The Bitter Queen

432K 7.5K 1.1K
                                    

UNANG KABANATA

Make-up. Check.

Dress to kill. Check.

Killer heels. Check.

Huminga ako ng malalim ng makita kong handa na ako para sa pagbabalik ko sa Pilipinas. It's been a decade since I went away to study law in States. And to move on.

Okay, I spent ten years trying to forget that guy. Isipin ninyo, sampung taon kong pinilit ang sarili kong kalimutan si Stanley Philip Montreal. Kaya nga ako sumama kay Tita at nag-aral dito para malayo ako sa kanya ng sa gayon ay mabura ko siya sa sistema ko, but guess what? I am still a sucker and a failure pagdating kay Tan-Tan. Siguro habangbuhay na akong ganito.

Kaya ngayon, babalik na ako. At babawiin ko ang akin.

To hell with Georgina. O sa iba pang babae. Ang akin ay akin. At kahit hindi akin, aangkinin ko para maging akin. At akin si Stanley. Mula noong wala pa akong ngipin hanggang ngayong kumpleto na ako, with matching boobs and all, akin na siya.

Kinuha ko na ang maleta ko at lumabas na ng apartment na tinuluyan ko magmula noong sinubukan kong kalimutan si Tan Tan. Subok lang naman eh, hindi nagwork. Ganoon siguro talaga ang life. Ang hirap magmove on.

Nakakatuwa. Twenty five na ako pero tulad pa rin ako ng batang bungi noon, patay na patay pa rin ako sa kanya. Haay, ang hirap umahon sa lalaking iyon. Kahit sobrang mainitin ang ulo niya, go lang ng go. Kahit ano pa yatang negative niyang paguugali, wala na akong pakialam. Basta alam ko, siya na ang gusto ko noon pa man.

Mabilis akong nakarating sa airport. Agad na akong nag board para makatulog na ako at maging fresh paglapag ko sa Pilipinas.

Dapat maganda ako pagkarating ko. I still have to seduce a bad boy.

______________________________

 

"TORYANG!!"

Napalingon ako sa sumigaw ng dati kong pangalan. Hello, ang baho kaya ng Toryang. Umismid ako lalo pa at nakita ko na ang apat na itlog na naghihintay sa akin sa NAIA. Tumakbo si Greg sa akin at agad niyang kinuha ang maleta ko.

"Bumili ka ng chocolates ko?" tanong niya habang kinakalkal ang maleta ko. Umikot lang ang mata ko sa pinagagagawa niya.

 

"Maleta ko talaga ang sinalubong mo, hindi ako?"

"Oo naman. Maleta mo lang naman importante." Walang pakialam niyang sagot. Tinitigan ko lang siya habang isa isa niyang pinaglalalabas ang mga bra ko at nighties, take note, sa tapat ng entrance ng NAIA, sa harap ng maraming tao.

"Gago ka talaga!" biglang sabi ni Iñigo kay Greg at inagaw ang pula kong bra at inabot sa akin. Inis kong kinuha iyon at pinasok sa bag ko.

"Aray ko, lupit nito."

 

 

 

"Baliw ka kasi eh."

Nagtitigan lang ang dalawa. Napailing na lang ako sa inasta nila. Mga hindi pa rin nagbabago.

"Toryang~" sabi ni Ethan sa akin habang nakaakbay. Tinitigan ko siya bago ko hinila ang cap niya.

"Hoy! Ano ba, makikilala kami!" sigaw niya habang kinukuha niya ang cap sa akin. Binalik ko naman agad, mahirap na. Baka dumugin pa kami ng fans nila kapag nagkataon.

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon