Chapter 15

1.2K 86 1
                                    

"Abby.."

"Hmmm" Alam ko nasa panaginip ko parin siya hindi kaya ginayuma nako ni Sela hanggang sa panaginip naririnig ko boses nito.

"Abby.."

"Huwag ka munang umalis dito kalang Sela" Niyakap ko naman ito.

"Abby nakikiliti ako"

Nagtaka ako ng naramdaman kong humagikgik ito at parang totoo na may kayakap ako hindi na yata to panaginip.

Dahan dahan ko naman minulat ang mata ko nakita ko si sela na nakasubsub sa bandang leeg ko habang ang kamay nito ay nakasupporta sa katawan niya at yung isang paa nito ay nakaapak sa sahig at nakatukod naman ang isa sa kama, Napabalikwas naman ako ng tayo sa gulat ko.

"Oh bat ganyan itsura mo  Abby Trinidad?" Tanong nito sakin.

Napatingin naman ako sa katawan kong nakakumot at chineck ko kung may damit ba ako o wala.

"Hoy abby ano ba yang pinanood mo para namang pinagsamantalahan kita amg OA abelaine" Sabi nito at umupo sa kama, Malay kobang irarape niya ako sana ginising niya ako diba.

"Ang aga mo naman pumunta dito Sela may problema kaba?" Tanong ko dito at tumabi sa kanyang pag kakaupo.

"Hindi ba pwedeng namiss ko yung bestfriend ko Paamoy nga Abby" Sabi nito at siniksik yung ulo niya sa bandang leeg ko nakikiliti talaga ako sa pinag gagawa ni Sela.

"Sira ano ba!" Sigaw ko dito at Inilayo yung mukha niya sa bandang leeg ko.

"Abby ang bango mo kahit bagong gising ka" Nakanguso na sabi nito, Nagiging Clingy yata ang isang marsela guia sakin.

"Marsela kailan ba ako naging mabantot ikaw lang yata satin ang mabantot" Panunukso ko dito, Bumabalik na talaga yung dating Sela na nakilala ko medyo nag iba lang nung nakaraan talaga.

"Mabango ka naman talaga amoy Pagkain Kaso di ka pagkain Hindi ka pwede kainin" Nakanguso na sabi nito.

Tinapat ko naman yung braso ko sa Bandang bibig niya.

"Bakit Abby may paganto?" Tanong niya sabay tingin sakin.

"Ayan braso ko kagatin muna tikman mo huwag mong ubosin" Hinampas naman ako ni sela bandang likodan, Anlakas nun grabe talaga tong babaeng to.

"Maligo kana abby may pasok pa tayo si coleen nga pala ako na nag gising sa kanya" Nakakapagtaka kung tulog pa si Coleen pano nakapasok si Sela? Nvm.

"Oh sige saglit lang Sela"

Bago ako pumasok sa Cr ay kumuha muna ako ng towel para di nako lumabas pa ng nakahubad mahirap na nandito si Sela, makita pa yung precious body na tinatago ko rapen pako, Wow abby siya pa talaga mang rarape sayo o ikaw!?

-------

Bumaba nako papuntang sala nakita ko si Sela na may kausap sa phone ito hindi ko naman sinadyang marinig ang sinasabi nito.

"Tin diba sabi ko sayo Wala na tapos na, Gumawa ka ng paraan para mapastop yun" Seryosong sabi ni Sela sa kausap nito, Sino kaya yung tine? bakir parang ang seryoso naman nito.

"Kahit ako naguguluhan din' Ang gusto ko lang mangyari na hindi iyon matuloy" Ano bang pinagsasabi ni Sela? Ano yung Pastop at hindi matutuloy na tinutukoy nito.

"Sige Bye tin." Walang ganang sabi nito.

Naglakad ako papunta sa kanya hindi ko nalang tinanong kung sino kausap niya kilala ko si Sela hindi rin naman niya ito sasabihin.

Hidden FeelingsDär berättelser lever. Upptäck nu