Chapter 6 - Not Suit for a Princess

46.3K 1K 72
                                    

Chapter 6 – Not Suit for a Princess

Magmamadaling araw na. Halos karamihan sa mga studyante pauwi na. Antok na antok na nga ako at parang anu mang oras babagsak ako sa daan.

“Seri!” napalingon ako sa tumawag sa akin. Haay. Hindi ba ako pwedeng umuwing tahimik na walang nanggagambala?

“Ano’ng kailangan mo?” iritado kong tanong kay Ryder.

“Bad mood ka?” nakangiti pa din siya.

“Oo! Kaya pwede? Scoot!” pagtataboy ko sakanya. Naglakad ulit ako. Ah! malapit na ang condo! Gusto kong matulog ng mabahang oras at mamayang gabi nanaman pasok ko. Ayaw ko munang isipin na nasa Vampire City ako.

“So you and my brother, huh?” sabi niya nang medyo makalayo na ako.

I turned around. “What?” medyo nabuhay ang diwa ko dahil sa sinabi niya. So alam na din niya? Ugh! Gano’n ba ang balita dito? May pakpak?

“My brother’s the Crowned Prince. Totoo bang kayo?” tanong niya. Seryoso lang siya at wala na ‘yung masiyahing Ryder na alam ko.

“Paki mo ba!” I hissed.

“May paki ako kasi kapatid ko ‘yon. Ikaw talaga.” Nakangiti na siya at lumapit sa akin. Nagulat pa ako nang akbayan niya ako. “Masaya akong isang tao ang girlfriend ni Kuya.” Tinignan ko lang siya ng masama. Ni hindi ko nga kilala ang sinasabi niya. Tsaka, ganyan ba umakto ang isang Prinsipe? Kahit sabihin na hindi siya ang taga pagmana, dapat hindi siya nakikipag usap sa akin sa ganitong paraan. Napaka FC niya!

“Alam mo, Prinsipe Ryder! Antok na ako eh. Thank god you knew I am a human kaya sana maintindihan mo na kailangan ko nang umuwi kasi hindi ko na talaga kaya. Hindi ako kagaya sa inyo na hindi natutulog. Ok?”

“Eh ‘di ihahatid na lang kita.” Pagkasabi niya noon ay nauna na siyang naglakad sa akin papunta sa condo ko. As far as I’m concern, dapat kapag hinahatid eh kasabay ‘yung ihahatid. Bakit parang nauuna siya sa akin?

Nasa harapan na ako ng aking pad ng pigilan ko siyang papasok sana.

“Off limits. Salamat sa paghatid. Goodbye.” Inawang ko ang pinto saka pumasok. Isasara ko na sana pero pinigilan niya gamit paa niya.

“Nakapasok na ako dati. Bakit hindi pwede ngayon?”

“Ayaw ko nga! Tsaka hindi ba sinabi ko sa’yong matutulog ako? Ano naman gagawin mo dito habang tulog ako?” nakapameywang kong sabi.

“Iinumin dugo mo.” Nakangiti niyang sabi kaya napairap ako.

“I’m tired. Pwede saka mo na lang ako kulitin? Hindi na talaga keri ng katawang lupa ko.” Pakiusap ko sakanya. Nakita ko naman na laylay ang balikat niya at parang nalungkot sa sinabi ko.

“Gusto ko lang ng kaibigan.” Mahina niyang sabi. Tinignan ko lang siya.

“We can be friends. But I’m too sleepy. Can I atleast have a rest? We humans need an atleast 8 hours sleep. Can you understand that?”

“Eh di babalik ako mamaya.” Masaya niya pang sabi. Napabuntong hininga ako.

“Sige.” Tapos sinara ko na ‘yung pinto.

Siya na ata ang pinakamakulit na nilalang na nakilala ko. Ang sakit sa ulo.

8 hours later…

“What the hell?!” nasambit ko nang marinig ko ang paulit-ulit na buzzer sa front door ko. “Ugh!” bumangon ako at sinuot ko ang bunny slippers ko saka ko pinatong ang robe sa aking katawan.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon