Chapter 45 - Engrossed

23.7K 725 49
                                    

Chapter 45 - Engrossed

Seri's POV

ANIM na buwan na rin ang nakalipas simula nang mag-graduate ako. Hindi na ako nakatira sa Vampire City kundi sa Probinsya na na sakop pa rin naman ng Vampire City. Dito ang namumuno ay si Tito Edric at ang asawa niyang si Tita Kyla bilang Prime Minister and Ministress.

Isa akong empleyado sa office of the Prime Minister. Dito ako pumasok kasi ito lang ang may bakanteng posisyon na hindi kinu-kwestyon ang pagiging mortal ko. Sa syudad kasi, medyo malaking issue kapag nagtrabaho ako sa Palasyo gayong hindi naman ako Vampirette.

Hindi naman ako dito nalulungkot kasi dinadalaw ako nila Ryder. Kasama ko rin lagi si Shelby at Charity kasi nasa poder sila nila Tito Edric. Sila Mommy at Daddy naman ay sa syudad nagtatrabaho sa Palasyo.

Mababait din sa akin ang mga katrabaho ko despite the fact na isa akong mortal. Kahit kalian hindi nila sa akin pinaparamdam na outcast ako.

"Seri, puwede mo ba akong i-time-out mamaya? Maaga kasi akong aalis eh ayaw ko naman ma-undertime ako kasi sayang ng sahod," pakiusap sa akin ng katrabaho ko na naging kaibigan ko na rin na si Amanda.

"Saan ka ba pupunta?" tanong ko habang gumagawa ng quotation para sa event na magaganap this week.

"Ehhh! Pupunta akong syudad. May concert kasi ang The Vamps do'n. Alam kong mahaba ang pila kaya kailangan kong agahan."

Natawa lang ako kay Amanda. Alam kong patay na patay siya sa bandang 'yon dahil isa siya sa mga sikat na banda na mga Vampira na kilala bilang mortal sa mundo ng tao.

"Sige. Pero kapag ako humingi rin sa'yo ng same favor gawin mo rin, ah." Kunwari umirap ako sakanya.

"Oo naman! Ikaw pa," she winked at me kaya natawa lang ako.

Alas tres ng madaling araw ay lumabas na akong trabaho kasabay ko na rin na in-out si Amanda. Paglabas ko ng building ay agad na sumalubong sa akin ang nakangiting si Ryder. He's wearing his navy blue v-neck shirt and jeans. His shallow dimples are showing kaya hindi ko mapigilang hangaan ang boyfriend ko.

"Wala ka bang buhay sa Palasyo? Lagi ka na lang nandito," nakangiti kong sabi sakanya nang makalapit ako. Pinatong naman niya braso niya sa balikat ko at sabay kaming naglakad.

"Nandito kasi ang buhay ko, eh."

Natawa ako sa banat niya.

"Kikiligin na ba ako?" I said laughing.

"Well, you have to. Boyfriend mo ako at ako lang dapat nagpapakilig sa'yo." He said to me dahilan para pumintig ng malakas ang dibdib ko.

"But seriously, Ry. Lagi mo akong sinusundo sa trabaho. Hindi ka ba hinahanap sa Palasyo? You know, Prince duty. Baka mamaya nakaka-istorbo ako sa obligasyon mo." Seryoso kong sabi sakanya. He just beamed at me at hinaplos ang buhok ko.

"You are my duty. You are my obligation. Kahit na busy ako, maglalaan ako ng oras para sa'yo. Ayaw kong iparamdam sa'yo na mas importante ang responsibilidad ko sa Palasyo kaysa sa'yo. Alam mo naman na kaya kong iwan ang lahat para sa'yo."

Gusto kong magprotesta sa sinabi niya pero pinili kong manahimik. Ayaw kong pag-awayan namin ang ganitong bagay.

"Ang akin lang naman, ayaw kong isipin nila na napapabayaan mo ang responsibilidad mo dahil lang sa isang mortal. Alam mo naman na maiintindihan ko kung isang araw hindi mo ako masusundo kasi busy ka sa Palasyo." Paliwanag ko sakanya.

Huminto kami sa paglalakad at tinitigan niya lang ako. The way he stares at me, like he was sending secret message to me na hindi ko mawari.

"I'm sorry if I'm like this, Seri. I just can't afford to lose you... again." He said almost audible.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon