Panimula

121K 2.7K 1.9K
                                    

Panimula

"Congratulations on graduating!" niyakap kaagad ako ni Poly. "Happy birthday na rin!"

"Thank you!" I hugged her back.

Minsan na lang kami magkita dahil busy siya palagi sa mga shoots niya habang ako ay busy sa pag-aaral. She's an international model and now she's back in the Philippines and decided to stay here for good. 

"Ano? Celebration later?" tanong niya habang iniinom ang inorder kong frappe.

Nagkita kami ngayon sa isang coffee shop. Kakagraduate ko lang under Business Management since I will be helping my Dad with our business in France. Umuwi lang talaga ako dahil gusto ni Mommy na dito magcelebrate.

"Yeah. In one of the Pontevera's mansion. I will send you the details." nilabas ko ang cellphone ko para i-send sa kanya.

"Sure. Diretso kaagad ako ro'n after my shooting in Manila. Kailangan ko pa pala sabihan 'yong manager ko!" pumikit siya ng mariin at bumuntong hininga na tila ba stress na stress siya sa schedule niya.

"Ayos lang. Unahin mo 'yon parang birthday ko lang naman at ngayon lang ulit tayong nagkitang dalawa matapos ng napakatagal na panahon."

Tinapunan niya ako ng tissue at tumawa. "Gaga! Paimportante ka, ganda ka?"

"Hindi ba halata?"

"Tss. Dream on, Ariel." pang-aasar niya sa'kin.

"Shut up, brazillian wax."

It was actually one of our inside jokes. Inaasar niya akong Ariel dahil do'n sa Disney character. I have a natural long and wavy dark red hair. My eyes are hazel which has a mixture of brown and green. I also have a very pale skin. Isang hampas lang sa balat ko ay mag-iiwan kaagad ng marka.

I call Polyxenna brazillian wax dahil para siyang tanga no'ng nagpakilala siya sa amin noong una ko siyang makita. Half brazillian daw siya at half wax, parang gago. Akala niya naman bentang benta 'yong introduction niya, e siya lang ang natawa.

"So, after all of this you're going to live in France with your Dad?" pagsisimula niya ng seryosong usapan matapos naming maggaguhan.

Tumango ako. "Yeah. Just like how it was planned."

"Really? I thought you're planning to start your own clothing line company?"

"Pangarap na lang siguro 'yon."

My Dad's business is winery and fortunately it's doing good in that country. We have our own estate vineyards and farms. We produced our own product and export it in many countries.

I am half French because my Dad is, duh, French. Kapansin-pansin naman sa akin dahil sa pulang buhok at malaberdeng mata ko. I was born and raised in the Philippines but I stayed in France to get my degree and went back here for a short vacation.

"Ayaw mong ituloy 'yong pangarap mo?"

"Sana, kung pagbibigyan ako." nahulaan ko na kaagad kung ano ang susunod na sasabihin ni Poly kaya naman inunahan ko na siya at sinamaan ng tingin. "Hindi mo 'ko kailangang tulungan, okay? Magfocus ka sa career mo."

She pursed her lips. "But if you need anything, I would be more than willing to help."

"Maghanap ka na ng seryosong jowa, tulungan mo na lang sarili mo." pagbabago ko ng usapan dahil masyadong seryoso.

"Tangina nito, akala mo naman may jowa siya."

Inirapan ko siya. "Excuse me, I have many suitors."

Taming the Blaze (Magnates Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon