PUBLISHING DETAILS

14.9K 157 2
                                    

AEGGIS SELF PUB DETAILS

1. BOOK SPECIFICS

Size: 6 x 9
Cream Paper
Glossy Embossed cover
350 pages
+ 2 special chapters (exclusive lang sa book)
Never before scenes and backstories ng characters na hindi nailabas sa Wattpad version

2. PRICE

Individual Copy with Signature (500 pesos)

Inclusions:
Bubble Wrap
Shipping fee

Set (3,300 pesos, 6 books with signature)

Inclusions:
Bubble Wrap
Shipping fee
Bookmarks
Keychain

3. DATE OF ORDER

START: JANUARY 10, 2019 (3:00 PM)
END: JANUARY 15, 2019 (3:00 PM)

Paki-click ang link ng order form sa January 10. Sa ngayon ay close pa yan at bubuksan sa simula ng order period.

Kapag naisend na sa amin ang order form ay ichachat namin kayo para ipaalam na natanggap na namin iyon.

4. DATE OF PAYMENT

Magkakaroon tayo ng dalawang dates of payment para sa set.

A. Full Payment (3,300 pesos)

March 5, 2019

B. Installment
First Payment: (1,650 pesos) (March 9,2019)
Second Payment: (825 pesos) (March 23,2019)
Third Payment: (825 pesos) (April 6,2019)

Mauunang maasikaso ang mga makakapagbayad ng full payment. Paki expect na maipapadala ang libro around March or mid-April.

Sa mga installment naman, ipapagawa ang libro ninyo kapag nakapagbayad na sa first payment pero maipapadala lang ang libro kapag nakumpleto na ang bayad para sa set. Maaring magbayad ng mas maaga kung gugustuhin, basta pakimessage na lamang ako o di kaya ang page natin para malaman namin.

Kapag po nakapagbayad na ay hindi na po pwedeng ipacancel ang order, both for full and installment. Ipapagawa po kasi agad ang mga libro kaya hindi na po namin pwedeng ipatigil sa printing press kung sakali mang gustuhin ninyong ikansela ang order ninyo.

5. Mode of Payment

Maari kayong magbayad sa kahit anong branch ng PSBank. Isesend sa inyo ang account number kapag nakapag fill out na kayo ng order form. Hindi ninyo kailangan ng account sa bank para lang makapag bayad. Wag mahihiyang magtanong kay Kuyang Guard na nakaduty kung hindi alam ang gagawin.

Pagkatapos maideposito ang bayad, pakipicturan po ang resibo at pakisend sa akin o di kaya’y sa page natin. Pakihintay po ang message ko o di kaya’y nang mga admin ko tungkol sa pagpapagawa ng libro.

6.  Delivery
Thru LBC po o di kaya ay JRS Express ang pagpapadala. Nakabubblewrap po ang libro para siguradong hindi masisira. Ibibigay rin po namin ang tracking number sa inyo kapag naipadala na. Maari lamang po na siguraduhin ang mga detalye na ilalagay sa order form para hindi kami magkamali sa pagdedeliver.
Subject to change din po pala ang shipping fee, imemessage po namin kayo sa mga karagdagan/kabawasang presyo kung sakali man.
Kung gusto naman po ninyo ng meet-up, ipopost ko po ang available places kung saan pwede ninyong i pick-up ang libro. Available po ang mga admin ko, gayunpaman, may handling fee pong babayaran 

Kung may mga tanong pa po ay pwede ninyo akong i-message. Kung hindi po ako sumasagot ay pwede po ninyong i-send sa group o kaya sa page ang mga tanong ninyo.

Panghuli po, part po ng proceeds ng AEGGIS ay gagamitin para sa charity dito sa amin sa Pampanga. Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na ako sa magiging tulong ninyo sa mga bata.

Maraming Salamat po!

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon