Chapter 35 - Borrowed Time

27.1K 826 105
                                    

Chapter 35 - Borrowed Time

Seri's POV

Nasapo ko ang ulo ko sa sobrang sakit ng ulo. Ano bang nangyari? Pakiramdam ko latang-lata ang katawan ko.

Dahan-dahan akong bumangon saka ko inikot ang paningin ko sa kabuuhan ng aking silid. Parang nakakapanibago. Parang ang tagal kong hindi nakita 'tong sarili kong kwarto.

Lumabas akong kwarto saka dumeretsong kusina. Pupungas-pungas pa ako habang naglalakad. Nakakagutom! Parang ang tagal kong hindi kumain. Ano bang nangyayari sa akin?

Nagtitimpla na ako nang kape nang marinig ko ang doorbell na paulit-ulit na pinipindot. Apurado masyado.

"Wait lang!" I said while walking towards the door. I opened the door at tumambad sa akin ang nakangiting Ryder. May dala siyang paperbag na alam kong pagkain ang laman. Napaka blooming ng mukha niya. Matagal ko siyang tinitigan.

"Seri? Uy!" untag niya sa akin dahilan para matauhan ako.

"P-pasok ka," niluwangan ko ang pagbukas ng pinto saka ko siya pinapasok. Sinara ko ulit 'to saka ako napatingin sa orasan. Alas dos pa lang ng hapon, ah. Bakit nandito agad siya?

"Look what I've bought you... Tadan!" inilabas niya sa paperbag ang kahon ng McDo. I stared at him without reaction.

"Oh? Tapos?" nakahalukipkip kong sabi.

"Ang KJ naman nito! Binili ko kasi may libreng laruan. See?" pinakita naman niya ang laruan na parang torompo. Napailing na lan ako.

"Pinagmamalaki mo ang Happy meal sa McDo?" kinuha ko sakanya ang pagkain saka bumalik sa kusina. Sabagay, kailan ba ako huling kumain ng fast foods? Hindi ko na rin maalala. Simula no'ng dito ako tumira sa Vampire City, hindi na ako nakakakain nang ganito.

"Seri," biglang nagseryoso ang mukha niya. Nagtaka tuloy ako. What's with the sudden change of mood?

"Bakit?"

"Gaano mo kamahal si Kuya?" natigilan ako sa tanong niya. I stared at nowhere at hindi makasagot. I feel a weird lump on my throat that I felt like choaking. Like it was just yesterday when he told me he loves me kaya naging pormal ang relasyon namin. I was so sure about my feelings for him. But now that Ryder's asking me this, parang nagdadalawang isip ako.

"Mahal ko siya," sabi ko saka tumalikod. He laughed softly.

"I know that. Pasensya na sa pagtatanong."

MATAPOS lumubog ang araw ay nasa school na ako para sa first subject. Agad kong nakita si Shelby na nakangiting sinasalubong ako.

"Seri! I missed you!" niyakap niya ang kanang braso ko at humilig sa balikat ko.

"Nagkita naman tayo kagabi, ah?" nagtataka kong sabi sakanya.

"Kaya nga, eh. Pero namiss talaga kita. Masyado na akong nagiging clingy sa'yo," she said pouting kaya napangiti ako.

"It's okay. I feel the same way. Parang ang dami kong namiss kagabi, eh."

"Bakit ka nga pala hindi hinatid ni Hunter? Grabe kahapon lang kayo naging official pero pinapabayaan ka na niya agad." Nakasimangot na sabi ni Shelby.

"Hindi ko nga rin alam, eh. Baka busy lang. Alam mo naman 'yon."

"Sabagay."

Sabay kaming pumasok sa classroom. Kuwento lang nang kuwento si Shelby ng mga random things. At syempre, hindi nawala sa usapan namin ang crush niyang si Connor at ang reklamo niyang pinapalayo siya ni Ms. Erina sa kambal.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon