Chapter 19 - Separate World

33.3K 895 69
                                    

Legend: Italic word means flashback

Chapter 19 – Separate World

 

“Akala ko ba sila ni Prince Hunter?

“Baka hiwalay na?”

“Oh, tapos ‘yung kapatid naman?”

“May landing tinatago.”

“Sinabi mo pa!”

Napayuko na lang ako habang naglalakad sa hallway. Alam kong ako ang pinag-usapan nila. sobra silang makaparinig, eh.

Dapat wala akong pakialam sa iisipin nila. hindi ko nga dapat ine-entertain ang mga rumors, eh. Pero tao lang ako at madaling maapektuhan sa iniisip ng iba.

Paliko na sana akong left side kung saan ang room namin nang may humigit sa kamay ko. Napalingon ako para tingnan kung sino ‘yon.

“R-Ryder?” nagtataka kong sabi. Bigla-bigla na lang niya akong niyakap at hinawakan ang ulo ko at sinubsub sa dibdib niya.

Hindi ko alam ang nangyayari. May mga naririnig ako bulungan at nagtatakbuhan. Pinilit kong iangat ang ulo ko para makita kung ano ang nangyayari.

Gulat na gulat ako nang makita kong puno ng dugo ang likod ni Ryder. Hindi ko alam kung sino ang may gawa no’n. Pero halatang ako ang aim nila at aksidenteng si Ryder ang tinamaan nila.

“S-Seri, okay ka lang ba?” nag-aalala niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit siya pa ang nag-aalala sa akin. He just saved me from my almost embarrassment.

“Okay lang ako,” nanginginig kong sabi. Para akong maiiyak.

“OH MY GOD! SINO ANG MAY GAWA NIYAN SA PINSAN KO?!” I heard Shelby shrieked.

Hindi gumagalaw si Ryder and I badly want to see if he’s okay.

“Are you sure you’re okay?” he asked for the second time around.

“Okay na okay ako, Ryder.’ Tumingala ako at malapit lang pala ang mukha niya sa akin. Para akong naduling sa lapit ng mukha niya at the same time parang nakaramdam ako ng kakaiba. ‘Yung sudden feeling na parang may sumabog sa paligid mo at naging makulay ang buhay mo, gano’ng factor.

Lumapit naman sa akin si Shelby at sobrang nag-aalala ang mukha niya.

“'Buti na lang at mabilis si Ryder. Ikaw sana ang target nila,” lumayo ako ng konti kay Ryder at naramdaman ko ang panginginig ng tuhod kaya napahawak ako sa braso niya.

“That bitches won’t stop! This time at mapapalayas na sila sa school!” galit na galit na sambit ni Shelby.

“It’s my fault,” I said. Napatingin naman sila pareho sa akin.

“No. Wala kang kasalanan.” Ani Ryder.

“It’s my fault, Seri. Kung hindi sana kita pinilit sa wedding thingy hindi mo ‘to dadanasin.” Malungkot naman na sabi ni Shelby.

“Pero friends na kayo ni Connor diba? Okay lang. ang importante kasama ko kayo,” tiningnan ko naman si Ryder.

Hindi na ako nakapasok sa subjects ko. Inuwi ko si Ryder sa condo ko dahil ayaw niyang makita siya ng Hari at Reyna na gano’n ang ayos niya. Para tuloy ayaw ko nang pumasok ulit sa school. Napapahamak ang mga kaibigan ko.

“Iwan mo na damit mo sa sahig. Nasa kuwarto ko ang CR. Kukuha lang ako ng towel.” Sabi ko sakanya. Naramdaman ko naman na sumunod siya. Tinungo ko ang cabinet ko saka ako kumuha ng extra towel. Nakakahiya naman sakanya kung ipapagamit ko ‘yung akin.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon