si Nile at napakagat ng labi.

"Oh! mali naman na takpan natin ang bunganga ng mga audience kailangan natin malaman ang mga side comments nila diba?" Sabi ng isang lalake at lumapit ang kasamahan nito sa mga girls at inalis ang Tape na nakatakip sa kanilang labi.

"Walang hiya kayo! pag ako nakawala ako mismong magbabaon sa inyo sa lupa!" Galit na sigaw ni rans.

natawa nalang ang lalake sa sigaw ni Rans at tinanggal ang suot niyang maskara nanlaki naman ang mata nila rans ng makita kung sino ang nasa likod ng pangyayare nato.

"Justin!?" Sabay na sabi nila except kay nile at Mari na tahimik na nakatingin sakanila. "The one and only" Nakangiting sabi nito at dahan dahan lumapit kay abby inangat nito ang ulo ni abby at sinampal ng malakas. Napasigaw naman si abby sa ginawa nito.

"Siguro iisipin mo na napaka unfair ako kasi bukod sa naka blindfold ka ay nakatali pa ang kamay mo edi tanggalin natin" Tinanggal naman ni Justin ang blindfold ni Abby at ang taling nakatali sa kamay nito. Hindi naman makatayo si abby dahil sa sakit ng pagkahampas sa likod niya.

"I-ikaw n-naman!?" Sigaw ni abby at dahan dahan tumayo ngumiti lang si Justin sa kanya. "Oo ako nga!" pagkasabi niya at bigla niyang sinikmuraan si abby.

"NABABALIW KANA TALAGA JUSTIN! ANO BANG GUSTO MO!?" sigaw ni Alice habang masamang nakatingin kay justin.

"Ano ang gusto ko? ang mawala sa landas ang babaeng to sa buhay ko!" Hinila naman ni Justin ang buhok abby patayo at Akmang susuntokin ng biglang mahawakan ni Abby ang kamay nito at si Abby naman ang sumuntok sa mukha niya.

Napaatras naman si Justin sa Ginawa ni abby. Lalapit na sana ang mga tauhan ni Justin na sinenyasan niya na huwag silang papakialaman ni Abby.

"Ano bang malaking kasalanan ang ginawa ko sayo!?" Sigaw ni Abby tumakbo to palapit kay abby at siya naman ang sumipa ng malakas kay justin. "Marami kang kasalanan na dapat mong pagbayaran! At higit sa lahat nag kamali ka ng mahalin mo si Sela dahil she's mine!" At sinapak si Abby ng malakas napahiga naman si abby sa ginawa nito.

"HOY NAPAKA WALANG HIYA MO PAG NAGKAPASA SI ABBY SUSUNOGIN KITA!" sigaw ni rans habang pinanlalakihan ng mata si Justin.

Abby POV

Anong laban ko sa isang lalaki? tukmol na to pasalamat siya naunahan niya ako ng sapak kundi ako maglulumpo sa kanya. hindi ako makatayo sa kinahihigaan ko dahil sa panghihina ng aking katawan kung kaya mo lang siya kanina ko pa siya napatumba.

"Nakalimutan mo naba ang ginawa mo sa Mama ko!? Dahil kung oo ipapaalala ko sayo!" Kahit nang hihina ako pinilit kong tumayo upang makita siya. "Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang mama ko Kaya buhay mo ang ipapalit ko!" Tinutukan naman niya ako ng baril. Napatingin ako kela rans na nag aalala sakin dahan dahan kong binaling ang tingin ko sa kaharap ko.

"Magiging masaya kaba pag nawala ako?" Tanong ko sa kanya habang diretso nakatingin sa mata niya. "Itigil mo yan justin!"  Napalingon kami sa likodan namin nagulat ako ng makita ko si Gabb sa bandang pintuan.

"Anong itigil! Nagsisimula palang ako Gabb huwag kang makiki alam kung ayaw mo pati ikaw mawala na sa mundo" Nakatutok pa din sakin ang baril nito habang nakatingin kay Gabb.

"Tama na laro Pakawalan mo ang mga kaibigan kung ayaw mo ako mismong magbubura sayo" Seryosong sabi ni Gabb nagugulohan pa din ako sa nangyayare bakit parang magkakilala silang dalawa?

Mukhang tamang kutob ko.

Rans POV

Halos di ko alam kung totoo ba tong nasasaksihan namin na laban. Parang sa pelikula lang nangyayare. Pero mas kinagulat ko panong nangyare na nandito si Gabb? Pano niya natuntun ang lugar nato.

Nakatayo lang si abby habang nakatitig sa iba Ano kaba abby! Tatayo kalang diyan!? "Abby Yung kahoy sa tabi mo!" Pagkasigaw ko agad niyang dinampot naman ito. Hahampasin na sana niya si Justin ng biglang humarap to at tinutukan si Abby ng baril niya. "Subokan mo gumalaw di ako magdadalawang isip na iputok to" Nakangiting sabi ni Justin kay abby.

"Kung hindi ka sumigaw edi nahataw na ni Abby" Rinig kong sabi ni Nile sa gilid ko at inirapan ako. "Hintayin mong makawala ako ako mismong hahataw sayo" Inirapan ko naman siya pabalik at binaling ang tingin muli sa tatlo.

"Gabb nakalimutan mo naba ang usapan natin?" Nakangiting sabi ni Justin kay Gabb. Anong usapan pinagsasabi nito? Napalunok naman si Gabb at lumapit kay Justin at kinuha ang baril nito.

Halos manlaki ang mata ko ng itutok ni Gabb ang baril kay Abby. "Gabb! Huwag mong ituloy yan!" Rinig kong sigaw ni alice sa bandang likodan ko. Dahan dahan naman pumikit si Gabb at muling minulat ang mata nito.

"Sorry ate abby, Sana mapatawad mo ko sa gagawin ko."

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon