04

65.7K 1.4K 116
                                    

Karinderya



Due to insistent popular demand nandito po ulit ako. Hindi niyo naman ako kailangang irequest. Napapaghalataan kayong masyadong excited sa akin eh. Kalma lang po, bata pa ako. Matagal pa kami magkakakwento.

Pero yun nga, dumadaldal na naman ako. Yung totoo niyan, nagcutting kami nila Serise at nung iba pa. Hindi namin kasama sina Kuya Shawn tsaka Kuya Seth. Pinatapon na sila ni Papa sa Europe. Dun na sila nag aaral. Kapag ako niyang nag fifteen na rin, papatapon na rin ako dun. Kakaloka.

Anyway highway, kanina pa kami lakad ng lakad. Ito kasing si Matthew nilabas pagiging Shaw niya. Binugbog niya daw yung syota nung babaeng nambully daw sa kapatid ko tsaka kay Illea. Nung una nga ayaw kong maniwala. Hello, si Serise Montreal papabully? Asa pa sila.

Pero nalaman namin na kinuha nung gunggong na boyfriend nung palaka yung rollerblades ni Illea tsaka yung violin nung kapatid ko kaya ayun, wala silang nagawa dalawa. Buti na nga lang dumating sina Matthew. Hihi. Ayun, nabubugbog tuloy yung kawawang adik.

"Nagugutom na ako." reklamo ni Cai. Tumingin tingin kami sa kalsada. Eh...

Ganito pala sa pangmahirap na mundo? Ang usok ah.

"Sissy, dala mo card mo? Kain tayo." Tawag ko sa kapatid ko. Tumaas lang ang kilay ni Serise bago niya kinapa iyong vest niya.

"Wala. Nakalimutan ko sa bag. Wala ka bang dala Kuya?" tanong niya sa akin. Kinapa ko ang bulsa ko. Yehey! Woah, dala ko wallet ko. Hihi, ang smart ko talaga.

"Kayo may dala kayong pera?" si Noah ang nagtanong. Sumilong muna kami sa ilalim ng puno. Kinuha ko ang wallet ko at binuksan.

"Oy may bente ako!" sigaw ko at tinaas pa ang pera. Si Matthew naman ang naglabas ng kanya.

"Uh, twenty... ten...ito pa piso. Thirty one pa pera ko." Aniya. Napanguso ako. Ang daya naman ni Baby Matthew. Bat mas madami siyang cash?!

"May one hundred ako." si Noah ang nagsalita. Waaah!!

"Baby ang dami mong pera!" tuwang tuwa kong sabi. Inakbayan ako ni Noah.

"Syempre baby, marami akong binubuhay." Sagot niya. Ngumiti lang ako tapos tinapik ko pisngi niya. Ang cute, sarap sapakin eh.

"Inaantok na ako." sabi ni Caius. Hindi ko siya pinansin. Gulo gulo ng taong yan. Puro tulog lang alam. Bwisit.

"Here." Si Rome naman ang nag abot ng pera niya. Limang bente iyon atisang 50 pesos na bill.

"Waah! 150!" tuwang tuwa kong sabi. Tiningnan ko si Illea. Siya na lang kasing hindi nagbibigay. Si Serise di niya dalayung card niya. Si Caius di ko na aasahan na may dala yan. Hindi na din ako magtatanong, mababadtrip lang ako.

Pinagkakalkal ni Illea yung bulsa niya pero wala siyang makapa. Sabi ko na eh. Dapat di na rin ako umasa sa pinsan ko. Wala din yatang pera eh.

"Eh.. wala. Nasa bag ko yung wallet." Aniya. Napanguso na lang ako. Paasa. Kaya talaga masakit umasa eh. Ayoko ng umasa. Palagi na lang akong nasasaktan.

"So we have three hundred lang?" si Serise na nacompute na agad ang pera namin.

"And one peso pa. May piso pa ako diyan ha." Si Matt. Akala mo naman may malaking tulong yunh piso niya. Hmmn... pito kami. Saan naman kayang restaurant kami makakakain sa pera namin na ito?

"Doon oh. Karinderya siguro yun." Sabi ni Illea habang nakaturo doon sa isang bahay. Maraming tao doon at pagkaing nakalatag.

"Ano yun?" Si Serise ang nagtanong. Oo nga noh? Ano ba yung karinderya.

"Hmmn, restaurant!" Proud na sabi ni Illea. Di na kami nakaangal noong tumawid na siya at pumunta doon sa karinderya daw.

"Inaantok na ako." Reklamo ni Cai. Isa pang beses na sabihin niya yan papatayin ko na talaga siya. Bwisit talaga.

Pinagbubuksan ni Illea yung mga lalagyanan ng pagkain. Tapos yung mga tao doon pinagtitinginan kami. Ganito ba talaga sa karinderya? Walang privacy pumili ng ulam?

"May chowder ba? Or shrimp na lang." Tanong ko. Gutom na rin pala ako.

"Ate tigmagkano po isang order?" Tanong ni Noah doon sa babaeng nakatayo at nakatingin sa amin.

"Ha?"

"Bibili po sana kami." Si Rome sabay ngiti doon sa babae. Kita mo to, ang tanda tanda na noong babae nilalandi pa niya. Baliw ata to eh

"Eh hindi namin binibenta yan iho." Sagot noong babae. Napatingin ako kay Illea.

"Po? Magsasara na po ba kayo ate? Ang dami mo namang customers ah." Sabi ng pinsan ko. Tumawa iyong babae.

"Hala... hindi naman sila customers ah. Kamag anak ko sila. Birthday ng asawa ko ngayon. Handaan ito iha. Ano bang iniisip mo?" Natatawang sabi noong babae. Napatanga ako.

Birthday?

Ah...kapag pala karinderya kailangan may birthday muna. Ang weird pala.

Paano kung walang birthday? Eh di wala ring karinderya?

"Totoo po?!" Tanong ni Illea. Tumango lang yung babae.

"Eh pasensya na po. Akala ko karinderya ito ate. Hindi ko alam na handaan pala." Sabi ng pinsan ko. Nauna na siyang naglakad habang kami ay nakasunod lang.

Di pa kami nakakalayo tinawag na kami nung ate. Lumapit kami ulit.

"Hala, pumasok na kayo at kumain muna kayo." Sabi noong ate.

"Waah totoo po?! Ang bongga naman!" Tuwsng tuwa kong sabi. Hindi na ako naghintay. Pumasok na agad ako sa karinderya.

Kapag nagbirthday ako gusto ko karinderya. Pwede na siguro dun sa hotel namin sa may Cebu noh?

------------------

Wag po muna kayong umasa sa pairings niyo ha? Masakit po yan.

*pen<310

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon