Chapter 24 - The Shaman

34.8K 902 47
                                    

Chapter 24 – The Shaman

Ryder’s POV

 

QUARTER to seven pa lang inaabangan ko na si Seri na lumabas sa condo niya pero ala syete y media na wala pa ring lumalabas na Seri. Hindi ba siya papasok? O kanina pa siya umalis. I told her na ako lagi maghahatid sakanya. Napangiti na lang tuloy ako dahil sa katigasan ng ulo niya. Seri really amuses me. Napapagaan niya ang loob ko.

I decided na puntahan siya sa school. Baka nga nauna na siya. Iniisip nanaman siguro niyang pabigat ako sakanya. Kahit kailan hindi siya naging pabigat sa akin. Gusto ko nga laging nasa tabi niya. Masyado na kasi akong naging malapit sa kanya.

Naglalakad na akong papuntang SMA kung saan hindi ko ginamit ang kotse dahil balak ko sanang maglakad kasama si Seri para makapag-kwentuhan pa kami.

“Pssst…” napalingon ako sa sumitsit sa akin. Hinanap ko kung saan ‘yon nanggaling at nakita ko ang ‘di kilalang nilalang na nakakubli gamit ang isang cloak at nagtatago siya sa malaking puno.

Hindi ko na sana papansin at dederetso ako papasok sa main gate ng SMA pero sumitsit nanaman siya and this time, mas malakas at alam kong ako ang tinatawag niya.

Nakakunot na naglakad ako palapit sa may puno kung saan nakatago ang kung sino man na tumatawag sa akin.

“Who are you? What do you want?” I said in a cold voice. If ever he attacks me I’m always ready at nagbigay ako ng tamang distansya para kami makapag-usap.

“Prince Ryder,” tinanggal niya ang cloak at tumambad sa akin ang blankong expression ng Shaman—si Lady Tauren.

“Lady Tauren, bakit kayo nagtatago diyan?” nakakunot kong tanong. Siya ang nag-iisang Royal Shaman na kasalukuyang nakatira sa loob ng palasyo at pinagkakatiwalaan ng Hari at Reyna—mommy and daddy.

“Ngayon pa lang layuan mo na siya, Mahal na prinsepe.” Sabi niya mas lalo kong kinakunot ng noo. Ano bang pinagsasabi niya?

“Sino po ba? Tsaka bakit po ba kayo nandito nagtatago? Hindi ba kayo dapat makita?” nagtataka rin ako kung bakit niya ako kinakausap. Kapag may pagtitipon, lagi lang siyang nasa tabi ni mommy at walang emosyon na pinapakita at kahit kailan, wala siyang kinakausap sa amin unless may sasabihin siyang propesiya.

“Layuan mo ang mortal, mahal na prinsepe!” mariin niyang sabi dahilan para panlakihan ako ng mata.

“Si Seri ba ang tinutukoy mo?” tanong ko. Hindi naman siya sumagot pero alam kong oo ang sagot niya. May kinuha siya sa bulsa ng cloak niya at pinakita sa akin ang card na may tower na may mga kidlat at may sword na nakasaksak sa tower.

“Ibibigay ko sa’yo ang kapalaran ng mortal at makikita mo ang totoong nakatadhana sa inyong tatlo.” Sabi niya. Inabot niya sa akin ang tarot card at kinuha ko naman ‘yon. Napa-kunot noo nang mahawakan ko ‘to. May mga flashes of memory na pumapasok sa isipan ko pero napaka-labo nito.

“Kumilos na siya. Wala ka nang magagawa pa. Eto ang usapan niyong dalawa, diba?” pagkasabi niya noon ay bigla na lang siyang nawala at dinala ng hangin.

I have no idea kung ano ang mga pinagsasabi ni Lady Tauren pero sigurado ako na may kinalaman ‘to kay Seri. Siya lang naman ang mortal dito, eh.

I helplessly tilted my head at napatingin ko sa taas. My vision automatically zoomed in when I saw a familiar—teka! Si Seri ‘yon, ah? Pero sino ang kasama niya?

Nasagot naman ang katanungan ko nang makita ko si kuya at hinawakan niya ang magkabilang braso ni Seri. Hindi ko alam ang ginagawa nila o kung ano ang pinag-uusapan nila. Pero isa ang sigurado ko. I am hurting. Kung alam lang nila kung gaano ako ka-relieved nang malaman kong hindi pala talaga sila ni Kuya.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon