Chapter 17 - Carousel

38K 970 142
                                    

Chapter 17 – Carousel

 

“Sige na, Seri. Help me befriend him.” Pakiusap sa akin ni Shelby habang kumakain ako ng Blue Marlin Steak na dala sa akin ni Ryder na kasalukuyang naglalaro ng ipad ko. Pansin ko lang, tambayan na nila ‘tong condo ko.

“Hindi nga kami close no’ng Connor na ‘yon tapos ako gagawa ng way para maging magkaibigan kayo? Si Ryder na lang at mukhang close sila.” Sabi ko sakanya.

“Hindi mo ako maasahan sa ganyan, insan.” Ani naman ni Ryder habang tutok na tutok sa ipad. Naku halatang napagdediskitahan nanaman niya ang Clash of Clans ko.

“Kayo na lang na dalawa. Sige na kasi.” Napapailing na lang ako kay Shelby. Actually kanina pa ako neto kinukulit, eh.

“Kung okay kay Ryder, payag na ako.” I said giving up. Tsaka nakakaawa naman si Shelby. Parang baliw na tinamaan do’n sa Connor niya.

“Why I have this feeling na wala akong choice?” natatawang sabi ni Ryder sa akin.

“Hahaha. Wala talaga.” Sabi ko rin sakanya.

Kanina lang tinawagan ako ni mommy at nangungumusta. Saturday ngayon kaya walang pasok. Magdamag lang akong nakahiga nang umalis sila Ryder at Shelby.

Pagulong-gulong lang ako sa kama at parang hindi mapakali. Ang boring sa totoo lang. Panay pa tingin ko sa cellphone ko kung may text man lang.

“Napaka talaga ng vampirang ‘yon! Hindi man lang ako itext! Kaasar!” I mumbled to myself habang nakatitig sa screen ng phone.

“Pero paano ka nga ba magtetext sa akin eh hindi mo nga alam number ko.” Nababaliw na nga ata ako at kinakausap ko na ang sarili ko.

“Ugh!” bigla ko na lang nasabunutan ang buhok ko sa sobrang frustration. Bakit ko ba siya iniisip? Bakit, iniisip niya ba ako? Malamang hindi!

Hindi ko dapat ini-stress ang sarili ko sakanya. At lalong hindi ko dapat siya iniisip! Dapat nga magdiwang ako kasi dalawang linggo akong makakapagpahinga nang wala siya.

No Hunter means no hassle. Kaya gagawin ko ang gusto ko habang wala siya.

It was 6PM nang puntahan ako ni Ryder sa condo para sunduin. Sabi niya, bukas na raw ang amusement park.

“How do I look?” I asked for his opinion dahil pakiramdam ko over-dressed ako para lang sa simpleng pamamasyal sa plaza. I’m only wearing my white flower laced dress na tinernuhan ko nang beige doll shoes at nilugay ko lang hair ko.

Naghintay ako sa sasabihin niya pero nakatitig lang siya sa akin habang nakaawang ang kanyang bibig. hindi ko alam pero nakaramdam ako nang pagkailang sakanya.

“H-hindi ata bagay sa akin ‘tong suot ko. M-magbibihis lang ako.” Sabi ko sakanya saka ngumiti ng pilit. Aalis na sana ako nang pigilan niya ako.

“N-no,” agap niya. “M-maganda ka sa suot mo.” Iniba niya tingin niya.

“S-sigurado ka?”

“O-oo naman.” Nagumiti siya sa akin and for a second, I thought my heart melted. Ramdam ko kasing sincere siya. Unlike Hunter, napakatransparent ng facial expression ni Ryder. Alam mo kung masaya siya. Alam mo kung nagbibiro, at alam mo kung nagsasabi ng totoo.

“Tara na.” kumapit ako sa braso niya at pilit winawaksi ang pagkailang na nararamdaman ko.

Naglalakad lang kami habang papunta sa plaza habang tahimik na pinagmamasdan ang mga vampires and vampirettes na nagmamadaling pumunta sa plaza.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon