Chapter 34

1K 74 6
                                    

Rans POV


"Pero.. Ate Rans hindi natin pwede dalhin si Ate Sela sa resort ni Ella dahil agad siyang mahahanap ng parents niya" Napasapo naman ako sa noo sa sinabi ni Gabb. Oo nga pala nakalimutan ko. Tumingin ako sa likodan ko napansin kong natutulog si Sela.

"Sa condo ko nalang gabb. Pansamantala lang naman mag stay si Sela doon at wala din naman nakatira doon kaya doon mo nalang idiretso gabb" Sabi ko dito. bumuntong hininga naman akong tumingin sa bintana tinoon ko ang pansin ko nalang sa gilid ko.

Napakamot nalang ako bandang Kilay ko. Kapag nalaman nila Tito ang pakikipagsabwatan ko sa pagtakas ng anak niya ay tiyak na magagalit talaga to. Baka pati family ko madamay sa nangyayari hays. Bahala na si batma tutulong pa din ako kay sela dahil kaibigan ko siya. Kung ano man ang alitan namin noon kakalimutan ko muna.

Sasabihin ko ba to kay abby? Nagugulohan akong tumingin muli kay Sela. Kung ano man laban ang meron siya ngayon dadamayan namin siya. Dahil ganyan naman ang ginagawa ng magkaibigan.

After an hour Nakarating na kami sa condo ko inalalayan naman ni Gabb si Sela palabas ng Kotse dahil hindi nga to masyado makapag lakad ng maayos maybe dahil sa sugat niya sa paa. Hindi ko alam kung anong nangyare basta ang alam ko hindi siya okay.  Pinauna ko sila ng lakad habang ako nakasunod lang sakanila na nakatingin.

binuksan na ni Gabb ang door ng unit ko at pumasok na kami pinaupo na muna niya si Sela sa sofa at nagpunas siya ng Pawis niya.

"Sela dito ka muna sa condo ko habang hindi pa lumalamig ang sitwasyon" Saad ko habang nakatingin sa kanya. Tumingin to sakin i know na nahihiya pa din siya dahil kung tutuosin kami naman dalawa ang nagkaroon ng alitan hindi sila ni Abby. Napaka OA ko din kasi minsan pagdating sa kaibingan.

"S-salamat R-rans" Nauutal na sabi nito lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Basta lagi mong tatandaan nandito kami ng mga kaibigan mo. Tutulongan ka namin sa abot ng makakaya namin" Naramdaman ko naman na yumakap siya pabalik sakin. Bumitaw na ako sa pagkakayakap ko at tumingin kay Gabb.

"Gabb pwede bang dumito ka muna. Para may kasama si Sela kahit papano?" Tanong ko kay Gabb. Hindi din kasi ako pwedeng mag stay sa lugar nato dahil marami din akong inaasikaso. Hinawakan naman ako ni Sela. "Okay lang naman ako mag isa dito Rans" Saad nito' Siya okay? e halos Hindi nga siya makalakad ng matino.

"Syaka muna sabihin yan Sela pag Malakas na yng katawan mo. Sa ngayon kailangan mo ng makakasama pansamantala" Sabi ko dito Nag aalala din akong iwan siya mag isa dito dahil sa kalagayan niya mahihirapan siyang magkilos kilos.

Hindi ko muna tinanong si Sela kung bakit nagkaganyan siya. Dahil baka hindi lang nito sabihin baka sa susunod na araw ko nalang siya tatanongin.

"Okay lang naman po sakin na dumito muna. Pwede ko bang sabihin kay Ella? Ayuko kasi na magtaka siya" Rinig kong sabi no Gabb. Sa tuwing may ginagawa kasi siya sinasabi agad niya kay ella nanghihingi ng permission under ni Ella kasi yan.

"Kilala ko naman si Ella hindi naman magsasalita yan" Si Ella kasi yung tipo na literal na mapagkakatiwalaan mo talaga. Pero Ang pinaka ayaw ko lang sa ugali niya ang pagiging lutang niya minsan.

Bigla naman nagvibrate ang phone ko at nakatanggap ako ng message kay Coleen. Pagkabasa ko ay tumingin muna ako sa mga kasama ko Wrong timing ka naman Coleen.

"May problema ba?" Tanong ni Sela. hindi naman talaga literal na problema.

"Mauna na muna ako sa inyo, Gabb paki bantayan si Sela dahil hindi natin alam ang mangyayari. Nagtext kasi si Coleen eh" Pagpapaalam ko sakanilang dalawa buti nga at hindi na sila nagtanong pa at pumayag na paalisin nalang ako agad.

