Chapter 16

1.2K 89 0
                                    

Nile POV

Napaka weird talaga ng nararamdaman ko sa tuwing nakikita at nakakasama ko si Abby marami naman akong kaibigan na babae pero si Abby ibang iba siya sa lahat.

Nasa Canteen ako ngayon kasama ko yung Kaibigan ko kumakain kaming dalawa, Hindi kalayuan natatanaw ko si Abby kasama niya din ang kaibigan niya kumain.

"Ate Nile Baka matunaw yan tinitignan mo" Agad akong tumingin kay Frances na nakatingin din kay Abby.

"Wala Frances isa siya sa mga student ko" Ngiti ko at uminom ng tubig.

"Maganda siya Ate Nile Nuh, Halos lahat ng kasama niya maganda Pero sino kaya yung babaeng yung napaka gwapo Haha" Nguso nito habang nakatingin pa din sa gawi nila abby.

Halos nga lahat ng nakikita ko na kasama nito magaganda, Hindi ko maiwasan maingit Kasi sila lagi nilang nakakasama si Abby ako nakakasama ko lang to pag class hours hindi pa nga halos mag usap.

There's something about her na hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya. I wonder what is it.

Abby POV

Kasama ko nanaman ang mga kaibigan ko kumain napakaingay nanaman nila ako nalang nahiya sa kanila. Pero imbes na magfucos ako sa pagkain napapatingin ako  sa gawi nila Nile nakatingin kasi sila Pareho sakin alam nyo yung nararamdaman ko na pinag uusapan nila ako ng kasama niya.

"Abby try this masarap pizza nila" Nilagyan naman ni Rans yung Plato ko ng isang slice ng pizza nginitian ko nalang ito bago kainin.

"Friday pala ngayon hoy Sleep over naman tayo namiss ko kasi" Sheki

"Kaninong bahay binabalak mo" Tanong ng katabi kong Si Sela.


"Kahit kaninong bahay nalang sa inyo nalang kaya Gabb para maiba naman nagsawa nako sa bahay nila Abby" Sheki, Lagi Kasi siyang tumatambay sa bahay kaya siguro sawa na din to.

"Samin Nako hindi pwede Alam nyo naman yung mga kapatid ko makukulit kela coleen nalang" Turo ni Gabb kay Coleen na kumakain.

"Samin? iisa lang naman tirahan namin ni Ate Abby" Napatango naman ako sa sinabi nito, Nakalimutan yata ni Gabb.

"Sa inyo nalang sela?" Tanong ko sa katabi ko.


"Hindi pwede samin kilala nyo Daddy ko strict masyado, Pumayag nga lang yun mag pawelcome party Last na daw yun" Sabi nito.

"Kela Rans na nga lang" Suggest naman ni Ella, buti naman nagsalita din ito tahimik kasi ito parati.

"Pwede naman samin" Sabi nito habang kumakain ng pizza.

"Mamayang gabi ba?" Tanong ni Alice kay sheki.

"Ransoy mamayang gabi game ka bakla!?" Pasigaw na tanong nito, Si Sheki hindi nahihiyaw kahit makaditurbo na siya ng iba.

"Oo naman kayo pa malakas kayo sa Parents ko" Sabi nito

"Excited nako ate Rans sana mag gabi na agad"Sabat naman ni Gabb na parang kinikilig at niyayakap pa yung sarili.

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon