Chapter 37

1K 75 4
                                    

Sheki POV

"Hay! sa wakas nakauwi nadin ako sa bahay!" Sigaw ko agad akong humiga sa sofa dahil napagod ako sa byahe namin ni Alice. "Sheki nagugutom kapa ba? maghahanda nako ng makakain natin" Tanong ni Alice sakin. Napaka sweet talaga mg captain ko pag kaming dalawa lang >.<

"Hindi na busog narin ako napadami kain ko kela Gabb kanina e" Hinimas himas ko pa tiyan ko habang nakatingin sa kanya. "Nabubusog ka pala?" Tanong nito nang aasar ba siya or what?

Umupo naman ako sabay hila kay alice paupo sa tabi ko sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya. "Masaya ako kasi alam ko na mabuti ang kalagayan ni Sela" Sabi ko sabay hawak sa kamay ni Alice. Naramdaman ko naman ang pag hinga nito. "Pero ang tanong kailan natin sasabihin kay Abby yung tungkol kay Sela? Parang ang unfair naman na alam natin tapos si abby walang kamalay malay sa nangyayari" Saad nito sakin at tinabig niya ang ulo ko paalis sa balikat niya. Andamot ah! minsan na nga lang makisandal.

"May oras para diyan Alice sa ngayon hanggat maari huwag na muna natin ipaalam sa kanya" Sagot ko nalang at muling binalik ang ulo ko sa pagkakasandal sa kanya this time pinabayaan nalang niya yung Pagkakasandal ko sa kanya. "Si Coleen ipapaalam ba natin sa kanya?" Tanong ni alice sakin. Speaking of coleen ilang araw ko ng di nakikita yung batang yun.

Sakto naman bumaba sa hagdan si Mari. Kung nagtatanong kayo bakit nandito si Mari ay dito talaga siya nakatira kaming tatlo ang nakatira sa bahay nato. Magkakaibigan kasi yung parents namin kaya nagdesisyon nalang sila ipagsama sama kami sa iisang lugar nila alice.

Swerte ko nga mukhang nafeel ni Mother earth na type ko si alice kaya mas lalo kaming pinaglapit #Supportivemother

"Kakagising mo lang Mari?" Tanong Ni Alice kay Mari na pababa ng hagdan medyo magulo ang buhok nito at nag uunat unat pa. "Kararating nyo lang ba mga ate?" Tanong ni Mari samin habang nakakamot ng ulo. Ang cute talaga nito ni Mari kahit kailan Ewan ko nga bakit hindi to type ni coleen.

Hindi nga ba?

"Oo kararating lang namin hindi bat sabi namin na Isarado mo yung gate at pinto. Buti nalang walang pumasok ng bahay" Saway ko sa kanya. Pagkauwi Kasi namin ni Alice nakabukas ang gate at pinto ng bahay kahit kailan talaga malilimutin si Mari. Buti nga walang magnanakaw kung nagkataon na may magnanakaw baka mapahamak patong batang to dahil walang kasama.

"Huh? sinarado ko naman yan kanina" Nanlalaking mata sabi ni Mari. "Sinarado kaya pala bukas mari." Sabi ni Alice sabay tayo sa pagkakaupo Nautog naman ako sa gilid ng sofa. "Punyeta ka alice! sabihin mo naman na aalis ka Sa pagkakaupo hindi yung nambibigla ka nauntog tuloy ako!" Reklamo ko at hinawakan yung gilid ng ulo ko.

"Malayo sa bituka yan sheki" Sagot nito pag may tao talaga ganyan sya kaharsh sakin! pagkami napaka sweet baliktad ata ulo nito ni alice pasalamat siya may dyosa na nagkakagusto sa kanya.

"Sinarado ko talaga mga ate" Ulit na sabi ni Mari. Oo na mari narinig namin hindi kami bingi huwag kan paulit ulit okay?

"Baka nakalimutan mo lang anong oras naba?" Tanong ni Alice tumingin naman ako sa Relo ko "Mag 11pm na tapos gising pa din tayo matulog na tayo tabi tayo alice" Nakakalokong sabi ko at ngumiti sa kanya tinaasan naman ako ng kilay ni alice.

"Huwag ako sheki Pagod ako" Sabi nito at tinarayan ako ng tuloyan. tumawa naman ng mahina si Mari agad ko siyang tinaasan ng kilay kaya naman napahinto to sa pagtawa niya. "Sorry ate sheki" Paghingi ng paumanhin nito sakin.

Nagring naman ang phone ko at nakatanggap ako ng tawag kay Abby. Napatingin naman sakin yung dalawa "Sino yan babae mo?" Tanong ni Alice. naku kung alam mo lang kung sino to!

"Si Abby to Selosa ka masyado" Ngisi ko sabay sagot ng tawag ni Abby.

"Sheki Nandiyan naba si Coleen?" Bungad na tanong ni Abby sakin. Napatingin naman ako kay mari nung pagkasabi niya. "Hu may usapan ba sila ni mari na pupunta siya ng bahay? kakauwi lang Kasi namin ni alice" Sagot ko sa kanya.

"Si Mari nandiyan ba siya?" Tanong ni Abby. "Nandito siya bakit?" tanong ko ulit kay abby. "Nagsabi kasi si Coleen kanina bago siya umalis Sabi niya sakin magkikita daw sila ni Mari" Nag aalalang sabi ni Abby.

"Ahm abby saglit lang huwag mo ibaba" Sagot ko at lumapit kay mari nagtaka naman siya sakin na tumingin "Magkikita pala kayo ni Coleen bakit nandito ka?" Tanong ko kay Mari.

"Makikita? hindi ko pa nga nakakausap si Coleen ngayong araw" Sagot ni Mari Napatingin samin si Alice "Bakit anong nangyayari?" Tanong ni Alice sakin.

"Si Coleen nagpaalam kay Abby na magkikita daw sila ni Mari" Agad na sagot ko "Kung hindi mo pa nakakausap si Coleen, Panong nangyare na magkikita kayo? asan daw yun si Coleen pupunta" Tinaas ko naman ang kanang kamay ko para sumenyas kay alice na huwag muna magsalita.

"Hello abby nandiyan kapa ba?" Tanong ko sa kabilang linya "So hindi magkasama si Coleen at Mari!?" Pasigaw na tanong niya Napapikit ako saglit.

"Hindi pa nakakausap ni Mari si Coleen. Saan ba nagpunta yun? sinabi ba niya yung lugar?" Tanong ko kay abby

"Wala siyang sinabi na place basta sabi niya magkikita sila ni Mari. Sheki nag aalala ako kay Coleen baka napano na yun" Narinig ko naman ang malakas na pag buntong hininga ni Abby.

"Huwag kang mag aalala abby. Hahanapin namin agad agad si Coleen sa ngayon Magtanong ka muna sa iba" sagot ko dito.

"Sige sige Sheki pakibilisan okay" Binaba na niya ang tawag napahawak naman ako sa bandang kilay ko.

"Ano daw nangyare Kay Coleen?" Tanong ni Mari sakin "Magkikita daw kayo ni Coleen sabi ni Abby" Sagot ko.

"Teka pano kami magkikita ni Coleen ni hindi ko pa siya nakakausap ate sheki ate alice! baka ano ng nangyare kay coco hanapin natin siya!" Nagaalalang sabi ni Mari.

"Hindi nga natin alam kung nasaan si Coleen. Gagawa tayo paraan para mahanap natin si Coleen. Sheki Tawagan mo agad si Rans" Utos sakin ni Alice agad ko naman dinial ang phone number ni Rans upang tawagan ito.

Coleen POV


Pagdilat ko ng mata ko sobrang talaga ng katawan ko pakiramdam ko binugbog ako. Hindi ko din magalaw ang katawan ko sa sobrang sakit. Pag kakatanda ko nasa park lanh ako kanina. Bigla kong napatanto na Nakagapos ang kamay at paa ko. Hindi ko magalaw ang katawan ko sa sakit.

"N-nasaan ba ako?" Tanong ko sa sarili ko habang nilibot ang tingin ko. Nasa isang kwarto ako pero kaninong kwarto to at sinong walang hiya ang Nagtali sakin dito.

Isusumbong ko sila agad kay ate abby pag nakawala ako dito. Pilit ko naman inalala yung nangyare kanina.

Papunta na ko sa exact place na tinext sakin ni Mari umupo muna ako sa isang bench dahil mukhang wala pa si Mari. Nilabas ko muna ang cellphone ko Para tawagan sana si ate abby ng biglang may kung anong matigas na bagay ang humapas sa likodan ko at nawalan ako ng malay.

Bigla naman bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang taong nakamaskara pumalakpak pa ito. "Sino ka?" Tanong ko sa kanya.

"It's payback time" Nanlaki ang mata ko na may hawak tong baseball bat at tinapat niya ito sakin. "L-lumayo ka sakin!" Utal na sigaw ko habang pilit na gustong kumawala sa pagkakatali na meron ako.

"Huwag kanang gumalaw Dahil lalo kalang mahihirapan" Yun nalang ang huli kong narinig. bago mandilim ang aking paligid.




Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now