Banana Split

146K 3.1K 286
                                    

22

"Tori?" tawag ni Avvi sa akin. Napabaling ako sa kanya.

"Huh?"

 

 

"Ayos lang ba ikaw?" nag-aalala nitong tanong. Pinilit kong ngumiti pero base sa ekspresyon ni Avvi, mukhang ngiwi ang kinalabasan ng ginawa ko. Umisod siya palapit sa akin para titigan ako.

 

 

"What's your problem huh?"

 

 

"Wala." Pagsisinungaling ko. Ngumiti ako para pigilan ko ang tuluyang pagpatak ng luha ko sa mata. Bago pa man ako tuluyang maiyak ay humarap na ako sa bintana.

Hindi na dapat ako bumalik. Kung alam ko lang, sana nanatili na lang ako sa US. Dapat naghanap na lang ako ng firm o kaya nang public attorney office doon. Naiinis ako sa sarili ko.

Wala akong karapatang manghinayang. Ako ang nangiwan. Mukha naman siyang masaya kahit na wala ako. Masaya siya kasama ang babaeng iyon. Siguro, the girl is the same level as him. Baka mayaman rin ang babae. Maganda ito. Sopistikada. Bagay na bagay sa kanya.

Kinagat ko ang labi ko para hindi ako mapahikbi sa harapan ni Avvi. Huminga ako ng malalim para makontrol ko ang emosyon ko. Hindi ako pwedeng umiyak na lamang dahil sa nakita ko. Dapat nga ay masaya ako na masaya siya. Ayaw kong maging selfish. Pero sa totoo lang, hindi ko gusto ang nakita ko. If Stanley will be happy with a girl, I wanted to be the one who will do that.

Hanggang sa makarating kami sa hotel ay hindi ako nagsasalita. Alam kong nararamdaman na ni Avvi na may mali sa akin, but being the good friend that she is, hindi na siya mangingialam.

"Tori." Usal niya. Tiningnan ko siya at nginitian lang niya ako.

 

"My Dad brought a place for me to stay. You want to make sama to me na lang?"

Tumango ako. Hindi na siya nagsalita pa noong nakita niya ang sagot ko. Tahimik lamang kami hanggang sa tuluyan na kaming makaakyat sa kwarto naming dalawa. Pinasok ko na ang card noong pinigil niya ako.

"Sorry girl."

Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya. Yumuko ito habang pinaglalaruan niya ang mga daliri niya.

 

 

"I should have known na the first time pa lang. You're not comfortable coming back here diba? I am sorry Tori. Your heart is masakit na tuloy." Sabi niya sa baluktot niyang tagalog. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa pananalita niya.

 

"I'm fine Avvi."

 

 

"No you're not." Pagpupumilit niya. Sumandal ako sa pintuan at pinaglaruan ang buhok ko. Ngumiti ako sa kanya. Inilagay ko ang kamay ko sa balikat niya.

"I'll be fine."

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Tinitigan lang niya ako bago siya malamyang tumango.

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon