Married To The Bad Boy SC #1

200K 3.6K 198
                                    

Ang AEGIS

Hindi ito Book 2! Special Chapter lang.

------------------------------------------------

"Toryang! Bakit wala na namang tissue sa banyo?"

Napailing na lang ako sa isa pang sigaw ni Stanley mula sa banyo. Ibinaba ko ang children's book na binabasa ko at dahan dahang tumayo. May kalakihan na rin ang tyan ko at nahihirapan na ako sa paglalakad. Pero kailangan kong puntahan iyong si Montreal na nagwawala na dahil late na siya sa kanilang photoshoot.

"Hindi ko kasi abot Tan. Ang taas kaya ng lalagyan ng mga tissue roll." Sagot ko noong makarating ako sa banyo. Nanliit ang mata niya habang nakatingin sa akin.

"Bakit naglalakad ka? Yang naman. Sira ka ba?" nag-aalala niyang sabi. Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang beywang ko. Huminga siya ng malalim bago ako pinaupo sa may toilet bowl.

"Wag mo na akong pansinin. Maligo ka na nga. Late ka na." utos ko na lang. Tinitigan lang niya ako bago siya umupo sa harapan ko.

Hinaplos niya ang umbok ng tiyan ko. "Ayaw ko ng pumunta sa photoshoot." Nakanguso niyang sabi. Tumawa lamang ako bago siya pinitik sa ilong.

"Hindi pwede. Gusto mong sunugin ka ni Leria ng buhay?"

"Hayaan mo siya. Galit naman yun sa mundo." Dagdag niya. Tumawa na lang ako sa isip bata niyang pagsasalita. Inayos ko ang buhok niya bago siya tinitigan.

"Photoshoot para sa album ninyo Stan. Hindi pwedeng wala ka dun."

"Tsk." Iritado niyang sagot. Tumawa lang ako at tinulak na siya para maligo. Nagprotesta pa siya pero hindi ko siya pinansin. Pinilit ko na siyang pumasok sa shower at iniwan na doon. Dumiretsyo ako sa kwarto at inayos ang susuotin niya.

Pagkalabas niya ng banyo ay agad na siyang nagbihis. Ilang beses bumusina ang van nila sa labas bago niya ako tuluyang iniwanan.

"Anong oras darating si Avvi? Walang magbabantay sayo." Tanong niya noong nasa gate na kami. Inirapan ko lamang siya at hinimas ang tiyan ko.

"Hindi pa lalabas ang anak mo Stanley." Nakangisi kong sabi. Tumalim lang ang tingin niya sa akin.

"Masama bang mag-alala? Pakiramdam ko, mahihimatay ako bago pa makalabas yang batang yan." Seryoso niyang sabi. Natawa lamang ako at sumabay sa kanya sa paglabas.

"Kamahalan!"

"Toryang!"

"Sungit!"

Sabay sabay bumaba ang AEGIS at lumapit sa akin. Isa isa nila akong niyakap habang binabati ako.

"Laki na ah." Biro ni Greg sa akin. Pinandilatan ko lang siya bago hinampas.

"Bwisit ka." Sagot ko. Tumawa lang si I bago inakbayan si Stanley.

"Pustahan tayo. Ako kamukha ng anak mo dude. Sa akin naglihi ang kamahalan eh." Mayabang niyang sabi. Agad siyang binatukan ni Stanley bago siniko sa tagiliran.

"Ouch dude. Haras mo." Natatawang sabi ni August habang inaalalayan si I.

"Ikaw bang sinaktan ko?" masungit na tanong ni Stanley. Sumandal ako sa pader at pinanood sila.

"Masama bang makisimpatya? That is what you call empathy dude. EM-PA-THY." Pandagdag ni August. Agad lumapit si Stanley sa kanya para suntukin siya pero agad nakatakbo sa likod ni Leria si Pangit.

"Ang gulo nyo." Natatawang sabi ni Ria kay Pangit. Ngumisi lang si August bago niya niyakap ng mahigpit si Ria.

"Athan, tingnan mo, kikiss ko si Ria!" sigaw ni August bago hinalikan sa pisngi si Ria. Nakita ko ang pandidilim ng mukha ni Athan na tahimik lang na nagmamasid sa amin.

"AUGUST!" sigaw ko. Dumiretsyo ng tayo si Athan at lumapit kay August.

"Gago!" galit na galit na sabi ni Athan. Agad humarang si Ethan at Greg sa kanya. Si August naman ay tumatawa lang sa isang tabi. Humarap siya kay Stanley bago nagkibit balikat.

"See Stanley? Ganyan ka din noon kay Toryang. That is empathy dude." Tumatawang sabi niya. Napailing na lang ako lalo na noong tinulak ni Athan ang kakambal niya at pumasok na sa van. Naglakad ako papunta kay Ria at hinalikan siya sa pisngi.

"Pasensya ka na kay August." Sabi ko. Ngumiwi lang siya bago nagkibit balikat.

"Kausapin mo yan minsan. Mukhang may problema." Sabi niya. Kumunot ang noo ko at tiningnan si Pangit na tumatawa pa rin sa gilid.

"Kailan ka manganganak?" tanong niya. Tiningnan ko ulit ang bukol sa tyan ko bago napangiti na lang.

"End of the month."

"I'll clear their schedule. Kailangan kumpleto kami kapag lumabas na yang Montreal na yan." Sabi niya habang kumikindat. Tumawa na lamang ako at tumango.

"Oh, by the way. Mauuna na kami ha?" paalam niya. Yumuko siya ng kaunti at hinaplos ang aking tyan. Dumiretsyo siya ng tayo at nagpaalam na sa akin.

"Bye."

May yumakap sa aking beywang at agad na hinalikan ang pisngi ko. Tiningala ko si Stanley na nakatunghay sa akin.

"Alis na ako." Sabi niya. Halatang malungkot ang mukha.

"Sige. Ingat ka."

"Alis na nga ako." Pag-uulit niya. Humagikgik lang ako at kinurot ang ilong niya.

"Oo nga. Sige na. Hinihintay ka na doon." Anas ko. Ngumiwi lang siya sa sagot ko.

"Alam mo, ang slow mo pa rin. Pigilan mo naman ako Yang." Nagtatampo niyang sabi. Napatawa na lang ako ng malakas sa klase ng pananalita niya.

"Ang gulo mo."

"Wag kang magreklamo. Ang totoong gwapo, magulo." Mayabang niyang sabi. Tinaas baba niya pa ang kilay niya bago ako tuluyang binitiwan. Yumuko siya at hinalikan ang aking noo.

"Alis na ako." Sabi ulit niya. Inirapan ko na lamang siya bago kumaway.

"Alis na." natatawa kong sabi. Pumasok siya sa van pero hindi niya isinara ang pintuan.

"Yang, aalis na ako--"

"STANLEY PHILIP MONTREAL! ISARA MO NA NGA YANG PINTO!" sigaw ni Ria. Natawa na lang ako sa gulat na ekspresyon ni Stanley bago nagmamadaling isinara ang pintuan. Umandar na ang makina ng van nila at binaba agad niya ang salamin ng bintana.

"Yang! Aalis na ako!" sigaw niya. Nasapo ko na lang ang ulo ko at napailing sa kanya.

Ang kulit talaga.

-----------------------------

May kasunod pa yan.

*pen<310

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon