Chapter 42 - Dumbfounded

24K 681 73
                                    

Chapter 42 - Dumbfounded

Seri's POV

THERE'S a thin line between dream and reality. Some of us want to live in a dream and forget about reality. But me, I'm living the best of both world. I have my real friends, my true love, and my family.

Mom and Dad decided na dito na muli manirahan sa Vampire City. I am happy and excited kasi at last makakasama ko na uli sila. Sabi sa akin ni Mommy puwede na akong lumipat sa dati naming bahay within this week.

"Gusto mo bang tulungan kita sa paglilipat mo?" tanong sa akin ni Ryder. Kasama ko kasi siya ngayon dito sa condo. As usual, dinalhan na naman niya ako ng pag-kain. Busy kasi ngayon si Hunter, eh. Prince duty.

"Naku, huwag na, 'no. I can handle," ngumiti ako sakanya ng matamis.

"Kuu! Nahiya pa siya. Kailan ka ba lilipat?"

"Baka sa makalawa. Marami pa akong ikakahon, eh." nasabi ko na lang.

"Basta tutulungan kita."

"Ang kulit. Sige na nga," natatawa kong sabi at narinig ko naman ang mahina niyang tawa.

"Tapos ihahatid din kita sa school. Sabay na tayo para may kasama ka,"

"Sigurado ka? Ang dami mo ng ginagawa para sa akin. Baka naman mamaya singilin mo na ako, ah." natatawa kong sabi.

Hinintay ko siyang patulan ang biro ko pero seryoso lang siya. Ngumiti rin naman siya pero tipid lang.

"Hindi ako gano'n, Seri. I'll do anything for you... even if..." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya kasi biglang tumunog ang oven toaster ko. Agad kong inilabas ang ininit kong pizza.

Habang kinakain ko ang pizza ay bigla naman akong may naalala.

"Hmm, Ryder. May kilala ka bang Arlyanna?" I asked out of curiosity.

Napasimangot ako nang parang sa ibang dereksyon ang attensyon niya. Mukhang hindi niya narinig ang tanong ko. Tumayo siya at naglakad papunta sa magazine rack ko.

"Ang ganda naman niya. Ano pangalan niya?" he was referring to the cover girl in the magazine.

I grimaced. Kaya naman pala hindi ako sinagot sa tanong ko kasi nakakita ng magandang babae.

"I don't know and I actually don't care!" inirapan ko siya kahit hindi naman niya nakikita kasi busy siya sa pagbuklat ng magazine.

"Bae Suzy. Bae Suzy ang pangalan niya," pangiti-ngiti niya pang sabi. Bwesit na vampirang 'to. Nagkagusto pa ata sa isang koreana!

"Retokada 'yan!"

"Huh? Hindi raw, eh. Sabi dito sa article, isa raw siya sa mga natural beauty sa South Korea."

"For sure my face enhancement siyang pinagawa." Parang bitter kong sabi. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Basta naiirita ako. Mamaya nga at itatapon ko lahat ng magazine rito.

"Basta maganda pa rin siya."
Hindi na ako kumibo. Hindi ko na rin inubos ang isang slice ng pizza na kinakain ko. Hindi ko alam pero nawalan ako ng gana.

Walang paalam na iniwan ko siya kusina saka ako pumasok sa kwarto. Dumeretso ako sa salaming at kita ko kung gaano kairita ang mukha. Nagsasalubong ang mga kilay ko. Ano bang problema sa akin?

MAGKASAMA pa rin kami ni Ryder papuntang school. And guess what? Bukang bibig niya pa rin si Bae Suzy.

"Kaso may boyfriend na pala si Suzy-babes. Lee min ho raw? Ang bantot ng pangalan."

Hindi ko napigilan ang sarili kong batukan siya. At may pa-babes babes pa siyang nalalaman.

"Gago ka! Hindi mabantot ang pangalan ni Lee min ho!"

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon