Chapter 13 - REALationship

42.8K 1.1K 141
                                    

Chapter 13 – REALationship

 

“Ano ba Serenity! Sabi na kasing humawak ka ng mahigpit! Ilang beses ka ba dapat mahulog sa lupa, ha?” galit na sambit ni Hunter sa akin habang pasan niya ako sa likod niya.

Inis ko siyang nilingon habang iniinda ang sakit sa pagkahulog ko for the 3rd time at humalukipkip.

“Excuse me lang po kamahalan, ha?! Hindi naman kasi ako na-inform na ikaw pala ang sasakyan ko papunta sa pinsan mo! Akala ko kasi magkokotse tayo!” singhal ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko agad nakuha ‘yung ibig sabihin noon ni Shelby na walang pinagkaiba ang ugali ni Haynes sa pinsan niya kasi pala iisa sila. Dapat sinabi niya sa akin para nabangsan ko mukha nito.

“Sumasagot ka na ha, Serenity?!” tinataasan niya din ako ng boses. Akala siguro niya porket alam ko ng siya ang crowned prince ay magpapatalo na ako. No no! Not in my vocabulary.

“Seri! Seri ang itawag mo sa akin!” I sounded like a little girl having tantrums  pero kahit naman siguro sino kung ang kasama ay kasing sama ng ugali ni Hitler eh magtatantrums.

“H’wag mo ‘kong sinisigawan na babae ka! Ang dami mo ng gulong binigay sa akin!” dinuro niya ako at talagang nanlilisik ang mga mata niya sa sobrang galit.

“Isipin mo na lang, karma mo ako! Kasi ang sama ng ugali mo!” hindi ko alam kung bakit siya natigilan sa sinabi ko. Tama nga kaya na ako ang karma niya? Kung gano’n, mas lalo ko siyang iinisin. At talagang pinapamukha niya sa akin na ako ang nagdudulot ng gulo sa buhay niya.

“Umangkas ka na sa akin. Malapit na tayo.” Mababang sabi niya. I sneered at him kahit nakatalikod na siya.

Dahan-dahan akong umangkas sakanya at humawak sakanya. Naramdaman ko naman na hinawakan ng malalamig niyang kamay ang kamay ko para ata hindi na ako mahulog ulit.

“Brace yourself.” Pagkasabi niya no’n ay mabilis naming nadadaanan ang gubat at halos hindi ko ma-feel na mabilis na tumatakbo itong umaangkas sa akin. Pwede naman kasi siya magteleport eh. nakakaasar.

Nakarating kami sa isang bayan na malaki ang pinagkaiba sa Vampire City. Kumbaga, para siyang municipality lang at hindi city.

May stores din at shops pero hindi siya kasing taas na gusali kagaya sa City. Madami rin ditong mga bata at hindi magara ang suot mga vampires. Para kaming nakarating sa old version ng Vampire City.

“Dito namumuno ang daddy ni Shelby. Isa siyang Prime Minister dito sa Province ng Vampire Land. Si Tita Avia dapat ang mamumuno dito kaso napangasawa niya si Tito Wynner kaya nasa Germany na sila. They were the King and Queen there.” sabi niya sa akin.

“Eh sino ‘yung pinsan na pupuntahan natin? Kapatid ni Shelby?” I asked.

“No. Shelby is my second cousin, may little brother pa siya pero half brother niya lang ‘yon kasi iba ang mother niya. Pupuntahan natin ‘yung nag-iisa kong first cousin na anak ni Tita Avia at Tito Wynner.”

“Bakit ba kayong mga Vampira ang titipid sa anak. Kung hindi isa, dalawa lang.” komento ko.

“H’wag kang mag-alala, at kapag tayo ang magkatuluyan ay lalahian kita ng isang dosena.” Napaubo ako sa sinabi niya. Gusto kong matawa kaso pinipigilan ko. Ibang level din ang humor nitong vampirang ‘to.

“Ano’ng akala mo sa akin palahiang baboy?! Tsaka  ‘wag kang mag-assume na tayo ang magkakatuluyan at baka magunaw ang mundo!” inis kong sabi sakanya. Tumawa lang siya na may halong pang-aasar.

“I’m not even dreaming of it.” Parang diring-diri niya pang sabi.

“Nakakainis ka!” I stomped my feet at mas lalo niya akong tinawanan na mas nakakapikon.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon