Chapter 17

1.2K 90 3
                                    

Medyo natagalan kaming pumunta nila coleen sa bahay nila Rans kasi si Sela biglang nag inarte sabi niya ayaw daw niya pumunta tapos isa pa nag papalusot pa siya samin ni Coleen pero sa huli pumayag nalang siya, Hindi ko talaga maintindihan si Marsela.

"Buti nakarating kayo Abby" Bungad samin ni Sheki siya kasi nagbukas ng pinto.

"Ate sheki dapat kanina pa kami nakapunta kaso si Ate Sela nag ii-----" Tinakpan ko naman Bibig ni Coleen, Kasi alam ko baka mag iba mood ni Sela mag walk out pa to.

"Si Sela kasi naghahanap ng masusuot kaya natagalan siya, Ang daldal mo coleen pero ang cute mo Mauna kanang pumasok doon" Tinulak ko naman papasok si Coleen sa pintuan.

Tumingin ako kay Sela na May kausap pa sa phone kaya hinintay ko na muna siyang matapos. Ayuko naman lumapit baka marinig ko ang pinag uusapan nila sabihan pa akong chismosa.

Sinamahan na din ni Sheki si Coleen papasok ng bahay nila Rans habang ako nasa pintuan lang ng entrance tapos si Sela hindi kalayuan na nasa bandang gate na may kausap. Hindi ko maiwasan magtaka kasi napaka seryoso ng itsura nito peri gaya nga ng sinabi ko ayaw ko siyang tanungin about doon.

Mukhamg natapos na din naman ito makipag usap kaya naman pumunta ako dito at hinawakan yung kamay niya. Abby jowa mo ba yan? Hindi pa pero soon kami na.

"Dapat na una kana Abby sa Loob"

"Hindi hihintayin kita kahit gaano katagal Tara na"

Pagkapasok namin agad naman nakita ko si Ella at Gabb na nanonood sa tv habang si Alice at sheki may dala dalang unan pababa ng hagdan. Totoo talagang pinapunta ni Coleen si Mari kasi nakita ko silang dalawa na nagkukulitan. Si Rans naman Inaayos yung lamesa.

"Anong ganap nyo tatayo lang kayo habang magkaholding hands?" Napabitaw naman si Sela sa pagkahawak sakin at agad lumapit kay Alice upang tulongan ito sa pag dadala ng mga kumot at unan.

Ang sipag ng Girlfriend ko...Okay Erase erase... Ang sipag ng bestfriend ko kahit sino tinutulongan kung ako siguro yan baka pinanood ko lang gaya ng ginagawa ko ngayon.

"Nilapag na ni Coleen yung dala nilang pizza sa kusina mamaya ko nalang ilalagay sa lamesa!" Sigaw ni Rans sabay takbo papasok ng Kusina.

Ako naman nakatayo lang gaya nga nya sabi ko hindi ko din naman alam maitutulong ko at may sari sarili silang mundo ayaw kong makigulo.

Tumabi naman ako kay Coleen at Mari na nag uusap, Hindi pa nga nila ako napansin dahil busy sila sa sarili nilang mundo.

"Cute ko naman lagi sa paningin ko coleen" Pasimple naman akong tumingin kay Mari, Bumabanat pa Ewan ko nalang kung hindi kiligin tong pinsan ko.

"Ikaw naman pinaka maganda sa paningin ko Wait asan cellphone mo selfie Tayo" Tumayo pa ito para lang lalong dumikit kay Mari, Kulang nalang magpalit sila ng mukha.

Tumingin naman ako kela Gabb at Ella na busy sa panood ng TV magkaholding hands pa talaga yung dalawa tapos may time na tititig lang si Gabb kay Ella na parang tuwang tuwa nanonood Kailan pa naging TV ang mukha ni Ella? Hindi ako nainform titigan ko kaya baka sakaling may lumabas na movies sa mukha ni ella.

sa Kaliwa ko naman sila Sela,Sheki at alice na pabalik balik sa ewan ko kung kaninong room pinapasokan nila Pero based na kikita ko kumukuha sila ng mga unan tapos nilalagay nila sa gilid ng sofa baka doon kami hihiga? Si Sela at alice kahit pinag papawisan maganda pa din, Si sheki parang batang hamog lang na may dala dalang unan. Charr cute kaya ni sheki napaka cute size niyan.

May humagis naman sakin na tissue kaya inis ko naman tinanggal ito sa mukha ko. Ang ganda ng pagmamasid ko hahagisan ako ng tissue!? Nakita ko Rans na nakataas ang kilay sakin kaya tinaasan ko din siya ng kilay papatalo ba ako?

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now