Markado

207K 3.9K 390
                                    

41

 

 

HAPPY NEW YEAR!

-----------------------------------

I stared at him for a moment. Ilang beses pa akong kumurap para masigurong seryoso siya sa kanyang sinasabi. Tinitigan lang din naman niya ako bago siya napapikit na lamang. Humakbang siya at lumapit pa sa akin bago niya ako niyakap ng mahigpit.

 

"If you're doing this to hurt me Yang, then congratulations. Masaya ka na ba?" basag ang boses niyang sabi. Hindi agad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Hinawakan ko ang braso niya para alisin ang pagkakayakap niya sa akin pero hinigpitan lang niya ang kanyang kapit.

"I'm sorry.."

Ginalaw ko ang ulo ko para matingnan siya. Hindi siya natinag sa kanyang kinatatayuan.

"Stan.."

"The day you left, I almost died Victoria. Paulit ulit kong naririnig ang boses ni Athan, that you are torn between me and him. That you are not sure about your feelings for me. That you don't want me enough for you to fight for me. Pero tangina Victoria, kung ayaw mo akong ipaglaban, then fine. Ako ang lalaban para sa atin. Ako na lang ang ibala mo sa Tatay ko, basta wag mo lang akong iwan. But.You.Still.Left." mapang-akusa niyang sabi. Nanatili lang akong nakatayo at pinapakinggan siya. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha sa aking mga mata sa narinig ko.

"You.Still.Left." binitiwan niya ako at tiningnan sa mata. Hinawakan niya ang pisngi ko at dahan dahan iyong pinunasan.

"Sabi ko sa sarili ko,kakalimutan kita. Madali lang naman yun. Buburahin kita sa buhay ko. I will act as if you did not exist at all. Apat na taon Toryang, nabuhay ako na wala ka dito and everything was fine. So, I thought I was successful. Wala ng Toryang na nakaukit sa pagkatao ko, but I was wrong. I was so damned wrong."

Huminga siya ng malalim at bumuka ang bibig niya na para bang may gusto siyang sabihin. Ginawa niya ulit iyon pero muli lang niyang tinikom ang bibig niya at hindi nagsalita. Tumaas baba ang dibdib niya na para bang nahihirapan na siyang huminga.

 

"One look at you and everything just went back.  Everything. Mula sa simula hanggang noong nagmakaawa ako sayo sa airport na wag akong iwanan, Yang, bumalik lahat. And when I saw you smile then, I started feeling anger for you. How can you smile like that? How can you do that? How can you even act like that habang ako, miserable noong wala ka? It was so fucking unfair Victoria. I spent four years trying to erase you, pero isang ngiti mo lang, bumalik lahat."

Yumuko ako at napailing na lamang. Naramdaman ko ang tuloy tuloy na pagtulo ng luha ko at halos hindi na ako makahinga sa luha ko. Huminga ako ng malalim at nanatili pa ring tahimik.

 

"Montreal ako Victoria. And no one has the right to hurt us without our permission. You left me, then you suffer the consequences of what you did. Pero hindi ko ipapakita sayo na galit ako. Ayokong malaman mo na apektado ako sa pag-alis mo. Hindi ko na ulit ibibigay sayo ang ganong pribilehiyo Victoria." Tumigil siya at muling hinaplos ang pisngi ko. Nanginginig na ang kanyang kamay habang hawak hawak ang aking pisngi.

 

"So I acted cold towards you. I wanted you to feel that you are nothing to me. Gustong gusto kong saktan ka. Na maramdaman mo kahit kalahati man lang ng naramdaman ko noon." Madiin niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko at bahagyang lumayo sa kanya.

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon