Chapter 28

1K 73 4
                                    

Abby POV

Pagkatapos ko ayusin ang sarili ko. Bumuntong hininga muna ako bago ako bumaba papunta sa Sala. Pinapatawag ako ni Mommy at Daddy Dahil may ipapakilala daw sila sakin. Pagkababa ko nakita ko agad si Abea na nakaupo katabi nito si Coleen habang nasa harapan naman nila si Mommy at Daddy.

"Nandiyan na pala ang panganay namin" Nakangiting sabi ni Mommy ng makita niya ako. Napaka weird dati rati pag nakikita nila ako ni Daddy ngagalit sila sakin ibang iba ang pakikitungo nila sakin at kay abea.

"Ate kamusta kana?" Tanong ni Abea sakin. umiwas ako ng tingin at tumingin kay Coleen ngumiti to sakin kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob sa ginawa niya.

"Uhm okay lang naman ako dito kahit papano buti nga nandito si Coleen." Ngiting sagot ko dito.

"Maupo ka Abelaine may pag uusapan sana tayong importante" Umupo ako sa tabi ni Coleen agad ng nagsalita si Daddy.

"Uhm ano po ba yung pag uusapan natin? Mukhang importante talaga napaka seryoso ng mukha niyo" Tanong ko sakanila. Tumitig sakin si Mommy kaya agad akong umiwas ng tingin. Ano kaba abby magulang mo pa din yan.


"Maupo ka ate abby"  hinawakan naman ni Coleen ang kamay ko paupo sa tabi niya. Nginitian ko nalng siya bago tumingin sa parents ko.

"Abelaine alam mo napaka laki ng bahay na to para sa Dalawang taong na nakatira" Panimula ni Daddy habang nililibot ang paningin niya.

"Malaki ba dad? Bakit hindi nalang kayo dito tumira nila mommy at abea para ma occupied ang ibang rooms dito?" Tanong ko kay daddy, Never naman kasi silang nag stay dito puro nalang bussiness ang inatupad nila.

"Hindi yun ang ibig sabihin ng daddy mo" Singit ni mommy napatingin ako dito saglit at muling binalik nalang tingin kay Daddy.

"Gusto sana namin Pansamantalang Patirahin dito ang anak ng isang bussiness partner namin." Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. Ako magpapatira ng di ko kilala sa bahay ko!?

"Daddy nakalimutan mo yata na babae kami ni Coleen tapos ngayon gusto mo magpatira ng ibang tao dito?" Tanong ko sa kanya, Sumasakit ang ulo ko Bigla tuloy nawala sa isip ko si Sela.

"Ano bang pinangangamba mo diyan abelaine? Hindi lalake ang papatirahin ng Daddy mo dito kundi babae" Saad ni Mommy, Kahit babae pa yan di ako papayag Na may tumira sa pamamahay ko.

"

Po? Tita naman----"

"Hindi ikaw ang kausap namin Coleen" Sagot ni Daddy, Bumuntong hininga nalang ako at hinawakan ng mahigpit kamay ni Coleen.

"Okay fine sino po ba yung papatirahin niyo?" Mahinahon na sabi ko at diretso tumingin sakanila. Ngumiti naman si Daddy sakin "Pasok kana iha Sabi ko sayo papayag agad ang anak ko" Tumayo si Daddy At binuksan ang pinto.

Halos di naman ako makapaniwala ng biglang pasok ni Teacher Nile Este Nile sa bahay ko? siya yung anak ng bussiness partner nila daddy?

"Thankyou po Tito" Magalang na sabi ni Nile mukhang hindi pa din niya kami napapansin ni Coleen.

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now