Chapter 23

1.1K 83 4
                                    

Abby POV

Maaga ako pumasok para isubmit yung project ko kay Teacher nile. May iilan din ako gagawin pag tapos ng klase ko. Medyo di ako makapag isip sa nakita ko kagabi.

Gustong gusto ko makausap si Sela ngayon. Kaso Sabi nila absent daw si Sela. tinanong ko si Rans kanina kung bakit absent to hindi daw niya alam. Hindi kaya dahil kagabi? Pano ko ba malalaman eh nakita ko lang di ko naman narinig. Alangan naman manghula ako.

Naglalakad ako sa hallway papuntang Room ko sana ng makasalubong ko si Justin nakangiti lang to sakin na parang nang iinis. May problema ba ito sa pag iisip?

Huminto ako sa paglalakad at huminto naman sa tapat ko si Justin. "Good Morning Abelaine" Masiglang sabi nito sakin. Feeling close ba tong lalake nato? pagkakatanda ko kakakilala ko lang dito.

"Goodmorning" Walang ganang sabi ko At dinaanan ko lang siya. Bigla naman niya hinawakan yung kamay ko at pinaharap ako sa kanya. Array masakit diba niya alam na babae ako!?

"

Nag uusap pa tayo diba? Bakit bigla ka nalang tatalikod" Nag iba ang boses nito umatras ako kunti habang nakatitig sakanya. Hindi lang sa nasisiraan ng ulo may mood swing pa tsk.

"May problema kaba sakin?" Tanong ko sa kanya. Baka may problema to sakin na di niya lang sinasabi share naman niya para aware ako.

Tinignan naman niya ako mula paa hanggang ulo. Napataas ang isang kilay ko at dahan dahan kong niyukom ang aking kamao. Masasapak ko to pag di ako makapagtimpi.

"Maganda ka din naman abby Pero.... Sela Nandito ka pala" Napatingin ako sa likodan ko ng banggitin niya ang pangalan ni Sela. Nanlaki naman yung mata ni Sela habang nakatingin samin dalawa.

"Magkakilala ba kayo?" Tanong ko kay sela. Tumitingin naman si sela kay justin na parang nag uusap sila gamit mata.

"Uhm Abby Classmate ko kasi si Justin" Sagot nito hindi naman nakalampas sakin paningin kung pano niya ito pandilatan ng mata.

"Ganun ba. Sige mauna nako may kukumin lang ako sa room" Pag sisinungalin ko at dinaan silang dalawa. Wala akong panahon para mag isip.

Kilalang kilala ko si Sela alam ko na agad pag nag sisinungaling siya at sa aking nakikita obvious na nag sisinungalin siya. Pero ang kailangan ko lang malaman pano parang matagal na nila kilala ang isa't isa.

Pagkabalik ko sa room agad ako umupo at tumungo sa desk ko. May iba akong nararamdaman pero di ko lang alam kung ano tong nararamdaman ko.

---

"Ano ba kasing ginagawa mo!?" Sigaw ni Sela habang hatak hatak si Justin. Maya't maya lumilingon ito sa paligid niya para masigurado na walang nakakakita sakanila.

Inalis naman ni Justin ang pagkakahawak ni Sela sa kamay nito. "Chill ka nga lang diyan Sela, Masyadong napaka OA ng reaksyon mo" Sagot ni Justin habang inaayos niya ang buhok niya.

"Bakit mo ba kasi kinakausap si abby!?" Sigaw ni Sela habang pinanlalakihan ng mata si Justin. "Nagseselos kaba? Bakla ka din ba?" Hindi makapaniwalang sagot ni Justin.

"

Halika nga mamaya may makakita satin" Tulak ni Sela kay Justin papasok sa room na bakante. "Bakit di mo aminin sa kanya?" Tanong ni Justin at umupo sa lamesa.

"Para saan pa Justin. Alam naman natin nasa hu--"

"Na ikakasal ka sakin?" Tanong ni Justin Habang nakatingin kay Sela. Napabuntong hininga naman si sela bago sumagot. "Tin wala na akong maisip na paraan" Malungkot na sabi ni Sela.

"Sela alam natin dalawa dito na hindi tayo straight. Pinagtutulakan lang ng magulang natin tong relasyon nato" Seryosong sabi ni Justin habang nakatitig kay sela na malungkot pa din.

"May magagawa paba tayo? Hindi tayo pwede umatras Mapapahiya ang pamilya mo at pamilya ko." Sagot ni Sela dito kay Justin.

"Mahal mo ba si Abby?" Tanong ni Justin Napaiwas naman tingin si Sela sa kanya. "Mahal mo nga siya" Dugtong na sabi ni Justin dito ngumiti si Justin at lumapit kay Sela.

"Sela Pasalamat ka talaga na hindi ako tunay Lalake kundi pagbabawalan kita makipag usap at makipag kita kay Abby" Hinampas naman ng mahina ni Sela si Justin sa sinabi nito

"Napaka laking kahihiyan ito sa pamilya natin dahil ang inaasahan nila Ay isang bisexual at isang bakla sa timgin mo pag nalaman nila ito matatanggap kaya nila tayo?" Tanong ni Sela.

"Sela Umamin kana kay abby. Kasi ngayon palang kung hindi ka aamin baka mawalan kanang oras" Sambit ni Justin.

"Justin Hindi ko kayang umamin lalo't anytime malalaman niya na ikakasal ako." Hindi maiwasan ni Sela mapaluha kaya agad kinuha ni Justin ang panyo sa bulsa niya

"Itatago mo yang nararamdaman mong yan? Kaya mo paba?" Tanong ni Justin kay sela sabay punas sa Luha nito.

"Oo itatago ko tong nararamdaman ko Sa kanya. Kasi kahit umamin ako walang magbabago ikakasal ako sa iba. Hindi kami magkakatuloyan ayukong din naman sumaway sa magulang ko." Bumuntong hininga si Justin sa narinig niya kay sela.

"Napaka hina mo Willing na ako tulongan ka para ipaglaban si Abby tapos ganyan sinasabi mo" Iritang sagot ni Justin dito. Hinawakan naman ni Justin ang kamay ni Sela.

"Sela.." putol na sabi ni Justin ng biglang bumukas ang ilaw napalingon naman silang dalawa nakita nila si Abby na nakatingin din sakanila. Agad naman binitwan ni Justin ang kamay ni sela.

"Naistorbo ko ba kayo? Sorry ah may kukunin lang ako" Sambit ni Abby at dumiretso sa likodan ng room at kinuha yung notebook niya.

"Sige tuloy niyo na yan papatayin ko pa ba yung ilaw?" Walang emosyon na tanong ni abby sa dalawa. Si Justin naman napailing nalang tumango naman si Abby at tuloyan na umalis. Habang si Sela sinundan niya ng tingin si Abby.

"Sorry ah" sabi ni Justin napatingin nalang sa kanya si Sela at ngumiti. "Kakausapin ko nalang si Abby, Justin ano kaba okay lang yan" Tinapik naman ni Sela si justin.

"Mukhang mag aaway pa yata kayo dahil sakin." Nakasimangot na sabi nito. "Samahan mo nalang ako pumunta sa kotse may kukunin ako tara" Yaya ni Sela dito sumunod nalang si Justin kay sela.

Habang naglalakad silang dalawa papunta sa kotse ni Sela di nila alam na nakatingin lang si abby dito pinagmamasdan silang dalawa nakikita niyang ngumingiti si Sela habang kausap si Justin.

"Please god give me a sign kung tama ba tong naiisip ko o mali. Ngayon palang nahihirapan nako makita si sela na may kasamang iba"  sabi ni Abby at pinunasan ang luha niya habang nakatingin sa dalawang nagtatawanan. Hindi niya alam kung Anong mararamdaman niya sa mga oras na yun kung magagalit, malulungkot o magseselos siya halo halong emosyon ang nararamdaman niya.

Agad naman pumunta sa parking lot si Abby para pumunta sa kotse niya ng makasalubong niya si Ella "Saan ka pupun---Umiiyak kaba ayos kalang?" Tanong ni Ella pero hindi siya pinansin ni abby at dali daling pumasok sa kotse ito at pinaandar ng mabilis ang sasakyan.

---


Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon