Chapter 1 - Spoiled Brat

92.9K 1.5K 75
                                    

Chapter 1 – Spoiled Brat

“Your daughter needs to be punished, Sandra!” rinig kong sabi ni daddy sa study room. And yes, I am eavesdropping.  Ako kaya pinag-uusapan nila so I think I have the right.

“But Nheo, wala siyang kasalanan.” Pag-tatanggol sa akin ni mommy. Napangisi lang ako. Spoiled ako sa mommy ko kaya alam kong ipagtatanggol niya ako sa daddy.

“I’m through with this! She needs to learn from her mistakes and I think it will be good kung titigilan mo na ang pangungunsinti sakanya.” Sabi pa ni daddy. Narinig ko ang mabigat na yabag ni daddy palapit sa pinto kaya agad akong umalis at nagpanggap na napadaanan lang.

Pababa na sana ako sa may hagdan nang tawagin ako ni daddy sa buo kong pangalan.

“Serenity Madrid Alcheco mag-usap tayo!” ma-awtoridad niyang sabi. Napapikit ako. I hate being called by my whole name. Sanay akong Seri ang tawag sa akin. Napabuntong hininga ako. Haay. Mahaba-haba nanaman ‘tong sermon.

“Daddy? Don’t preach.”

“Tigilan mo ako sa kalokohan mo, Serenity! Hindi ako natutuwa sa pinaggagawa mo!” natameme ako. Napayuko na lang ako kasi kapag sinabayan ko ang galit ni daddy, mas lalo siyang magagalit.

“Nheo, ako na ang kakausap sa anak natin.” Sabi ni mommy.

“No! Masyado mo kasing ini-spoiled ‘tong anak mo! Look at the result! Kaya ngayon hindi na ako makapapayag! She needs to be punished!”

“Look, dad. It wasn’t my fault, ok? I’m not even driving—“

“That’s the point, Serenity! It was your car but somebody is driving it! Pa’no kung hindi na magising ang nabundol niyo?! Pa’no kung mamatay ‘yong batang nasagasaan no’ng lalaking kasama mo?!”

“Dad, he’s my boyfriend!”

“At sa palagay mo natutuwa ako do’n? He’s a bad influence to you!” nanlilisik ang mga mata ni daddy at alam kong this time, I have reached his limit.

“You’re going to Vampire City for punishment!” I awe with disbelief.

“Dad.”

“Not there, Nheo. Please don’t send your daughter there!” mangiyak-ngiyak na sabi ni mommy.

“D-dad, send me anywhere. J-just… just don’t let me live there. You know I can’t.”

For the family history, I will give you a brief overview. My dad is a vampire. Yes. And my mom? She’s a converted one. The usual vampire-human relationshit happens kaya gano’n. But, what is surprising kasi kahit konting katiting na mamana ko dapat sakanila ay hindi nangyari. I am a pure human who can eat, sleep and play under the sun.

“Do’n ka titira para tumatak sa kukute mo na hindi lahat nang ginagawa mo ay mapapalampas ko. And sure enough, alam kong makakasuhan ka the moment na magsampa nang kaso ang pamilya nang bata.” Sabi pa niya.

Napahawak na lang ako sa buhok ko. Ayaw ko sa vampire city. Takot ako do’n! Though tumira din kami do’n for almost 5 years.

My dad was a magistrate there. Kaya no’ng lumipat kami dito sa totoo kong mundo, naging car dealer siya at si mommy ay Agent sa isang company.

18 years old na ako ngayon pero kahit katiting na palatandaan na isa akong anak nang vampira ay wala. Gusto ko na ngang maniwala na ampon ako eh. Pero imposible kasi xerox copy ako ni daddy.

Pagkatapos akong sermunan ni daddy, lumabas akong bahay at nagpadrive sa driver naming papuntang hospital. I am calling my boyfriend for a hundred times already pero unattended siya. Seems like sinadya niyang i-off ang phone.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon