Kabanata 41

52.3K 1.9K 1.7K
                                    

Kabanata 41

Merde!

This is the situation that I want to get away to, but how ironic that it brought me here! Gaano ba kalaki ang sakop ng mga Velarde at ngayon ko lang nalaman na pati clothing line company ay pinatos nila? 

Para akong nanlambot at gusto ko nang bumagsak sa sahig nang magtama ang mga mata namin. Everything that happened almost 5 years ago instantly flashed in my mind.

Isang beses ko lang balak bumalik sa Pilipinas, isang beses lang. Sa isang beses na iyon ay wala akong planong makita o makalasamuha man lang ang lalaking 'to. 

So, paanong umabot sa ganito?

"Blaire?" Nigel nudged me, looking so curious as to why I'm not saying anything. 

Tumikhim ako at inayos ang sarili ko. I immediately went with my most composed and demure smile.

Hindi dapat ako magpapaapekto dahil matagal na 'yon.

Wala na dapat 'yon.

"Nice to meet you," I politely replied. 

Hindi man lang nagtagal ang titig niya sa akin at bumalik agad iyon kay Nigel. "I will be assisting your company in the private island that you'll be staying." 

"That's very accommodating, thank you." Nigel said. 

Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala alam ni Nigel ang tungkol sa kanya. It was better this way because if Nigel knew, he would probably decide to immediately cut off the project and go back to France. Mas mabuti na ngang hindi niya alam na ang lalaking iyon ang ama ng mga anak ko. 

Darius went ahead to probably talk with the man who will be driving the yacht reserved for us. Hindi kalaunan ay pinapasok na kami sa loob ng yate. It was a huge vessel that could accommodate a lot of people. It looks new and well-furnished. 

Pumasok kami sa loob ng cabin kung saan nasa unahan si Darius at nakasunod lamang kaming lahat sa kanya. The inside has a counter bar and a dining area. Tanaw mula sa labas ang mga nakahilerang sun lounger at ang malawak na pool. 

"Do you want to stay in a single room?" Nigel asked me as he carried our things. 

Napansin ko rin na medyo malawak nga ang iilang mga room at may mga double beds din. Hindi naman kami magtatabi at mas magiging kumportable ako dahil magkakilala kami at mapag-uusapan namin ang tungkol sa project. 

"The cabin has 15 rooms in total that could accompany all of you. It is already prepared by De Velar so we insist that you could rest individually in each of your rooms." Darius suddenly announced. 

Nagsimula nang magpasukan ang mga empleyado sa kani-kanilang mga kwarto. Hinawakan ni Nigel ang kamay ko at binuksan ang isang bakanteng kwarto kung saan may double bed na nakalatag. 

"Let me assist you towards your rooms." halos mapatalon ako nang biglang lumapit sa'min si Darius. He called some men to carry our things which we didn't want at first but he still insisted. 

"You're our guests so please let us accommodate you thoroughly." he told us. 

Naglakad kami sa may malawak na hallway at doon kami nakarating sa may pinakadulo. Darius told the men who is carrying Nigel's things to put it inside the vacant room. Papasok na sana ako para sundan si Nigel kaso nakita kong isang bed lang ang nasa loob.

"We can stay in a single room with double beds." Nigel suggested. 

"Sorry but we insist to let you stay individually in each rooms." Darius said. "The rooms with the double bed would be used by the helmsman and the crew." 

Taming the Blaze (Magnates Series #2)Where stories live. Discover now