Chapter 49 - The Orb of Truth

23.9K 726 26
                                    

Chapter 49 - The Orb of Truth

Seri's POV

I WAS wearing a white medusa cut laced gown. Off shoulder ang sleeves ng gown ko. Hindi gaanong revealing pero elegante. Nasa likod ng aking buhok ang aking white veil at balak kong mamaya ko na siya itakip sa harap. May maliit din akong tiara tanda na pagkatapos nitong kasal ay magiging Prinsesa na ako.

Kinakabahan ako. Feeling ko rin nagkakabuhol-buhol ang internal organs ko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa tanang buhay ko.

"Baby, are you ready?" sumilip si Mommy sa door ng aking room. Kanina pa kami nagdramahan kaya alam kong recovered na si Mommy.

"I'm nervous, Mommy." I said. Nanginginig ang kamay ko. Actually, I felt like every part of me is shivering.

"Natural lang 'yan sa ikakasal. Come on, nakahanda na ang kotse." Nakangiting sabi ni Mommy.

"Susunod po ako," I said kaya iniwan na muna ako ni Mommy. Siguro alam niyang kailangan ko ng alone time. Mabuti na lang at may laced gloves ako at natatakpan ang pagpapawis ng kamay ko.

Breathe in. Breathe out.

I can do this. I'll marry him at hindi ko pagsisisihan 'yon. I'm sure of it.

Napatingin ako sa salamin at nahagip ng aking mata ang box na na-receive ko many months ago. Tumayo ako at kinuha ko 'yon. Nandoon pa 'yong journal at locket. Even the picture.

I flip the pages at pumunta sa pinakahuling pahina. Ayaw ko sanang basahin but there's this curiosity inside me na hindi mamatay-matay kung bakit sa akin binigay ang journal na 'to.

He fulfill his promise for his brother. He can't bare to see her breaking if he told her the truth so he used his power to fix everything. Everything although it means losing her. Even though it means they'll forget each other.

He gave me an orb with a locket that can unlock it. It was their memory. From the time she met him until the time they separate.

Hinawakan ko ang locket. So this locket is the key? Maybe na-wrong send ang nagpadala nito. Kasi hindi talaga ako maka-relate sa diary na 'to.

Ibabalik ko na sana ang journal sa loob ng box nang pumasok ulit si Mommy sa kwarto.

"Baby, tara na. Male-late tayo nito." She glance at her wristwatch kaya tumango na ako.

Nasa baba na ako when I realize na dala ko pala ang locket. Hinila na ako ni Mommy palabas kaya hindi ko na siya maibalik sa kwarto.

Nasa loob na ako nang kotse. Si Mommy at Daddy ay hiwalay ang sasakyan. The driver started the engine and drive. Tiningnan ko ang sarili ko sa rearview mirror. Isang simpleng pendant necklace ang suot ko na katerno ng hikaw ko.

Tinanggal ko 'to at pinalit ang locket it looks vintage pero gusto ko siya. Ika nga, something borrowed and something old.

Ang wedding ay gaganapin sa Vampire City Abbey. Hindi kami dumeretso sa main door kundi sa waiting room. Shelby and Charity visited me. Isa sila sa mga brides maid ko.

Inaayos ko ang veil ko sa harap ng salaming nang biglang pumasok ang isang babae. Showing off her infamous black and pink hair na bagay na bagay sa kanyang red long dress.

Agad siyang ngumiti nang magtama ang mga mata namin. Ang tagal ko rin siyang hindi nakita.

"Weya!" patakbo ko siyang nilapitan at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Na-miss mo ako, ah?" natatawa niyang sabi. Napatango naman ako. Wynnet is like a big sister to me. Bago ako naging close kay Shelby at Charity ay siya muna ang nakapalagayan ko ng loob sa Royal Family.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon