Chapter 44 - The Heart Remembers What The Mind Forgets

22.9K 731 102
                                    

Chapter 44 – The Heart Remembers What The Mind Forgets

"I love you most, Serenity."

Napabalikwas ako sa kama. What was that... again? Lagi ko na lang 'yan naririnig kung saan. Minsan habang naglakad ako bigla ko na lang maririnig ang katagang 'yan. Kagaya na lang ngayon, napanaginipan ko siya like a hundred times already.

Alangan naman na si Ryder 'yon kasi unang-una hindi niya ka-boses. Pangalawa, parang may naguudyok sa akin na maniwala na hindi si Ryder 'yon.

It's not an issue for me kasi baka guni-guni ko lang ang lahat. Pero ang weird lang kasi. Kung ano-anu na lang naririnig ko.

"Gising ka na pala," napalingon ako sa may pintuan. Si Mommy nakadungaw sa may pinto habang nakangiti.

"Kagigising lang po, Mommy." Sabi ko. Bumangon ako sa kama saka ko sinuot ang bunny slippers ko.

"Maligo ka na. I cooked your favorite breakfast." She said and I smiled with glee.

"Opo, Mommy."

I just took a quick bathe saka ako bumaba galing kwarto. Nadatnan ko si Daddy at Mommy na nag-uusap.

"Excited for your graduation?" sabi ni Daddy na mas ikinalawak ng ngiti ko. After four long years ay ga-graduate ako rito sa Scarlet Moon Academy nang walang kahirap-hirap.

"Syempre naman, Dad. Pero okay lang ba sa inyo na hindi ako kasama sa honor students?" I asked habang naupo sa silya.

"Ang importante ay ang makapagtapos, Serenity." Sabi ni Daddy dahilan para lumukso sa tuwa ang puso ko.

Mamaya na ang graduation namin. Kasabay kong magtatapos si Shelby, Charity and Connor. Si Ryder kasi mas nauna nang nag graduate. Besides, busy na rin ang nobyo ko sa kanyang Prince duty. Unbelievable pero nagseseryoso na siya sa kanyang pagiging prinsipe.

Kahit kasi matagal na kami ni Ryder ay hindi pa rin maamin na tanggap na ni Daddy na may boyfriend na ako. Kahit pa raw 'yan anak ng Hari ay hindi sakanya puwede ang papetiks-petiks lang kaya biglang isang araw seryoso na siyang magkaroon ng posisyon sa kaharian.

HAPPY GRADUATION, SERI. MAHAL NA MAHAL KITA.

Para akong baliw na kinikilig habang binabasa ang pinadala niyang note. May kasama itong isang stem ng rose.

"Wow ah. Para kang bulate na inasinan. Anong ka-corny-han na naman ba ang pinadala sa'yo ng pinsan ko?" nang-aasar na sabi ni Shelby. Nilabian ko lang siya.

"Inggit ka lang kasi wala kang roses."

"Binigyan din ako ni Connor kanina, 'no!" nakaismid niyang sabi.

Tatlong oras bago magsimula ang graduation ay nakipagkita ako kay Ryder dito sa Haven namin. Tawang-tawa nga ako sa suot niya kasi masyadong pormal. Hindi na siya kagaya noon na casual lang kung mag-suot. Para na siyang ang Kuya niya.

"At bakit ngayon ka lang kagalang-galang na Ginoo?" I said with a sheepish smile. Tumawa naman siya saka ko naramdaman ang bisig niyang pumulupot sa bewang ko.

"I missed you," he said instead. Humarap ako sakanya.

"Nagkita naman tayo kagabi, ah?"

"Pero ilang oras lang 'yon. Ni hindi nga kita nasolo dahil kay Shelby, eh. Asungot talaga ang pinsan kong 'yon." Nakasimangot niyang sabi. Pinisil ko ang matangos niyang ilong saka napahagikhik.

"Ngayon solo mo na ako. At mamaya, mag-attend ka sa graduation." Paalala ko sakanya kahit alam ko naman na mag-a-attend siya lalo na't kasama siya sa Presidential table.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon