01

126K 2.2K 105
                                    

Ang Bra

Yo! Ano, ah, sabi ni Papa dude tinatamad si author kaya aaliwin ko siya. Pero hindi ko naman alam kung paano ko siya aaliwin kaya baka pwedeng striptease na lang? Kaso baka naman mahimatay kayo. Sabi kasi ni Papa dude, kapag gwapo ka wag mong ipangangalandakan kasi delikado. Eh, gwapo naman ako. Mas gwapo pa nga ako kina Kuya Shawn. Mafeeling lang naman yung mga kapatid ko. Nagmana silang lahat kay Papa dude, ako mana ako kay Mama kaya gwapo ako ng one hundred times sa kanila.

Ah, hindi ko na alam sinasabi ko. Naiinip na kasi akong magtago dito sa banyo kasi baka bugbugin ako ni Serise. Sinuot ko kasi yung pink niyang  bra, yung may strawberry tapos papakita ko sa crush niya—

"SEVEN! GET OUT! NOW!" sigaw ni Serise sa pintuan ko. Napangiti lamang ako at lumabas, iyong strap ng bra niya ay inadjust ko pa sa bandang dibdib ko.

"Bagay ba?"

"Bakla ka talaga!" naiiyak niyang sabi. Tumawa lang ako at tumakbo pababa. Nakita ko kaagad si Caius na nakahiga sa may sofa. Tinititigan niya iyong snow globe.

"Alugin mo kasi para gumalaw yung snow." Advise ni Noah. Ngumuso lang si Caius bago umiling.

"Ayaw ko. Itataas ko pa yung kamay ko, nakakapagod." Sagot niya. Napailing na lang ako at bababa na sana noong hinila ni Serise yung kwelyo ko.

"STOP WEARING MY BRA!" naiiyak na niyang sabi. Tumawa lang ako at bababa na para harapin ang mga kaibigan ko.

"SEVEN!" sigaw niya. Tumingin lang ako sa kanya bago ko hinila iyong pigtails niya.

"Bakit ka nagbabra? Wala ka namang dibdib?"

"Bwisit ka talaga!"

Natawa na lang ako. Ang bratinella talaga ng kapatid ko. Tumakbo na lang ako at hindi na ako nahabol ni Serise. Agad akong lumapit kina Noah na gulat na gulat na tumingin sa akin.

"Bakit nakabra ka?" tanong ni Rome sa akin. Ngumisi lang ako.

"Kay Serise ito. Hawakan mo, may foam." Sabi ko. Namula lang si Rome pero pasimple pa rin niyang dinutdot iyong bra.

"Ang lambot." manghang sabi ni Rome. Bigla siyang napaaray noong lumapit iyong si Illea sa kanya at pinitik ang noo nito.

"Ang pervert mo." Biglang sabat ni Illea. Umupo siya sa tabi ko at ngumuso sa likuran ko.

"Ayan na si Serise." Aniya habang tinitingnan iyong kapatid kong may hawak na Baygon. Agad na akong tumayo pero hinawakan lamang ni Matthew iyong binti ko. Mabilis niya akong dinaganan kaya hindi na ako makalayo sa kapatid ko.

"Matt! Alis!" anas ko. Tumawa lamang ang mga kaibigan ko habang nakatingin kay Serise.

"Pasensya na Seven. Boss namin si Serise eh." Sagot ni Matthew. Hindi na ako nakaangal noong naramdaman ko ang pagpukpok ng Baygon sa ulo ko.

"My bra. Seven." mataray niyang sabi. Ngumuso na lamang ako at inalis iyong bra niyang puro foam at may strawberry design pa.

——————————————-

*pen<310

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon