Chapter 22 - He's Back

35.6K 902 52
                                    

Chapter 22 – He’s Back

It’s already five in the afternoon nang makabalik kaming Vampire City. Ryder told me na ihahatid niya akong school hanggang room mamaya kapag pumasok ako para hindi na ako ma-bully. Ilang beses kong ni-reject ang offer niya pero masyado siyang persistent kaya napa-oo na lang ako.

“Kumain ka muna. Tapos itext mo ako kapag magpapasundo ka na, ah?” sabi niya nang maihatid ako sa condo. Hindi ko na nga siya pinayagan na umakyat hanggang sa unit ko kasi nakakahiya pa.

“Sige,” sabi ko saka ako bumaba sa kotse niya. Hindi ko na siya nilingon saka ako pumasok sa condominium. I went to my unit using elevator.

Pagpasok ko sa loob ay agad akong dumeretso sa kitchen counter para ilagay ang pagkain na tinake out ko sa isang fast food bago kami umuwi. Inilagay ko siya sa microwave saka ako nagdecide na magshower muna since feel kong Lapochi na ako sa kung ano-anu ang ginawa namin kanina ni Ryder. Idagdag mo pa ‘yung ice cream na nagmantsa sa damit ko.

I took a quick shower. Nagpatuyo lang ako then nagbihis. I decided to wear my cute white tank top sweater tucked in with my pastel pink high waisted skater skirt and black laced doll shoes.

I blowered my hair saka ko siya ni-curl ng konti. Err, bakit ba ang porma ko? Bakit gusto kong maging maganda sa paningin ni Ryder? Hindi ko alam.

Lumabas ako sandaling kwarto saka pumuntang kusina. Nang tingnan ko ang oras ay 6:30 na. Agad kong nilabas ang ininit na pagkain sa microwave. I tell you, hindi maganda ang food na minacrowave pero wala akong choice. Ayaw kong kumain ng hindi mainit ang pagkain.

I spend another 10 minutes para ayusin ang sarili saka ako nagtext kay Ryder. Wala pang five minutes nang magreply siya na nasa baba na daw siya. Jeez! Pinalipad niya ata kotse niya, eh.

I bring my sachel with me saka ako bumaba. There, I saw Ryder waiting for me. seryoso ang mukha niya pero agad namang ngumiti nang makita ako. He smiles at me pero alam kong hindi ‘yon umabot sa mga mata niya. I know it wasn’t genuine.

“Are you okay, Ryder?” tanong ko. Agad namang nag-iba ang tingin siya pero agad naman niya ‘yon binalik sa akin.

“He’s back,” he simply answered. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Sino ba tinutukoy niya?

“Who?”

“Kuya,” natigilan ako sa sinabi niya. Parang nag-process pa sa utak ko kung sinong kuya ang tinutukoy niya. Then suddenly, my heart beats eratically. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Matutuwa? Maiinis? O matatakot. Ilang araw ba siyang nawala? Sa totoo lang hindi ko naramdaman na wala siya. Siguro kasi na kay Ryder ang lahat ng oras at nawalan ako ng oras para isipin siya which I think is a good thing.

“G-gano’n ba? Good. Para masabi ko na rin sakanya na itigil na namin ang kasinungalingan na sinimulan ko.” Sabi ko. Nakagat ko lang ang pang-ibabang labi ko. How would I tell him? Magagalit kaya siya? For sure he’ll be relieve kasi wala nang pagulo sa buhay niya.

“Tara na?” he motioned his hand saka niya binuksan ang pinto ng kotse. Lumulan naman ako saka lang siya sumunod.

Wala kaming imikan ni Ryder nang makapasok kaming SMA. I was thankful na hindi na kami pinapansin ng mga vampira sa paligid namin. Siguro kasi alam nilang puwede silang ma-expell kapag binully nila ako.

Nasa harapan na kami ng room ko nang humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Hindi ko maintindihan kung bakit ang seryoso niya ngayon.

“Seri, kasi.”

“Yes?”

“I-i…” hinintay ko siyang magsalita pero para naman siyang nabubulol na ewan. “You look beautiful.” Nakangiti niyang sabi.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon