Chapter 13

1.2K 91 0
                                    

Abby POV

"Ano ba yan Gabb! pinapunta kita dito para tulungan ako hindi para ubusin ang pagkain namin" Reklamo ko kay Gabb na halos ubusin na yung pagkain namin sa ref.

"Ate Abby relax kalang okay" wika niya habang punong puno yung bunganga niya ng pagkain, kung hindi ko lang talaga kailangan tulong niya.

"Inubos muna lahat ng pagkain namin, Pag hindi mo ko binigyan ng magandang advice makikita mo" Pananakot ko kay Gabb na kumakain pa din, anong oras ba to matatapos kumain?

"Wait kalang ate abby"

Makatapos ang sampung minuto na tapos din si Gabb sa pagkain, Tapos inaantok antok pa nandito kami sa sala ni Gabb si Coleen nasa kwarto nito hindi ko alam kung ano ginagawa nun sa loob ng kwarto niya.

"Ano nga ulit tanong mo ate abby?" Panimula niya ng matapos syang uminom ng tubig.

"E kung sipain kita!?" Inis na sabi ko iniinis ba talaga ako ni Gabb, Kung alam ko lang edi sana si Rans nalang tinanongan ko.

"Ito naman joke lang, Tungkol sa panliligaw yan nuh?" Sabi ni Gabb at naging seryoso na parang nag iisip pa to.

"May alam kaba diyan? parang maling tao yung hiningian ko ng tulong" Seryosong saad ko habang nakatingin kay Gabb.

"Wow ah? anong tingin mo sakin torpe katulad mo!" Sigaw nito napataas naman ang isang kilay nito Sino to para sigawan ako.

"Galit ka?" tanong ko habang tinataasan parin siya ng isang kilay.


"Hindi po boss" Sabi nito parang natatakot pa, Si gabb ang pinaka matinik samin sa Babae pero nung naging sila ni Ella ni hindi na tumingin sa babae.

"Ate Abby tayo ka muna" Hila nito sakin.

"Bakit ba!?"

"Basta tumayo ka nalang"

Tumayo naman ako na. parang ewan lang.

"Dapat  pag nanligaw ka mas malakas yung dating mo kasi...Teka kailangan mo pabang ligawan si Rans eh kung magyakapan nga kayo nun--Ouch naman ate Abby!" Nakatanggap naman ng batok sakin si Gabb, Hindi naman si Rans liligawan ko!?

"Hindi si Ate Rans umayos ka gabb si Sela yung liligawan ko"

"Kailangan pabang ligawan mo si Sela? kahit tanungin mo lang na pwede mo siyang maging girlfriend okay na" Gabb na nakahawak sa ulo niya.

"Hindi ko nga alam kung pareho kami ng nararamdaman at gusto ko pa siyang ligawan para malaman na official na kami" Seryosong sabi ko nakatingin lang si Gabb sakin na parang iniisip kung ano gagawin.

"Kahit huwag na straight forward mo nalang"

"Inang yan' Gusto ko paghirapan teka gusto mo yatang sumuka ng dugo gabb mas marunong kapa sakin!?" Nabwebwesit nako kay Gabb panay angal siya ba manliligaw kay sela, Siya ba!?

Hidden FeelingsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum