Kabanata 24

53K 1.8K 1.1K
                                    

Kabanata 24

I woke up when I heard a cry beside me. Sabay kaming napabangon ni Darius mula sa kama. It was the first time that I woke up next to him, and especially with a baby in between us. 

Agad na binuhat ni Darius ang baby para patahanin. I quickly fixed my face and got up as well. Darius was patting the baby's back as he bounced a little while carrying it. Parang magic na tumahan kaagad ang bata sa bisig niya. 

"I'll cook breakfast," I initiated. 

Sabay kaming bumaba ni Darius habang karga niya si Baby Karlos. Halos madapa ako sa hagdanan nang makasalubong ang bagong dating na sina Ate Pola at Ate Riza. May bitbit pa silang mga bag nila. 

"Por dios por santo!" gulat na bulalas ni Ate Riza habang hawak pa ang kanyang dibdib. "Ilang araw lang kami nawala, may anak na kayo, Ma'am?!"

"P-Paano nangyari? N-Nagkaanak na kayo ni Ser, Ma'am?" dagdag ni Ate Riza. 

"Kalma lang," natatawang sambit ko. "Pinabantay lang sa'min ng isa sa mga empleyado ni Darius." 

Eksaherada silang napabuntong hininga. Grabe naman, ano sa tingin nila, isang araw akong buntis tapos kinabukasan nanganak na ako? Ang wild din minsan ng imagination nila. 

We decided to eat breakfast as Ate Riza held Baby Karlos. Parehas sila ni Ate Pola na tuwang-tuwa sa bata. I can hear the giggles of the baby from the dining area. Pinakain din nila ito ng baby food.

"I'll visit Mang Karding in the hospital and give the baby back." sabi ni Darius.

"Okay," tumango ako. "P'wedeng sumama?"

"Sure."

I fixed the dining area and proceeded on washing the dishes. Nagpupunas pa ako ng kamay habang naglalakad papuntang sala. Nakita kong buhat na ulit ni Dairus ang bata habang sina Ate Pola at Ate Riza ay bumalik na sa kusina. 

We were all watching Darius holding the baby. He is smiling genuinely as the baby made adorable sounds. Para kaming mga tanga na nakasilip at pinagmamasdan ang mga pangyayari mula sa may kusina.

Hinawakan ni Baby Karlos ang mukha ni Darius at hinalikan naman ni Darius ang maliliit na kamay nito. He chuckled softly while looking at the baby.

"Grabe, daddy material si Ser. Parang ibang-iba siya ngayong may hawak siyang bata." pagpuna ni Ate Riza.

Tumango naman si Ate Pola. "Sobrang maalaga siguro si Ser kapag nagkaroon na siya ng sarili niyang anak. Sa bata nga na hindi niya masyadong kilala ganito na siya, paano na kaya kung sarili niya pang anak." 

I smiled again. I can imagine him having his own kids and he is doing his best to take care of them. After spending some time watching him with a baby, I could already say that he could be a great father.

"Nakakainlove si Ser kapag ganyan, sana magkaroon na siya ng sarili niyang anak." dagdag pa nila sabay parehong baling sa akin.

Nawala bigla ang ngiti ko at nanlaki ang mata ko nang matanto kung bakit sila tumingin sa'kin.

"W-Wala pa po kaming balak." sagot ko kaagad.

Makahulugang ngumisi ang dalawa kaya mas lalong pumula ang mukha ko.

"Uy si Ma'am, depensib." natatawang sabi ni Ate Pola. "Naimagine niyo rin po ba kung paano si Ser kapag nagkaanak na kayong dalawa?"

"H-Huh?" mas lalong uminit ang mukha ko.

"Gawa na kayo Ma'am para sa inyo na nakatuon ang buong atensyon ni Ser. Paniguradong hindi siya magbababad ng sobra sa trabaho at dito na siya palagi sa bahay para alagaan ang magiging anak ninyo." 

Taming the Blaze (Magnates Series #2)Where stories live. Discover now