Chapter 38

1K 80 3
                                    

Abby POV

Hindi ako mapakali Nag aalala nako kay Coleen halos hindi ko siya matawagan ang ganda pa ng paalam niya sakin Tapos niyakap niya pako bago siya umalis. Damn abby Kung sinamahan ko kaya siya may mababago ba? Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyayari ngayon kasi ako yung----

"Will you pls stop? Nahihilo nako kakaikot mo eh" Sita ni Rans sakin. kasama ko sila Rans,Gabb,Sheki,alice,Nile at mari Dito sa bahay kakarating lang nila.

"Hindi ako mapakali what if kung ano na nangyari kay Coleen? What if----" Sinamaan naman ako ng tingin ni Rans kaya napahinto ako sa pagsasalita. "Shuttup hindi ako makapag isip abby!" Sigaw niya sabay hampas ng Lamesa napatahimik tuloy ako lalo at dahan dahan umupo sa tabi ni Mari.

"So nagpaalam si Coleen na pupuntahan niya si Mari?" Tanong ni Gabb tumango ako sa kanya at dahan dahan tumingin kay Mari. Hindi ko siya masisi kahit na sisihin ko siya walang mababago doon.

"Pero Ate Gabb hindi pa kami nakakapag usap ni Coleen ngayong araw pano ko siya----" hinampas muli ni Rans ang lamesa kaya napatigil si Mari sa pag sasalita. "Wala pang 24hrs hindi pwedeng mag apila tayo ng missing, Bakit naman kasi abby na hindi ka nagtanong kung saan pupunta yung tao!?" Sigaw ni Rans sakin Napayuko nalang ako kasi hindi ko alam ang isasagot ko medyo nalulutang na din ako sa pangyayari.

"Huwag kangang panay sigaw hindi kami bingi" Singit ni Nile hindi ko alam kung natatawa ba si Sheki sa kanya kasi nakagat labi to habang nakayuko lang. "Alam mo simula ng dumating ka sa buhay namin Andaming nangyayaring hindi maganda may balat kaba sa pwet?" Tanong ni rans sa kanya Kaya ayukong magkita silang dalawa lagi nalang silang ganyan.


"Ako pa may kasalanan wow ah?" Turo ni Nile sa kanyang sarili pumagitna naman si Alice sa dalawa "Hindi to ang tamang oras para magbangayan" Sita niya sa dalawa buti naman napakalma niya agad ang dalawa.

"Mga Ate wala naman sigurong may galet satin diba?" Tanong ni Gabb. "Sakin wala baka sa isa Meron" Rinig namin na biglang sabi ni Nile hindi na nakapag timpi si Rans at tumayo ito "Alam mo kanina kapa! sino kaba? bakit kaba nandito Problema ng magkakaibigan to nakikisali kapa" Napapikit nalang ako sa ingay nilang dalawa wala bang oras na tumahimik muna sila?

nawawala na nga pinsan ko nagtatalo pa din sila.

"Teka possible ba na may nagtext sa kanya?" Napahinto sila sa pagbabangayan ng biglang nagsalita si Mari. "Ansabi mo ate abby umalis si Coleen dahil sakin. Nakatanggap kaya siya ng text galing sakin?" Tanong ni Mari samin.

"Kami ba ikaw?" pambabasag ni Sheki sinipa ko naman siya ng mahina kitang seryoso kami. "Nasaan yung phone mo" This time nagsalita na muli ako.

"Yun nga nawawala ang phone ko" Napasapo naman sa noo si Mari pagkasabi niya nun. "Haha" Tumawa naman ng mahina si Gabb kaya agad kaming napatingin sa kanya.

"May nakakatawa ba?" Tanong ko kay Gabb napakagat labi siya "Sorry Hindi ko napigilan tawa ko may naalala ako" Sabi nito at umiwas ng tingin. hindi nalang namin pinansin ito at bumalik sa usapin.

"Saan mo huling nakita ang phone mo?" Tanong ni Rans kay Mari. "Hindi ko matandaan sorry ate rans. Malaking tulong sana yun para kay coleen" Niyakap nalang siya ni alice para tumahan dahil naiiyak na talaga si Mari.

"Walang magagawa kung nakaupo lang kayo. Dapat sinisimulan niyo na hanapin si coleen" Saad ni Gabb habang nakasandal sa Pader at nagcecellphone. "Tama simulan nanatin maghanap" Saad ni Nile

"Sino nagsabing kasama ka?" Tanong ni Rans. Bumuntong hininga nalang ako nagsisimula nanaman sila "Hep hep! tama na yan simulan nanatin ang paghahanap" Sabi ni sheki.

"Maghiwa hiwalay tayo para mas mapadali mahanap si Coleen" Saad ni Gabb tama siya kung magkakasama ka mas lalong mahihirapan kami sa paghahanap.

"Sasamahan ko si Abby" Tingin sakin ni Rans napaturo nalang ako sa sarili tumango to at ngumiti. "Ako nalang sasama sakanya ate Rans kami nila Ate Abby At Ate Sheki nalang" Suggest ni Gabb

"Wait what!? mahihiwalay ako kay Alice no way!" Tutol ni Sheki habang nanlalaki pa ang mata "Yes way ate sheki mas mapapadali to tapos magsama nalang si Ate Rans, Ate Nile, Ate Alice at mari" Sagot ni Gabb ulit.


"Okay lang sakin payag ba kayo?" tanong ni Alice sa iba "Okay lang naman ate alice ikaw ate nile at ate Rans?" Tanong ni Mari sa dalawa. Nagtinginan mo na yung dalawa bago sumagot "Ngayon lang ito/Kung pwede lang humindi" sabay na sabi ng dalawa.

"Let's go mga vaklah!" Sigaw ni Sheki at Naunang lumabas ng pinto.

"Mag ingat kayo abby" Saad ni Rans bago sila pumasok sa kotse nauna na silang umalis apat na magkakasama habang kaming tatlo naiwan nakatayo.

"Ayuko nalang sumama hehe" Siniko ko naman si Sheki "Umayos ka sheki Tatanggalin ko yang dila mo kahit ngayon lang para sa pinsan ko" Saad ko sa kanya.

may narinig kaming bosena sa likod namin di namin namalayan na nandiyan na pala si Gabb habang nasa loob ng kotse siya pala mag dadrive. Hinila ko na papasok si Sheki bago pa magbago ang isip nito.

hintayin mo lang kami coleen padating na kami.

Rans POV

Si alice na ang nagpresentang magdrive katabi ko siya sa driver seat at nasa likod namin sila Nile at Mari. Bakit kasi sinama pa si Nile pabigat lang yan puro ingay lang dala niya. "Nag aalala na talaga ako kay Coleen" Rinig kong sabi ni Mari "Magiging okay din ang lahat" Sabi ni Nile at ngumiti pa kay mari. Huwaw mabait din pala siya hindi lang halata.

Napatingin ako sa side mirror ng kotse napansin ko yung isang white van na kanina pa nakasunod samin mula nung nasa bahay palang kami nila abby "Yah! Alice tumigil ka muna!" agad naman siya huminto. Napansin ko naman huminto din ang kasunodan namin na van. Napatingin ako kay Mari tapos may nakita akong lalake sa gilid ng bintana niya at nakatapat sa kanya ang baril.

"Baba!" sigaw nung lalake sa labas nagkatinginan naman kaming tatlo. Dahan dahan naman binuksan ni Mari ang pintuan pati kami pinababa din. Andaming lalake ang nakapalibot samin.

"Mga boys dahan dahan lang baka maputok niyo yang hawak nyo samin wala ng panlaban ng ms.universe kung nagkataon na mamatay kami" Biro nile halos lahat kami may nakatutok na baril samin. Nakuha pa nitong magbiro nasa kalagitnaan na nga kami ng kamatayan.

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now