Chapter 38 - Resemblance

23.5K 730 117
                                    

Chapter 38 – Resemblance

Shelby's POV

KAKAUWI ko lang galing sa date namin ni Connor. Or rather, secret date. May pagkakaunawaan na kaming dalawa at wala akong pakialam kung tutol dito si Grandma. Ang gusto ko lang ay maging masaya.

Nagulat ako nang madatnan ko si Daddy sa loob ng kwarto ko. Sinusuri niya ang mga gamit ko sa cabinet habang nakangiti.

"Daddy, ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ko.

"Ganito rin ang Mommy mo. Maayos sa gamit at ayaw niyang ginugulo ang mga pag-aari niya," 'yung ngiti ni Daddy ay kakaiba. Bihira ko siyang makitang ngumiti kaya natuutuwa akong ganito siya.

"Miss niyo na po si Mommy?" tanong ko. Napatingin naman siya sa akin at napatango.

"I missed her... so much. Everytime na makikita kita, siya ang naalala ko. Masyadong malaki ang resemblance niyong dalawa," biglang nalungkot ang mukha ni Daddy. Miss ko na rin si Mommy. Kahit hindi ko siya na-personal, mahal na mahal ko siya. Kahit halos limot ko na ang hitsura niya, alam kong nasa puso ko siya. Kahit hindi ako inalagaan ni Daddy, hindi ako nagtanim ng galit sa kanya. I understand him.

"Kaya nga pala ako naparito kasi sinabi sa akin ni Mommy na ayaw niyang nakikipagkita ka kay Connor. Who's this Connor, Shelby?" biglang sabi ni Daddy kaya napanguso lang ako. Masyadong desperate si Grandma para paglayuin kami ni Connor.

"Dad, I love him. Hindi ko maintindihan kung bakit ako gustong palayuin ni Grandma sakanya," napaupo ako sa kama ko.

"Naiintindihan kita, anak. At hindi ko sasabihin na layuan mo siya. Follow what your heart desires." Nagkaroon ako ng konting pag-asa sa sinabi ni Daddy. Kung ayaw man ni Grandma sa relasyon namin ni Connor, atleast nandito si Daddy para kampihan ako.

"Thank you, Dad." Sabi ko. Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko sarili ko. Ayaw kong maiyak.

"Sa ganitong paraan na lang ako babawi sa'yo, anak. Your Mom and I, pinaglayo rin kami noon kasi nalaman ng parents niya na vampira pala ang mapapangasawa niya. Ginawa nila ang lahat para hindi ko mahanap ang Mommy mo. Kung hinayaan lang sana nila kaming dalawa... sana buhay pa siya ngayon. Sana nagawan ko nang paraan para hindi siya namatay sa panganganak sa'yo,"

I could just imagine Dad's agony when Mom died because of me. Kaya naiintindihan ko rin siya noon kung bakit ayaw na ayaw niya akong nakikita because I was my Mom's constant reminder. Pero masaya akong natanggap na ako ni Daddy.

"Daddy," kumapit ako sa braso niya at niyakap 'yon.

"Ang gusto ko lang ngayon ay maging masaya ang Prinsesa ko. Ako na ang bahalang kakausap kay Mommy. Ayaw kong mangyari sa'yo ang nangyari sa amin ng Mommy mo,"

Ayaw kong isipin na history repeat itself. Pero ayaw kong matulad sa naging takbo ng relasyon nila Mommy at Daddy. Kaya sana maintindihan ako ni Grandma.

NASA SMA na ako naglalakad papuntang classroom. Nakasalubong ko si Seri kaya sinabayan niya akong maglakad.

"Good mood ka ata,"  she told me. Kanina pa kasi ako nakangiti. Medyo gumaan kasi pakiramdam ko sa sinabi ni Daddy.

"Wala naman," I said trying to hide my smile.

"Halata ka naman, eh. I saw you and Connor sa library magkayakap. Kayo na ba?" nagulat ako sa sinabi niya. Nakita niya pala kami.

"We understand each other's feelings," sagot ko sa tanong niya. Hindi ko naman kasi alam kung masasabi kong kami na ni Connor. May pagkakaintindihan na kami ng feelings.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon