Chapter 36

1.1K 69 3
                                    

Abby POV

"Ilalagay natin to sa pagkain niya? Sure kaba diyan abby?" Tanong ni Rans sakin ngumitin ako dito "Oo naman nakakainis kaya yun" Iritang sabi ko at inayos ang upo ko.

"Pero hindi ba delikado yan abby?" Tanong naman ni sheki sakin. Inagaw ko naman ang hawak ni Rans na Powder actually hindi ko din naman alam kung ano to nakita ko lang siya sa drawer ni daddy.

"Ilagay nyo nalang kahit din naman ako naiirita doon" Sabi ni Ella at nagthumbs up sakin. Mukhang pareho kami ng iniisip. "Kinakabahan ako huwag--- Sela bakit mo inagaw!?" Sigaw ni rans kay sela ng bigla nitong inagaw ang hawak ni Rans.

"Antagal mo kasi! baka mamaya mahuli tayo dito sa sobrang tagal mo kumilos" Irap ni Sela dito. Tuturuan namin ng leksyong ang isang taong nagpapahiya samin lagi. "Lalabas po muna ako ate baka may pumasok sabihan ko nalang po kayo hehe" Pumuwesto si Coleen bandang Pintuan para makasigurong walang papasok.

"Tsk! tama na nga yan sa susunod na araw nalang natin gawin" iritang sabi ko at inagaw kay sela yung hawak niya. Ang tagal tagal niya kung kanina pa niya ginawa. "Ayaw mo pa kasi gawin rans ano kaba!" Turo ni Sela kay rans.

"Baka kasi kung ano yang powder na yan hindi natin alam" Pagdepensa ni rans sa kanyang sarili "Tara labas na tayo ng room baka mamaya may makakita satin" wala naman kaming ibang ginawa kundi sumunod nalang kay sheki.

--

"I did it!" Masayang sabi ni Rans samin. Napatingin kami dito "You did what?" Tanong ko sa kanya. Ano nanaman pinagsasabi nito. "Nilagay ko sa baonan ng tubig niya yung binigay ni Abby."

"Galing mo talaga rans kahit kailan!" Sigaw ni Sheki at lumapit kay Alice. Napangiwi naman ako at tumingin nalang kay sela nabusy sa pagsusulat.

Bigla naman nag tilian ang mga student kaya agad kaming napalabas ng pinto ng mga kasama ko. Nagulat nalang kami sa Nakita namin.

"H-hindi" Kinakabahan na sabi ko sabay tingin sa kasama ko.

---

"Ate Abby!" Napadilat naman ako ng marinig ko ang boses ni coleen. Napahawak ako sa bandang ulo ko Haist naalala ko nanaman.

"Ano ba yun coleen!" Inis na sabi ko sa kany habang nakahawak ako sa bandang ulo ko. kung pwede ko lang kalimutan yung nangyari kinalimutan ko na.

"Wow ah galet na galet ate abby, Tumayo ka nga diyan bakit diyan ka natutulog sa sofa hindi sa may kwarto mo?" Tanong ni Coleen sakin. Napaupo nalang ako at huminga ng malalim. "Sana naman makalimutan ko na ang lahat" Bulong ko sa sarili ko mukhang hindi ito narinig ni Coleen.

"Pumasok kana sa kwarto mo ate Abby papatayin ko na kasi talaga ang ilaw dito" Saad ni coleen at umalis sa tabi ko. Napaayos naman ako ng upo at tumingin sa kamay ko. "ays lang yan abby past is past kalimutan mo na yun, I'm sure na hindi na din naalala ng mga kaibigan mo yun" Dahan dahan akong Tumayo at dumiretso sa aking kwarto.

Nilock ko ang kwarto ko upang wala na din makapasok. Mga ilang segundo lang ay biglang nagring ang phone ko tinignan ko naman kung sinong caller pero unknown number naman ang nakalagay. binabaan ko nalang ang tawag dahil hindi naman ako sanay na sumagot ng tawag galing sa random call. Malay mo sindikato pala yung tumawag.


Nangako kami before na lahat ng bad memories nung bata kami matagal na namin iniwan sa Lishan Academy. Pero bakit hindi ko padin nakakalimutan kung sila nakaya nilang kalimutan ako hindi. Dahan dahan akong humiga at tumingin nalang sa kisame.

Hindi ko pa napipikit ang mata ko ay may kumatok na sa pintuan. "Ate Abby gising kapa ba!?" Boses nanaman ni Coleen ang narinig ko bakit ba lagi nalang itong tumataming? Pansin ko lang ang galing niya tumaming. "Sandali coco!" Pabalik na sigaw ko. Dahan dahan akong tumayo at nag unat unat muna bago ko buksan ang pinto.

"Nagtext kasi si Mari Kung pwede daw samahan ko daw muna siya sa bahay nila" Nakangiting sabi nito sakin.  "Tapos?" Maikling tanong ko sa kanya . Ngumiti naman si Coleen at may papikit pikit pa sa harapan ko nakuha pa niyang magpacute.  "Balak ko sanang pumunta ate abby please na sige na" Pagpapacute nito nakapout pa siya habang sinasabi yun.

"Hatid na kita" Saad ko mauuna na sana akong maglakad ng hawakan ni Coleen ang kamay ko. "Huwag na ate abby! nakakahiya naman lagi mo nalan ako hinahanatid stay put kalang diyan kaya ko naman alagaan ang sarili ko" Explain ni Coleen. Madapa nga lang siya umiiyak na siya Alagaan pa kaya ang sarili pingsasabi niya kuntongan ko kaya to para maliwanagan.

"Ate Abby wala kabang tiwala sakin?" Seryosong tanong ni Coleen. May tiwala ako sa kanya sa mga taong nakapaligid lang wala. "Coleen gabi na huwag ako bukas nalang ng umaga sasabihan ko si Mari" Sagot ko at itetext ko na sana si Mari ng biglang inagaw ni coleen ang phone ko.

"Ate Abby naman! kaya ko na sarili ko pls pumayag kana at sino naman magtatangka sakin! Isa kaya akong trinidad kaya kaya ko silang patumbahin" Sabi nito muli naman niyang inabot sakin ang phone ko. Isang malalim na buntong hininga na lang ang nagawa ko. "Okay fine basta uuwi kanang maaga Coleen Binabalaan kita" Turo ko sa kanya. niyakap naman niya ako at hinalikan sa pisngi "Thankyou ate abby da best ka talagang pinsan! Iloveyou aalis na ako ingat ka dito okay love you advance" Dali dali naman umalis sa harapan ko si Coleen at tumakbo palayo. Basta Pagdating kay mari ambilis ng batang yun kaya minsang pinaghihinalaan ko na may gusto ito dito.

Pumunta naman ako sa sala nalang dahil wala din naman akong magawa sa kwarto ko. Muli akong bumalik sa sofa inupuan ko bago ako paalisin ni coleen kaganina Gandang ganda ng upo ko pinaalis ako ni coleen napaka ewan talaga nung babaeng yun minsan. Papatayin daw niya ilaw e hanggang ngayon bukas pa din.

Mga ilang minuto nung umalis si Coleen. Ay nakita ko si nile na nakabihis mukhang aalis din siya buti pa sila may lakad ako nga wala lang tambay dito sa bahay.

"Pati ikaw nile aalis saan ba punta mo?" Nagulat naman si Nile ng marinig niya akong nagsalita mukhang hindi niya kasi ako napansin na nakaupo dito. "May aasikasuhin lang saglit" Ngumiti ito sakin at naglagay ng sumbrelo at shades. Saan naman din kaya punta nito?

"Kakaalis lang din ni Coleen. Sige alis kana mag ingat ka sa daan iba na ang panahon baka ano pang mangyare" Concern na sabi ko bago ko sinandal ang Katawan ko sa upuan ko. "Ikaw ang mag ingat abby dahil mag isa kalang dito lock mo yung pinto pagkalabas ko" Sagot ni Nile tumango nalang ako sa sinabi niya. Nang makaalis na si Nile ay sinunod ko ang sinabi niya at nilock ko nga ng mabuti ang bawat pinto.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya dali dali akong pumunta sa kusina at uminom ng basong tubig. Nilapag ko ang baso sa gilid ng ref. Naghugas ako ng kamay ng kukunin ko na sana ang tuwalya na nakalagay sa hawakan ng ref ay natabig ko ang baso pinag inuman ko kanina. "nagkalat pa ako" Bulong ko sa sarili. pagkahawak ko sa basag na baso bigla naman ako nasugatan. Ang malas mo abby.

Bigla naman pumasok sa isip ko si coleen. Nakapunta na kaya kela mari yun? bakit bigla nalang ako nag aalala. Siguro naman nandoon na yun sa place ni mari kasi mga ilang minuto narin simula nung umalis siya.

--

A/N: Balak ko talaga taposin agad ang story nato. Medyo antok ako na talaga ako habang nagtatype. Pero sinisikap kong makapag updates kahit isa pang Chapter para sa inyo. Hohoho uwu

Hidden FeelingsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang