Decision

154K 3K 231
                                    

19

Huminga ako ng malalim noong matapos na akong magligpit ang kahulihuling kahon na dadalhin ko pabalik sa US. Napaupo ako sa kama at wala sa loob na naluha na lamang ulit.

You're not good enough.

Siguro magiging madali ang lahat para sa amin ni Tan Tan kung naging kasing yaman na lang nila ako. Kung umabot lang sana ako kahit man lang sa kalahati ng estado nila, siguro magiging sapat na ako. But damn it, kahit anong gawin kong effort para maging karapat dapat para kay Stanley, kulang pa rin iyon.

Tumayo na ako at kinuha ang picture naming dalawa ni Tan Tan noong nagpunta kami sa karnibal noon. Inilagay ko iyon sa isa sa mga maleta ko at sinara ulit iyon. I smiled sadly when I looked at my bedroom. Wala na itong kalaman laman. Tanda na malapit ng umalis ang may-ari nito.

I bit my lip as l stared at the room. Hanggang ngayon, hati pa rin ako. Alam kong magandang oportunidad ang ibinibigay ni Tatay Sandro sa akin. He's making my dreams come true. Pinapakita niya sa akin ang mundo. Pero alam kong kapalit ng pangarap ko si Tan Tan.

Kinatatakutan ng taong umaalis kung may madadatnan pa ba siya kapag bumalik na siya. Alam kong may makukuha ako kapag umalis ako, pero posible ring mas malaki ang mawala sa akin kapag sinunod ko ang gusto ni Tatay.

I feel so helpless. Kahit anong piliin ko, may mawawala pa rin.

Napatingin ako sa cellphone ko noong tumunog iyon bigla. Kinuha ko iyon at napasinghap ako ng makita ko na si Tan Tan ang tumatawag. Agad kong pinatay ang tawag pero hindi ko pa man iyon naibababa ng tuluyan ay tumawag na ulit ito. Nicancel ko lang ito ulit.

Tumayo na ako at kumuha ng bihisan ng tumunog na naman ang phone ko. kinuha ko iyon at nakita kong si Athan na ang tumatawag. I bit my lip at sinagot iyon.

"Sasagutin mo lang ba kapag si Athan na yung tumatawag?" sigaw niya sa kabilang linya. Napapikit ako sa lakas ng boses niya at halos mabitawan ko na ang phone ko.

"Busy lang ako." Katwiran ko. Narinig ko ang marahas niyang paghinga. MAtagal siyang hindi nagsasalita sa kabilang linya. Akala ko ay ibababa na niya ang tawag ng bigla na lang siyang may sinabi ulit.

"Ano bang problema mo Toryang? Iniiwasan mo ba ako?" galit niyang tanong. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang hikbi ko.

"Bakit ko naman gagawin yun?" maang kong tanong. Kinagat ko ang labi ko para hindi niya marinig ang pag-iyak ko.

"Bakit nga ba? Damn it Toryang, may hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Hindi agad ako nakapagsalita noong tinanong niya ako. Tumayo ako at kumuha ng maiinom.

Sumandal ako sa lababo. Alam kong hinihintay niya ang sagot ko. Tatay did not say na bawal sabihan si Tan Tan right? Maganda na rin sigurong alam niya ang nangyayari hindi ba? After all, lahat naman ito ay para rin naman sa kanya.

Mas mabuti na sigurong alam niya kung ano ang nangyayari hindi ba? Sa ganoong paraan, hindi na siya masasaktan sa pag-alis ko.

"Toryang.."

"I'm leaving." Mabilis kong sabi. Napapikit ako at hinintay ko ang sasabihin niya. Pabalik balik ako sa paglalakad ko dahil hindi pa rin nagsasalita si Stanley sa kabilang linya.

"Damn you. Wag mo akong pinaglololoko." Inis niyang sabi. Huminga ako ng malalim and gathered my strength.

"Babalik na ako sa US." Sabi ko. I heard his sharp intake of breath. Sunod ko na lamang narinig ay ang dila tone niya. Tiningnan ko iyon at nakita kong pinutol na nga niya ang tawag.

Inipon ko na ang mga papeles ko para sa pagbalik ko sa US. Ipinatong ko na rin doon ang scholarship grant maging ang pera na ibinigay ni Tatay. Itatago ko na sana ang mga iyon sa isa ko pang bag ng may sunod sunod na kalabog sa pintuan ko. Agad akong napatakbo doon. Sinilip ko iyon at nakita ko ang galit na galit na si Tan Tan sa labas.

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon