Chapter 31 - Collide // Flashback 4

30.2K 1K 129
                                    

Play the music for this chapter: November by Sleeping with Sirens or you could just play the multimedia part. :))


This is dedicated to all. Thank you for waiting. :)


Chapter 31 - Collide


♪♪Every day is all the same

Like no matter what the reason is the seasons never change...

Did she fall easily for him? O nakikita niya lang si Ryder sakanya kaya siya tuluyang nahulog kay Hunter.

3 months of being with him is a struggle. Siguro kasi nahihirapan siyang mag decide sakanyang feelings.

Unti-unti napapamahal sakanya si Hunter pero alam niya sa sarili niya na mas mahal niya si Ryder. Possible palang magmahal ka ng dalawang vampira. Oo at hindi pantay ang pagmamahal 'yon, pero kung dumating ang oras na papipiliin siya, alam niyang mahihirapan siya.

Dahil na rin nasa retreat si Ryder kaya wala itong balita sa nangyayari sa kasintahan o kahit sa buong Vampire City.

♪♪I think of all the time I spend

Drifting far away and zoning out as I'm clocking in...

Samantalang si Hunter ay ginagamit ang lahat ng pagkakataon para maangkin nang tuluyan si Serenity. Wala na siyang pakialam kung masira ang pagiging magkapatid nila ni Ryder. Ang mahalaga sa ngayon para sakanya ay ang pagmamahal niya kay Serenity at wala nang iba.

Kaya nang obligahin siya ng mga Elders na mag-asawa muna bago makuha ang trono ay wala siyang ibang ginawa kundi ang surpresahin si Serenity sa isang proposal na alam niyang hindi makakatanggi ang dalaga.

At the Sinister night, Hunter asked for Serenity's hand in marriage. Hindi nagdadalawang isip si Serenity kasi sa totoo lang ay ayaw niya. Wala sa plano niya ang magpatali sa kapatid ng kasintahan. Pero paano pa siya makakahindi kung pati ang mga magulang niya ay boto para kay Hunter. They were all expecting a yes as her answer so she gave it to them.

A yes that could make Hunter happy but could destroy Ryder's feelings.

♪♪Tell my loved ones that I wish them well...

The wedding preparation were planned very rush na akala mo ay may hinahabol. Wala pang isang buwan at handa na ang lahat. At natatakot siya. Natatakot siya kasi ilang linggo na lang uuwi na ang kasintahan niya... ang totoong mahal niya.

Isang linggo bago ang kasal ay nagpakita kay Serenity ang Shaman. Hinihikayat siya nitong tumakas at huwag ituloy ang kasal. Isang gulo ang hatid niya kapag tinuloy niya ang kasal sa taga pagmana.

Lagi rin nitong inuulit na maaring sila ang nakatadhana pero hindi para magsama.

"Piliin mo ang tama," ang huling paalala nito sakanya.

Natatakot siya na baka mali ang piliin niya. Natatakot siya na baka mas unahin niya kung saan siya masaya sa kung ano ang tama.

♪♪There's a fire in this November sky

It's burning up, burning up

They'll remember me tonight...

"Umiiyak ka nanaman," sabi ni Hunter kay Serenity. "Alam mo naman na ayaw kitang nakikitang umiyak diba?"

"Pakiramdam ko kasi mawawala ka sa akin eh. Hindi ko rin alam kung bakit ako naiiyak." Sinandal niya ang ulo niya sa malapad na braso ni Hunter. Nasabi niya 'to kasi 'yon naman talaga ang nararamdaman niya na maaring mangyari.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon