Kabanata 10

51K 2.5K 1.3K
                                    

Kabanata 10

The next days were just a similar set-up. I would wake up in the morning but he already left for work. I would eat breakfast with Ate Riza and Pola. I would work in the office room and sketch.

During night, I would see Darius bringing home a different woman. Then the woman will leave after their session. We will eat dinner together like nothing happened. He's going to do work in his office room. Matutulog ako sa master's bedroom at walang pakialam kung saan siya natutulog.

Gano'n niya ba talaga kaayaw sa'kin kaya ni pagtulog sa tabi ko ay hindi niya magawa?

"Ma'am, hindi kumakain ng hapunan si Sir pero dahil kasabay kayo ay kumakain na siya." pagpapalubag loob ni Ate Riza habang kumakain kami ng agahan.

Tumango si Ate Pola. "Totoo, Ma'am. Hindi talaga iyon kumakain tuwing gabi."

"Pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagdadala ng mga mayayamang babae rito. Sana tigilan na niya dahil may asawa na siya." dagdag nila.

"Ayos lang po talaga sa'kin." ngumiti ako.

"Talaga, Ma'am? Kahit konting selos, wala?" tanong ni Ate Pola.

Ngumiti ako at umiling bilang sagot.

Nagkwentuhan na lang kami ng kung anu-ano. Nang matapos ay pumunta kaagad ako sa office room. Dumating na ang mga pinabili kong materyales. I even bought mannequins just to put the dress that I'd design.

I started doing some sketches before applying it on the cloth. May nabili rin akong sewing machine, and it was even a high-end and expensive one. Iba talaga kapag Velarde, parang bumibili lang ng kendi sa tabi.

"Blaire Maigen Bordeaux!" halos mabingi ako dahil sa sigaw ni Poly mula sa kabilang linya. "Kailan mo balak sabihin sa'kin ang tungkol dito?!"

"Ha?" hilaw na tumawa ako.

"Anong ha?! Nagpunta lang ako saglit sa Madrid para sa isang shoot tapos pagbalik ko ikinasal ka na?"

"H-Ha?" hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin ang lahat ng nangyari sa kanya.

"Kakapunta ko lang sa mansyon na tinutuluyan niyo at sinabi sa'kin ni Tita ang nangyari!" damang dama ko ang galit sa tono ng boses niya. "What the hell, Blaire! Anong palabas 'to? Você é muito louco!"

Napabuntong hininga ako. "Désolée."

"I need a specific explanation, young lady! Matagal na kitang binalaan tungkol sa Velarde na 'yan tapos sa sunod na araw bigla kayong nagpakasal? What the fucking fuck?"

"I'll tell you everything. Magkita na lang tayo, okay?"

"Magkikita talaga tayo at sasabihin mo sa'kin ang lahat! I am already on my way there."

"H-Huh?"

"Talagang pinilit ko alamin kung saan ka tinago ni Darius!"

"That's really creepy, you know?"

"Creepy ka diyan! Mas creepy 'yong naging desisyon mo, langhiya ka!"

"Oo na, sorry na." pumikit ako ng mariin at napahilot sa sentido ko. "Fine, we'll talk."

Pagkababa namin ng tawag ay nagulat ako nang biglang may bumusina mula sa labas. Nakita kong pinigilan kaagad ng mga bantay ang kotse. Bumaba kaagad ako para puntahan si Poly.

"I know her, she's my friend." pagpapaliwanag ko.

Mahigpit na kinapkapan pa nila si Poly. Nakita ko kung paano napakunot ang noo ni Poly na mas lalong hindi maintindihan ang sitwasyon kung bakit kailangan pang may ganito.

Taming the Blaze (Magnates Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon