Chapter 22

1.1K 77 7
                                    

"Abby may aaminin sana ako" Kinakabahan na sabi ni Rans kay Abby. "Ano yun?" Tanong ni abby hinawakan naman ni Rans ang kamay nito at kinakabahan sa susunod ka sasabihin niya pero kailangan niya pa din lakasan ang loob niya.


Magsasalita na sana si Rans ng marinig niyang sumigaw si Coleen "Pumasok na nga kayo sa loob!" Sigaw nito.

"Rans may sasabihin kaba?" Tanong ni Abby Napabitaw naman si Rans sa pagkakahawak nito sa Kamay ni Abby.

"Siguro hindi pa to tamang oras para sabihin nararamdaman ko" Isip ni Rans habang nakatingin kay abby pinitik naman ni Abby ang noo nito.

"woy! ano na?" Tanong Abby dito "Wala pasok na tayo sa loob malamig na" Naunang tumayo si rans at nauna ding pumasok sa Loob ng bahay habang si Abby naiwan na nakatingin kay rans.

"Parang ewan lang" Saad nito bigla naman nag tumunog ang phone niya at agad niya din itong Tinignan. Napangiti siya ng mabasa ang text ni Sela.

From: Sela

May ginagawa kaba? pwede kabang pumunta muna samin :)

Hindi na nareply si Abby at agad tumayo nakangiti tong pumasok sa Loob ng bahay. Agad naman napansin ni Rans na nakangiti si Abby "Dahil nanaman kat Sela." Bulong ni Rans habang nakatitig kay Abby. Narinig naman yun ni Coleen Pero hindi nalang siya nagsalita.

"Aalis muna ako. May pupuntahan lang ako saglit" Nakangiting sabi ni Abby sa mga kasama niya. "Anong oras ka babalik?" Tanong Coleen dito.

"Hindi ko pa alam. Rans paki samahan muna sila dito habang wala ako" Sabi ni Abby. Ngumiti lang si Rans sa kanya "Sige ako na bahala dito ingat abby" Sagot ni Rans.

"Ingat ka ate abby okay" Sagot din ni Coleen sabay pasimpleng tumingin kay Rans. Pero inalis din niya agad ang tingin niya at muling tumingin kay Abby.

Nakaalis na si Abby. Naiwan naman yung tatlo sa sala Si Coleen naman nakatitig lang kay Rans habang iniisip kung tama ba ang hinala niya. Napansin naman ni Mari yun kaya nagtataka siyang tumitig din kay Coleen.

"Hindi kaya tama hinala ko?" Bulong ni Coleen sabay iwas ng tingin kay rans.

----

Nakarating na sa Tapat ng bahay nila Sela si Abby. Nagpark siya sa tapat ng bahay nito. Pagkababa niya agad siya pumunta sa gate upang mag doorbell.

"Hindi kaya natagalan ako?" Tanong ni Abby sa sarili chineck niya agad ang phone niya. "Hindi ambilis ko nga nakarating dito bakit parang walang tao?" Sabi niya sa sarili.

Tumingkayad pa siya para masilip ang loob ng bahay nakabukas ang Ilaw nito. Nakita niya si Sela At Daddy nato na nag uusap. Seryoso ang itsura ng dalawa.

"Mukhang wrong timing kapa abby" Bulong niya ulit sa sarili niya habang nakasilip. Aalisin na sana niya ang pagkakatingin niya ng makita niyang sampalin si Sela ng daddy nito.

Nakita niya kung pano umiyak si Sela. Hindi naman niya maiwasan masaktan na makita ang taong mahal niya na umiiyak kaya agad siyang pumasok sa kotse niya at pinaandar ang kotse niya.

"Ano ba yung nakita ko? bakit siya sinampal ng daddy niya?" Tanong ni Abby habang ang mata nito nakafucos sa daan.

----

Coleen POV

Hindi ko parin maiwasan isipin si Ate Rans what if totoo yung hinala ko na may gusto siya kay ate abby? Ayukong masaktan lang siya kasi in the first place alam ko Na si Ate abby may gusto to kay Ate sela. Sige coleen isipin mo pa Para sumakit ulo mo.

Tumingin ako kela Ate Rans at mari na nanonood ng TV. habang ako nakatayo lang na nakakatitig sakanilang dalawa.

"Nalilito ako tutulongan ko ba si Ate Abby kay Ate Sela? Kung alam ko na masasaktan si Ate rans pag naging sila?" Tanong ko sa sarili ko. Pero alangan naman sagutin ako ng sarili ko diba?

"Coleen umupo ka nga" Sita sakin ni Rans agad naman ako lumapit at umupo sa tabi ni Mari.

"Ate rans kamusta na nga pala kayo ni Ate Aly?" Tanong ng katabi ko si Mari, Bakit di ko naisip na Girlfriend pala ni Ate Rans si Ate Aly. So pano naman siya magkakagusto kay Ate Abby.

Katangahan mo talaga coleen di mo agad inisip agad.

Bumukas naman ang pinto pumasok si ate abby. Teka sabi nito aalis siya ambilis naman yata niyang nakauwi?

"Napaka bilis mo naman yata?" Tanong ko kay Ate Abby. Tumayo naman si Ate Rans at Inabotan agad si Ate Abby ng tubig.

Pero yung paningin ko talaga hindi nagkakamali parang may gusto siya kay ate abby o napaparanoid lang talaga ako?

"Salamat rans" Sabi ni Ate Abby kay Ate rans. nilapag naman niya ang baso sa lamesa.

"Oo nga bat ang bilis mo?" Tanong ni Ate Rans sakanya. "uhm wala akyat lang ako" Mabilis na sagot ni Ate Abby at dinaan lang si Ate Rans.

Sana talaga hindi tama hinala ko kay Ate rans.

"Sa tingin mo Coleen Hindi nanaman maganda yung nangyari kay abby nuh?" Sabi ni Ate rans sakin Tumingin ako dito at tumango nalang. Ayuko muna magsalita baka may iba pakong masabi.

---

A/N: Short UD muna tayo. Bawi nalang nexttime.

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now