Chapter 24

1.1K 82 4
                                    

Abby POV

Napaka hirap kaya mag selos lalo na wala ka din naman karapatan tapos nakikita ko pa siyang masaya habang kausap yung lalake na yun. Sa sobrang inis ko pinaharurot ko ang kotse ko ng sobrang bilis palayo sa university.

"Tama na. ansakit pala" Sabi ko sa sarili ko habang nag dadrive ng mabilis. "Abby sa tingin mo ba si Sela para sayo? asa ka naman Ang babae para lang sa lalake" Sabi ko sabay lalong binilisan ang pa ang pagdadrive hanggang sa...

Beep

Beep

Beep

(A/N: Busina talaga yan ng sasakyan HAHA)

Agad kong niliko sa kaliwa ang kotse ko para iwasan ang kasalubong ko na Kotse din. Nang makalagpas na yung Kotse sakin ay dali dali kong pinatay ang makina ng sasaktan ko. Randam ko ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko at bilis ng paghinga ko. Huminga ako ng malalim para medyo maginhawaan ako. Tinanggal ko yung seatbelt ko at tsaka bumaba sa kotse. Umupo ako sa gilid ng kalsada kung saan ko tinabi ang kotse ko at tumingala sa langit. ngayon ko lang napansin na madilim na pala nasisilayan ko nanaman ang mga bituin.

"Lord huwag nyo naman akong Kunin agad. Wag naman ganun madami pa akong pangarap sa buhay huwag naman agad agad pinakaba niyo ko doon" Sabi ko habang nakatingin sa langit at hawak hawak ang dibdib ko. Bigla ko nanaman naalala yung nakita ko Kaya nalungkot nanaman ako.

"Lord sa tingin mo ba si Sela bagay kay Justin? Ayaw nyo ba kaming magkatuloyan?" tanong ko habang nakatingin pa din sa langit.

"Bigyan nyo naman ako sign para alam ko yung gagawin ko" sabi ko bigla naman may tumama sa na malamig sa pisngi ko "Tubig?" Titingin sana ako sa kalangitan ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Lord ito ba yung sign? Kaganina gusto mo ko mamatay. Ngayon gusto mo ko Magkasakit grabe naman kayo sakin" Sabi ko sabay iling nalang bigla naman kumulog at kumidlat kaya "Ito na lord papasok nako sa sasakyan ko ulit baka kung ano pang kamalasan ang mangyari sakin" Sabi ko habang binubuksan ang pintoan ng kotse ko nagtaka ako kung bakit ayaw mabuksan sinilip ko ang loob ng kotse "Ano ba yan! naiwan ko yung Susi sa loob!?" inis na sabi ko umupo ulit ako at tinakpan ang mukha ko gamit ang kamay ko.

"Bakit napaka malas ko ngayong araw di na nakakatuwa sunod sunod na kamalasan, Lord Bukas ba goodnews na ang ibbigay nyo?" Sabi ko habang niyayakap ko ang sarili. Nilalamig nako hindi pa din tumitigil ang malakas na ulan.

Randam na randam ko ang pagbuhos ng malakas na ulan habang ako nakaupo pa din sa gilid ng kotse ko pilit niyayakap ang sarili ko para kahit gagaabo mainitan ako.

"Abby malas mo na nga sa lovelife. Malas mo pa sa buhay" Nanginginig na sabi ko habang nakatingin sa kalsada. Wala akong magagawa ito yata ang pinaka malas ko na araw ko sa lahat.

Halos 45 minutes ko din niyakap ang sarili ko Naramdaman ko naman na di nako nababasa ng ulan "Wala nabang ulan?" Pero napansin ko may isang taong nakatayo sa harapan ko kaya dahan dahan kong inangat ang tingin ko.

"Anong pumasok sa isip mo at nagpaulan ka?" Tanong nito sakin. "I-ikaw?" Nanginginig na sabi ko sobrang nilalamig na din kasi ako ikaw ba naman ilang minuto nakaupo tapos sobrang lakas pa ng ulan.

"Pumasok kana sa loob halika na" Agad niya akong inakbayan pero nagdadalawang isip pako kung sasama ako. "Yung k-kotse ko" Nauutal na sabi ko sa kanya.

"Ipapakuha ko nalang yan tara na abby" Saad nito. pumasok kami sa kotse umupo siya sa driver seat at hinubad niya ang Jacket na suot niya para ipasuot sakin agad ko naman tinanggap to.

"S-sela pano mo nalaman na nandito ako" Tanong ko sa kanya. Tama kayo si Sela ang tumulong sakin tumingin siya sakin at Ngumiti "Pag soulmate mo ang isang tao mahahanap at mahahanap mo siya" Sagot nito soulmate? tama ba narinig ko soulmate? o nag iillusyon nako dahil Nanghihina ako sa sobrang lamig.

"Sa condo ko nalang tayo didiretso. Hindi pwede sa bahay abby Pahinga ka muna diyan malamig paba bubuksan ko yung heater para sayo" tanong ni Sela hindi niya ako hinintay sumagot at binuksan na niya ang heater.

Nakaramdam naman ako ng comfortable pakiramdam dahil na siguro medyo mainit na di katulad kanina na halos manigas ako sa lamig. Dahan dahan ko naman pinikit ang mata ko para matulog muna mamaya nako magtatanong ulit kay sela ang mahalaga ayos nako at kung sino pa yung dahilan kung bakit ako nandito siya din pala yung Magliligtas sakin.

---

Nagising ako na nasa malambot na kama nako. Agad akong umupo mula sa pag kakahiga at tinignan ang sarili ko. Nagulat ako na iba na yung suot kong damit binihasan ba niya ako? Edi nakita niya ano wala na akong maitatago pa >.<

bumukas naman ang pinto at niluwa nun si Sela na may hawak na soup at Hot choco nag aalala ang itsura nito kaya agad akong umiwas ng tingin. Yan nanaman yung tinginan niya pinaparamdam niya lang sakin ito ngayon dahil sa nangyare.

"Okay kana ba abby?" Tanong nito at nilapag niya yung dala dala niyang tray sa gilid na lamesa na katabi ko.

"Binihasan mo ba ako?" Diretso tanong ko. "Ofcourse not hindi kita bibihisan nuh si manang nagbihis sayo niyan don't worry wala akong nakita okay naba pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong niya. Siya kaya dahilan kung bakit ako napunta sa lagay na yun.

"Okay nako huwag kang mag alala sela" Sagot ko dito. "Ano ba kasi pumasok sa isip mo at nagpakabasa ka buti nga hindi ka nagkasakit" Tignan mo to bigla bigla nalang nag sesermon sakin. Pero gustong gusto ko naman.

"Nagkataon lang. Panong nandoon kadin sa lugar na yun?" Tanong ko sa kanya "Saktong napadaan lang ako sa Lugar nayun kasi pupunta ako dito pero nakita kita" Sabi nito tumango nalang ako.

"Kumain kana gutom kana ba?" Tanong niya sakin. "Hindi pa gutom" Sagot ko sa kanya.

"Ahh. buksan mo bunganga mo papakainin Kita ang pababae ah" Natawa ako ng mahina sa kakyuta ni Sela sinubuan niya ako ng Soup. Minsan ginagawa paairplane niya pa na kala mo bata ang pinapakain niya.

"Huwag mo na uulitin yun abby pinag aalala mo ko" Seryosong sabi nito at nilapag sa gilid ng kama ang hawak niya. Napatitig ako sa mga mata nito Nag aalala ba talaga siya sakin? o naawa lang.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya "Ayuko na may mangyaring masama sayo what if hindi ako napadaan sa lugar na yun anong mangyayari sayo? abby huwag----" Agad ko naman siyang yinakap ng mahigpit. Kahit papano Namiss ko agad tong babaeng to wala na akong pake kung ako lang may gusto sa kanya basta ang mahalaga sakin nasa tabi ko lang siya.

"Salamat sela..." Bulong ko dito habang nakayakap sa kanya. Yinakap naman ako pabalik ni sela. "Ayukong may mangyaring masama sa taong mahalaga sakin abby huwag mo ng uulitin kundi magagalit ako!" Humiwalay siya sa pagkakayap sakin at binatokan ako napapout naman ako. mapanakit talaga si Sela kahit kailan dapat iwasan na niya panonood ng ufc.

Pero ang mahalaga kasama ko siya ngayon na parang walang iniisip na problema di bale na masaktan handa nako masaktan kung kapalit nung ang magkagusto sa kanya.

---


Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now