Abby POV

Bumuntong hininga ako habang nakatingin kay Coleen na nahihirapan ayusin yung TV namin. Ilang beses niyang tinutuktok baka talaga matuloyan na sa pinag gagawa niya. Professional na daw siya mag ayos baka professional manira kamo.

"Coleen matagal paba yan?" Wika ko habang naka cross arms sa likodan niya. Mag iisang oras na yata siya diyan pero hindi pa niya naayos. "Hindi kaya nakidlatan to ate abby?" Tanong niya sabay hampas ulit sa tv. Kakahampas ni Coleen lalo pa yatang nasira.

Dumating naman si Nile na may Dalang tubig at inabot to kay Coleen. Mabait talaga si Nile kaso Ayuko yung pagiging ano niya basta wala. Yun lang talaga pinaka ayuko sa kanya.

"Salamat ate Nile Pupunta na talaga dapat ako sa Kusina sadyang dumating kalang" Nakangiting sabi ni Coleen dito. Baka nga siya na yung nakasira sa TV namin kanina bumubukas pa naman ngayon hindi na talaga gumana. -.-

"Bili nalang tayo ng bago kahit huwag nyo ng lang ayusin yan ako bahala" Kindat ni Nile dito. Bakit kailangan bumili ng bago kung pwede naman ayusin nalang. Dagdag gastos pa teka bakit parang napaka kuripot ko.

"Kasi si Ate Abby Favorite nya tong tv na to kaya ayaw niyang palitan" Nakapout na sabi ni coleen sabay tingin sakin. Gift kaya yan ni Sela sakin yan dati! iningatan ko ng ilang taon tapos masisira o baka sinira ni coleen di lang niya inaamin :<

"Sige Hahanap nalang tayo ng mag aayos niya. Huwag nyo munang galawin baka lalong masira" Wika ni Nile dito at umupo sa gilid ni Coleen. "Sinira talaga ni coleen yan ayaw lang umamin" Pasimple kong inirapan si Coleen at pinandilatan ng mata.

"Hindi naman ako ngayon ko nga lang binuksan yang TV na yan tapos ako pa nasisi wow ah!?" Sigaw ni Coleen sabay turo sa sarili niya. Sus kahit di niya aminin Alam ko naman na siya talaga baka na overheat.

Bigla naman pumasok si Rans at tumakbo papalapit kay Coleen "Anong masakit!?" Nag aalalang tanong ni rans at chineck si Coleen. Anong masakit? ano nanaman kayang sinabi ng batang ito kay rans.

"Pinagsasabi mo Rans okay lang yang Baby damulag na yan" Sabat ko dito hinampas naman ni Rans ng mahina si Coleen at sinamaan to ng tingin. "Walang hiya ka kala ko naman kung ano yung tinext mo sakin! nagmadali akong pumunta dito" Inis na sabi ni Rans. Hindi naba siya nasanay kay Coleen? lagi naman ganyan yan kahit noon pa man.

"Masyado ka naman yatang oa" Rinig kong sabi ni Nile sa gilid namin. Mukhang narinig ni Rans yun at napatingin siya dito. Dont tell me world war lll na agad? kakabalik lang ni rans.

"Hala sino ka? May naligaw yata dito" Sabi ni Rans at inirapan si Nile. Kahit kailan di talaga magkasundo tong dalawang to. Parang asot pusa sa tuwing magkikita sila.

Narinig naman namin na may nag doorbell. Dahil wala naman akong ginagawa ako nalanh ang pumunta nakita ko naman na may Deliveryman sa tapat ng bahay. Nagpadeliver ba si Coleen o di kaya si Nile ng di ko nalalaman.

Nang makalapit ako ay Agad inabot sakin amg isang envelope "Kayo po ba si Mam Abeyen Trinidad" Ano daw abeyen!? may abeyen ba dito? alam ko lang Abelaine kanino to nagtatrabaho mag rereklamo ako.

"Abelaine po hindi abeyen. Yes ako nga yon" Sabi ko dito "Pakipirmahan nalang po ito" Pumirma nalang din ako.

Habang hawak ko yung envelope tinitigan ko muna. Para sakin nga to dahil pangalan ko ang nakasulat. Dahan dahan ko naman binuksan ang Envelope at tinignan kung ano ang laman. Napakunot noo naman ako sa nakita ko picture namin magkakaibigan. Sino naman kaya nag padala nito? kahit hindi siya magpadala ng ganto may copy ako ng marami na ganto kahit sa phone ko meron.

Binasa ko naman yung nakasulat sa likod ng picture. "Sulitin nyo na ang mga oras" Saad ko. Ano ibig sabihin nito? anong susulitin namin lakas ng tama talaga ng nagpadala nito malaman ko lang kung sino ako mismo hahampas ng tsinelas ko sa mukha niya.

--

A/n: usto niyo naba matapos?





Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon