Chapter 39

996 76 3
                                    

Abby POV

One week na pero hindi pa din namin mahanap ang kaibigan namin. Wala manlang clue kung sino ang kumuha sakanila. One week na din ako nag aalala sakanila kung alam ko lang talaga na pati sila Rans madadamay ay hindi nalang ako pumayag na hanapin namin si Coleen ng araw na yun.

"Sumasakit na ulo ko ano wala pa din tayong balita sakanila!?" Sigaw ni Sheki habang nakapangiwang sa harapan namin ni Gabb. Napaiwas nalang ako ng tingin at yumuko.

Bigla naman pumasok ang Parents ni Rans sa loob ng bahay namin kaya mabilis na umupu si Sheki sa tabi namin ni Gabb. "Goodmorning po tito" Sabay na sabay na sabi namin ng kasama ko.

Bakas naman ang galit sa mukha ng daddy ni Rans. "Anong good sa morning? wala pa din ba kayong updates? Halos isang linggo na nakalipas ni isang clue wala kayong alam kung sino ang kumuha anong klase kayong kaibigan!?" Sigaw ni tito tumayo naman si Gabb upang pakalmahin si Tito.

"Tito ginagawa naman namin ang lahat halos di kami matulog da----"

"Dapat lang dahil kasalanan niyo to. Si Rans nandiyan siya pag kailangan niyo siya! sana naman pag kailangan niya kayo ay nandiyan din kayo pero wala anong madadatnan ko sa loob ng pamamahay nato nakaupo lang kayo at walang ginagawa!?" Sigaw ni tito samin Naramdaman ko naman na kinakabahan si Sheki habang nakikinig dito.

"Tito kinausap ko na si Daddy gumagawa nadin siya ng paraan Easy kalang diyan"  Hindi ko alam kay sheki kung nagbibiro ba siya o ano. "Ganun din po ang parents ko gumagawa na din kami ng paraan para agad natin mahanap sila" Magalang na saad ko sa kanya.

Bigla naman umalis ang daddy ni Rans sa harapan namin. Si gabb naman dahan dahan bumalik sa kinauupuan niya "Kinabahan ako doon ah!" Sigaw ni Sheki habang nakahawak sa dibdib niya. Hindi lang ikaw sheki kahit ako kinabahan.

"Hindi lang ikaw sheki pati ako nuh Mukha kasi siyang papatay sa titig niya" Sagot ko kay sheki napa buntong hininga si Gabb na ngumiti samin. "May pupuntahan lang ako dito muna kayo" Ngiti nito samin. Lagi nalang umaalis si Gabb saan kaya nagpupunta to malamang kay Ella.

"Sige miss na miss mo agad si Ella kakakausap mo lang phone kanina umalis kana nga!" Taboy ni Sheki dito parang timang to minsan. "Babalik din ako agad Ate Abby Dito muna kayo huwag nalang muna kayo lumabas ng bahay delikado" Sagot nito ng makaalis si Gabb ay tumingin sakin si Sheki na parang nagtataka.

"Napapadalas ang pag alis ni Gabb diba" Sabi ni Sheki sakin "May jowa yung tao malamang pupuntahan niya si Ella sadyang wala lang si Alice ngayon kaya nandito ka sa tabi ko Tsk" Sagot ko sa kanya kung nandito si alice baka wala sa tabi ko si Sheki yun pa patay na patay yun kay Alice.

"Nag aalala na nga ako kay alice hindi pa nga nagiging kami tapos nawala na siya!" Sabi ni Sheki habang pinagsisipa ang Upuan na nasa harapan niya.

"Ako nga never naman naging kami pero iniisip ko siya"

"Hindi ko alam kung malas lang ba talaga tayong magkakaibigan e" Sabi ni Sheki at tumayo inayos yung suot niya. oo nga parang napaka malas namin sa lahat ng bagay.

Sela POV


One week na pala nakalipas nung nawala yung mga kaibigan ko. Sinabi ni Gabb na ginagawa naman niya ang best para mahanap sila. Sa tuwing pinapalabas sa TV ang pagkawala nila di ko maiwasan umiyak. Kailan ba magiging normal ang lahat? Hindi naman pwede umupo upo lang ako gusto ko silang tulongan.

Kasama ko nga pala si Ella sa Condo tuwing wala si Gabb ay si ella ang nakakasama ko dito. Lagi akong humihingi ng updates kay gabb kung ano na balitaan pero wala pa din daw siyang balita sa mga kaibigan namin Haist.

Inabutan naman ako ni Ella ng tubig agad ko din to kinuhat at binigyan siya ng ngiti "Thankyou" Saad ko dito ngumiti naman siya pabalik at umupo sa tabi ko. "Hindi lang isa nawala satin kundi apat" Sabi ni Ella at naghalumbaba pa.

"Kung may magagawa lang ako Ella. Kaso pati ako wala akong magawa Sana nasa mabuti sila diba?" Saad ko pabalik sa kanya

"Alam mo sela Naisip ko bigla hanggat nandiyan pa si Gabb sa tabi ko Susulitin ko ang oras na kasama siya ibibigay ko ang pagmamahal ko sa kanya kasi hindi mo alam ang susunod na mangyayari" Rinig kong sabi ni Ella napatitig naman ako dito Mahal na mahal niya si Gabb. Tama siya hanggat nandiyan pa ang taong mahal mo dapat sinusulit mo na ang oras.

"Gusto ko puntahan si Abby." Seryosong sabi ko sabay hawak sa kamay ni Ella. Gusto ko sabihin kay abby ang nararamdaman ko bago mahuli ang lahat.

--

A/N: Shorts UD muna bawi nalang next chapter si author.

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now