Chapter 27

1.1K 80 6
                                    

Rans POV

Maaga akong pumunta kela coleen para icheck ang pinsan niya. Hindi ko kayang iwan si Abby na ganun ang sitwasyon niya Hindi pa ito ang tamang oras. Kaya Hanggat may naiilang oras pako handa kong damayan si abby.


Parang nadurog ang puso ko ng makita ko si abby na nakaupo aa gilid ng kama at humahagulgol linapitan ko naman siya at niyakap. Nasasaktan din ako pag nakikita siyang nag kakaganto.

"Abby tahan na" Yinakap ko siya ng mahigpit. Para ipadama sa kanya na nandito lang ako kahit ano pang mangyare.

Humarap sya sakin habang patuloy pa din ang luha miya. kinuha ko naman yung panyo ko sa bulsa at pinunasan ang bawat butil ng luha niya sa pisngi.

"Mahirap ba akong magustohan Rans?" Tanong niya sakin. "Abby Hindi ka mahirap magustohan sadyang----"

"Bakit ganun kala ko may pag asa na magustohan niya ako yun pala hindi" Sabi nito. Hindi ko maiwasan maawa habang nakatingin kay abby masyado na siyang nasobrahan sa pag iyak dahil magang maga na yung mata niya at halos mamula na siya.

"Abby hindi ako sanay na makita kang ganyan" Sagot ko sa kanya at hinagod ang likod niya. Mas okay pa yung abby na laging pikon kesa sa abby na iyakin.

"Rans maling mali na umamin ako sa kanya. kung hindi ako umamin edi sana hindi ako nag kakaganto diba?" Pinunasan naman niya ang luha niya at ngumiti kahit nahihirapan siya.

"Pero mas maganda na rin na nalaman mo na hindi ka gusto ni Sela." Diretsong sagot ko. Napaka swerte ni Sela yung taong gusto ko siya ang gusto pero sinayang lang niya.

"Pero mas masaket nga lang ang balik sayo" Dagdag ko sa sinabi ko.

"Kung sinabi lang niya sakin na gusto niya ako kahit hindi totoo matatanggap ko kahit magpanggap nalang siya sa harapan ko pero hindi" Yumuko naman si Abby. napabuntong hininga nalang ako tuningin sa kanya.

"Hoy abby naririnig mo ba yang sinasabi mo? Sinong tangang papayag na paniwalain siya sa hindi naman totoo" Inirapan ko si abby. Baka iuntog ko to sa pader para malinawan.

"Ano ba dapat kung gawin?" mahinang taning sakin ni Abby. Hindi ko din alam sa totoo lang huwag niya akong tanungin jowk.

"Wala kang dapat gawin. Oo nasaktan ka pero hindi naman tama na magmukmok ka dito sa loob ng kwarto mo nakalimutan mo naba nandito pa kaming mga kaibigan mo at si Coleen? nandito kami para pasiyahin ka" Sagot ko tumingin naman si Abby sakin.

"Pero M---"

"Huwag mo ng ulit ulitin yang salitang yan Abby. Sa tingin mo ba pag sinabi mo paulit ulit yan may mababago? Diba wala" Irap ko sa kanya naririndi nako pag naririnig yung salitang "Mahal ko si sela" Eh hindi nga siya gusto.

"Tama ka bakit ko ba iniiyakan si Sela. Hindi ko naman siya mapipilit na gustohin ko niya ako. Mas okay na nga lang talaga na maging mag kaibigan nalang kami" Sagot ni Abby sabay punas ng luha niya tumayo to' Sinundan ko naman agad siya ng tingin.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya at hinawakan yung kamay niya. "Kay Sela" Agad naman akong tumayo at binatokan si abby.

"Array! masakit yun rans!" Daing nito sinamaan ko naman siya ng tingin' Ganto ba katigas ulo nito?

"Baka nakakalimutan mo yung tension na nangyare sa inyo ni Sela. Sinasapak mo si Justin diba? Malamang galit si sela sayo Padalos dalos ka kasi" Mukhang napaisip agad si abby sa sinabi ko.

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon