Chapter 10

1.3K 86 7
                                    

Sela POV

"Abby huwag mo nga akong suboan may kamay ako" Medyo naiinis nako kay abby Simula kaganina, Laging nakadikit simula ng sinundo niya ako Sa bahay.

Hanggang sa school sinundo niya pa ako sa Room ko para sumama sa kanya sa recess, Si rans naman sinulsulan ako sumama nalang daw ako kay abby total miss na miss daw ako nito kaya pumayag ako.

"Sela Last na ahh" Sabi nito wala naman akong nagawa kaya kinain ko nalang, Medyo nahiya nadin ako kasi nakatingin Yung ibang students samin.

Halos hindi na nga sila makakakain at panay tingin samin.

"Gusto mo tu----" Kukunin na sana niya yung tubig sa tabi niya ng hawakan ko yung wrist niya.

"Huwag mo kong gawin abby, Kaya kong kumain ano bang nangyayare sayo?" Seryosong tanong ko nung nakaraan naman hindi siya ganto tapos ngayon napaka clingy nito sakin.

"W-wala m-masama ba?" Nauutal na sabi nito at umiwas ng tingin, napabuntong hininga nalang ako dito.

"Matagal ko ng sinabi sayo dati pa, Ayuko ng clingy Abby" Sabi ko dito at tinitigan siya, Ibang abby yata kaharap ko kasi nakatitig lang siya sa mukha ko na parang mangha mangha na bata.

"Huwag mo kong titigan abby" Dugtong ko ulit ngumiti lang siya sakin at uminom ng tubig, Tignan mo to ngumiti pa talaga sakin lalong nakakaasar.

"Naiilang kaba marsela?" Balik na tanong niya sakin nagulat ako ng hawakan niya yung magkabilang pisngi ko.

At pinaharap sa kanya, Linapit naman niya ang mukha niya sa mukha ko kaya nanlaki ang mata ko dito.

"Kasi sakin walang malisya to..." Mahinang sabi niya habang nakatitig sa mukha ko hinawakan ko naman yung magkabilaang wrist niya para tanggalin sana.

"Abby may mga tao sa paligid ano ba" Bulong ko habang nakahawak pa din sa dalawa niyang wrist, Ngumiti ulit to at binitawan yung pagkakahawak niya sa Mukha ko at umupo ng maayos.

"Naiilang ka nga?" Tanong nito sakin, Hindi naman sa naiilang ako naninibago ako sa kinikilos niya.

Sweet naman talaga si Abby pero hindi totally ganto ang ginagawa niya dati.

"Hindi ako naiilang abby naninibago ako sayo" Seryosong sabi ko, Nilabas naman niya yung phone niya nainis ako lalo nung pinicturan nya ako.

pano ko nalaman? biglang nag flash.

"Oy ganda mo dito parang shock na ewan" Natatawang sabi nito.

"Isa idelete mo abelaine" Pinapaklma ko lang Sarili ko.  "Ayuko nga hindi ako nagdedelete ng pic lalo na kung pic ng bestfriend ko" Sabi nito at tumingin sakin.

Tumayo ako at lumapit sa kanya para agawan sana ng bigla itong tumayo din at Umikot para di ko makuha yung phone niya.

"Ako na mag bubura abby amin na phone mo" Sabi ko lalapitan ko sana kaso Tumakbo, Walang hiya abby yun pag yung pinost o minyday niya mamaya tutuplakan ko yun.

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon