Chapter 36 - Farewell Words

26.8K 740 70
                                    

Chapter 36 – Farewell Words

Seri's POV

"Okay, class dismiss." Mr. Vinas announced. Agad naman ako tumayo saka naunang lumabas sa room kay Shelby. Agad akong napangiti nang makita kong naghihintay sa labas si Hunter.

"Hi, kanina ka pa?" tanong ko saka ako kumapit sa braso niya.

"Hindi naman. Tara na?" sabi niya saka kami nag simulang maglakad.

"Where are we going this time?" I asked.

Isang buwan na rin ang nakaraan nang sagutin ko si Hunter. I must say na ibang-iba na siya kumpara sa Hunter na nakilala ko noon na masungit at lagi akong kaaway. He's extra sweet and thoughtful. Parang wala siyang sinasayang na oras kapag magkasama kami.

"Gusto mo bang lumabas ng portal?" he asked kaya biglang nagningning ang mga mata ko.

"Talaga? Puwede?" I said ecstatic. Tumango naman siya.

"Kahit saan mo gustong magpunta okay lang sa akin basta ikaw ang kasama ko." Lihim akong kinilig sa sinabi niya. Habang tumatagal mas lalo ko siyang minamahal. Hulog na hulog na nga ata ako sakanya. I'm not denying it. Natatakot lang ako para sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung biglang mawala siya sa akin. Paano kung ma fall out of love siya at iwan niya ako? I would be very broken emotionally and physically.

"You're over thinking," he said while driving.

"Huh?" napatingin ako sakanyang nagtataka.

"Ang dami mong iniisip. Gusto mo bang i-share sa akin?" malambing niyang sabi.

"Wala 'to. Pagod lang sa school works," I lied.

"Hmm, don't think about school when you're with me." he said. I smiled at him. Ginagap niya ang kamay ko at hinalikan ito habang nakatingin sa daan.

Nakalabas kaming portal at agad kong nalanghap ang kakaibang simoy ng hangin sa mundo ng tao. Matagal-tagal din akong hindi nakalabas at sobra ko 'tong na-miss. Saan kaya kami pupunta ni Hunter?

Dahil madaling araw pa lang kaya walang tao sa paligid at iilan lang ang mga nakikita kong naglalakad. Inihinto niya ang sasakyan sa isang bakanteng lote saka kami sabay na umibis. Agad akong napangiti nang makita ko ang tanawin. Para kaming nasa isang mataas na cliff at nakikita ko ang buong cuidad sa mundo ng tao. 'Yung mga ilaw sa buildings, street lights, ang araw na nagtatago pa sa likod ng ulap at medyo orange-ish na kulay ng kalangitan.

Hindi na summer kaya sobrang lamig ng panahon. Nakikita ko nga ang hangin na lumalabas sa bibig ko, eh.

"Ang ganda pala ng tanawin dito," baling ko kay Hunter.

"I'm happy you liked it," he said. Umakbay siya sa akin at nagulat na lang ako kasi para akong dinala ng hangin papunta sa kung saan. Nagteleport kami paakyat sa puno. Mas lalo kong nakita ang kaganda ng natatanaw. Pinaupo ako ni Hunter sa isang sanga mas mataas sa kinatatayuan niya kaya mas mataas ako sakanya at nakatingala siya sa akin ng konti.

"Serenity..." he whisperED. The way he looks at me ay para bang wala nang bukas. Alam ko naman na Hunter values time so much pero pag dating sa akin, parang ayaw niyang tumingin sa ibang direksyon dahil baka bigla na lang ako mawala sakanya.

"Hunter, I miss Mom and Dad. Gusto ko silang puntahan," sabi ko sakanya.

"Sasamahan kita. Gusto mo bang doon muna tayo sa inyo maghapon?" aniya na ikinatuwa ko naman. Napatango ako sakanya habang tumatawa.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon