Chapter 23 - Only I have the Right to Kiss you

32.8K 1K 103
                                    

Chapter 23 – Only I have the Right to Kiss you

NAGISING ako sa napakalakas na katok sa labas ng pinto ko. Pag-bukas ko, nakita ko si Shelby na mugto ang mta mata at parang galing sa pag-iyak. Nagulat na lang ako nang sugurin niya ako ng yakap at biglang humagulhol.

“Seri,” she said sobbing.

“Shelby, ano ba ang nangyari sa’yo?” nag-aalala kong tanong. Bumitaw siya sa akin. Bigla akong naawa sakanya. Ano bang nangyayari sa kanya?

Pinapasok ko siya sa loob at pinaupo sa couch. Hindi ko alam kung ano ang io-offer sakanya lalo na’t wala naman akong stock na dugo para sakanya.

“Tell me, what happened?” sabi ko nang medyo kalmado na siya.

“S-si…si Connor kasi,” sumisinoksinok siya.

“May ginawa ba sa’yong masama si Connor?” nagtaas ng konti ang boses ko. Hindi naman magkaka-ganito ang masiyahin na Shelby kung walang nangyaring masama.

“L-last night kasi… I tried to confess my feelings for him. Pero hindi pa ako tapos magsalita when he cut me off. Huwag daw ako mag-expect ng more than friends for him kasi hindi niya ‘yon kayang ibigay sa akin. N-napahiya ako, Seri!” mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya. Kawawa naman si Shelby. At hindi ko  maiwasan ang hindi mainis kay Connor. Ang feeling niya naman. I thought he’s nice pero hindi pala.

“You don’t deserve him, Shelby. Makakalimutan mo rin siya.” Pag-aalo ko sakanya.

“Mahirap ‘yon gawin, Seri. Sabi niya pa ayaw niya raw na ma-divert ang attention niya sa paghahanap sa totoo niyang father dahil lang sa akin.”

Ngumiti ako ng bahagya kay Shelby para pagaanin ang loob niya.

“Then help him, Shelby. Kung ayaw niyang maging sagabal ka sa paghahanap niya sa father niya, eh di tulungan mo siya.” Sabi ko. Napatingin naman sa akin si Shelby at parang nagningning ang mga mata.

“Isa kang anghel, Seri! Matutulungan ko na siya, mapapalapit pa kami sa isa’t-isa.” Masaya siyang pahayag.

“I’m glad I’m a help,” I said.

“Oo, ‘buti ka pa nakakatulong. ‘Yung dalawa kong pinsan mas lalo atang lumala ang alitan sa isa’t-isa. Mabuti nga at nandito ngayon si Wynnet atleast siya ang taga awat. Ah! Tapos si Arlyanna pa pala. ‘Yung ex-girlfriend ni Hunter.”

“E-ex…girlfriend ni Hunter?” gulat kong sabi. Akala ko ba wala siyang naging girlfriend?

“Mmm, akala ko nga nagkabalikan sila. Nagbabakasyon lang pala.”

-=-

NASA school na ako nang sabihin sa akin ng aking blockmate na pinapatawag daw ako ng school Chancellor na si Ms. Erina. Hindi ko alam kung bakit biglaan akong pinatawag. As far as I’m concern wala naman akong ginagawang masama.

I knocked the door three times bago ako pumasok. Nakita ko si Ms. Erina na nakaupo sa swivel chair at may binabasang papers.

“Good evening po, Ms. Erina.” I greeted. Napaangat naman siya ng tingin at agad na napangiti na makita ako.

“Take a seat, Serenity.” Nakangiti niyang sabi. Sumunod naman ako at naupo ako sa harap ng table niya.

“How was your stay here, hija?” tanong niya.

“Okay naman po,” tipid ko lang na sabi.

“Mmm, close kayo ng apo ko, diba?”

“Yes po, Ms. Erina.” Sagot ko. Tumango naman ako sakanya.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon