Kabanata 16

52K 2.2K 986
                                    

Kabanata 16

"Hindi gagana sa'kin ang mga paganyan-ganyan mo." 

Inirapan ko siya at tinuloy ko ang paglilibot sa opisina. I heard him snickered behind me.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakalagay sa table niya. Nilandas ko ang kamay ko sa lamesa niya para maramdaman ang kahoy na yari nito nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Ano?" kumunot ang noo ko. "Sabi nang hindi mo 'ko madadaan sa—"

"Let's tour around the field." pag-aaya niya.

"O-Okay."

He smirked, I scowled. 

Nag-assume na naman ako na may gagawin ulit siya. Minsan hindi ko na rin alam sa lalaking 'to. Magulo ang takbo ng isip niya kaya dapat mas lalo akong mag-ingat. 

We went outside and we were greeted by some of his employees. Napansin ko na karamihan ng kanyang empleyado ay mga lalaki. Bakit? Hindi siya tumatanggap masyado ng mga babae dahil baka hindi niya mapigilan ang sariling akitin sila? 

Napadpad kami sa malawak na field at dumako sa mga warehouse at factory. Napanganga ako sa naglalakihang makinarya sa gilid. He was saying some difficult terminologies about it that I couldn't much comprehend. He was being formal, like I am a client and I need to be toured around the area.

Seryoso siya habang itinuturo sa akin ang bawat proseso at kung paano ang kalalabasan nito pagkayari. I was smiling a little as I watched his lean and tall back on me. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko at pinagtitinginan kami ng mga trabahante. 

"Wait here," he said and I nodded.

May pinuntahan siyang isang lalaki roon at nakipag-usap saglit. I think he was asking about something work-related or the progress of their manufactures. He looks so professional and I can't help but be awe while watching him like this.

Kung ganito siya palagi at hindi malandi ay baka talagang magka-interes ako sa kanya. 

Ginala ko ang mga mata ko sa paligid at naglibot pansamantala. Hindi naman kalayuan ang nilakad ko at tanaw ko pa rin naman si Darius mula rito. Napatingin ako sa isang lalaki na nagbubuhat ng mabigat na mga tools. 

"Good morning," I greeted him. 

Nakita kong nagulat siya sa presensya ko kaya naman may nahulog sa mga bitbit niya. I smiled at him, his eyes widen while looking at me as if I wasn't real. 

"Tulungan na kita." lumuhod ako para kuhanin ang mga nagkalat na mga maliliit na turnilyo. "Matagal na po kayong nagtatrabaho rito?"

"A-Ah, opo. Maglilimang taon na po." 

We were both picking the things scattered on the ground. Napansin ko na dumami ang mga nakatingin sa aming mga trabahante pero hindi man lang kami tinulungan. 

I saw some screws underneath the huge machinery. Agad na pumunta ako roon at lumuhod para maabot ito sa ilalim. I was reaching for it but it was too far. I leaned much further to get it. Narinig ko ang iilang mga halakhakan at hiyawan ng mga kalalakihan sa paligid.

"Blaire,"

I heard a cold baritone voice behind me. Alam ko na kaagad kung kanino galing iyon pero hindi ko pinansin.

"Teka lang, malapit ko nang makuha." I said as I tried to reach much further. Hindi nagtagal ay nakuha ko na rin iyong turnilyo.

Patayo na sana ako nang maramdaman ko ang marahas na paghila sa'kin ni Darius paangat. Ngumiti ako sa kanya at pinakita ang turnilyo na pinulot ko sa ilalim. Nawala ang ngiti ko nang makita ang reaksyon niya.

Taming the Blaze (Magnates Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant