Got You

155 6 10
                                    

"Kuya... "

"O?"

"Nababaliw ka na ba?" nakatawang tanong ng dalaga sa kanyang nakatatandang kapatid. Panay kasi ang sipat nito sa hawak-hawak nitong cellphone.

Sinamaan nang tingin ni Reymond ang nakababatang kapatid na si Lil Saint. "Gwapo ako."

"Ang layo ng sagot," puna ng dalaga saka napailing. "Maghunos-dili ka nga d'yan. O siya, mauuna na ako. Ingat ka pauwi," saad niya rito at binigyan nang magaang halik sa pisngi. Dumiretso siya sa sasakyang private jet pauwi ng Pilipinas.

Natatawa siya sa kan'yang kuya dahil para itong majejebs na ewan. Malamang excited lang itong makauwi ng Pilipinas. Miss na miss na yata nito ang nobyang si Jennica.

Isang taon na ang lumipas nang bigyan sila ng misyon ni Code Priestess dito sa Mexico. Ngayong natapos na nila ang mission ay kailangan na niyang umuwi sa Pilipinas sapagkat namimiss na siya ng kan'yang mga magulang. Napangiti ang dalaga nang maalala ang bilin sa kan'ya ng ina niya na magbaon nang makakain sa biyahe.

Siya lang mag-isa ang uuwi sapagkat nauna na si Adrian dahil may misyon pa siyang aasikasuhin sa Pilipinas at ang kuya Reymond niya naman ay susunod na lang mamayang hapon dahil may ifafollow-up pa ito patungkol sa kanilang katatapos lang na misyon.

Napatingin ang dalaga sa bintana nang maramdamang magtake-off na ang eroplano. Sa totoo lang ay hindi niya malaman kung ano ba ang dapat na maramdaman. Masisiyahan ba siya? Ngumiti siya at nasagot ang kan'yang katanungan. Kakabahan ba siya? Nakagat niya ang kanyang labi, hindi niya alam kung dapat at kung saan siya kakabahan. Para bang ayaw magsink-in sa utak niya na magkikita na silang muli ng minamahal na si Christian matapos ang nangyari noon sa kanila.

Huminga siya nang malalim at inisip ang sitwasyon ngayon ni Adrian. At least ngayon, medyo nababaling na ang paningin ni Adrian sa ibang babae. Napangiti si Lil Saint nang maalala ang mukha ni Adrian nang minsan siyang awayin ng babaeng 'yon. Daig pa ni Adrian ang inaaway na bata nang magsumbong sa kan'ya. Konti na lang., sa isip ng dalaga saka sumandal sa upuan at hinintay ang eroplanong lumapag sa kan'yang bayang sinilangan.

***

Nagising ang dalaga sa isang tapik sa kanang balikat. Pagmulat niya ay nakita niya ang pilotong nakangiting nakatingin sa kanya. Napatingin siya sa bintana at napag-alamang nasa helipad na pala sila ng PS Headquarters. Nginitian din niya ito at tuluyan na siyang tumayo.

Nang makalabas sa jet ay agad na hinanap ng dalaga si Adrian ngunit sa pagkagulat niya ay ibang tao ang sumalubong sa kanya.

Isang lalaking nakamaskara ng pula. Ngumiti pa ito at dahan-dahang tinanggal ang suot-suot na maskara at itinago sa ilalim ng suot nitong polo.

"Hey," bati ni Christian sa dalaga. Pansin niyang pula ang mga mata nito kahit gabi na. Malamang na nakatulog ito sa byahe. Tiningnan lamang siya ng babae dahilan para mapailing siya. "Wala ka bang dalang gamit?" tanong niya nang mapansing walang dalang kahit ni isang bag ang dalaga maliban sa cellphone nito at headset na nakapansak sa kaliwang tenga.

"A-a... ano... " 

"Kumain ka na?" muling tanong ng binata saka nilapitan ang dalaga. Napansin niyang nanigas ito nang unti-unti siya lumalapit dito. Ngumiti na lamang ang siya at tumigil sa paglalakad. Tumalikod siya at sinabing, "Ang mahuli, manlilibre ng mami." 

Napanganga na lang ang dalaga nang makitang tumakbo ang binata. Christian's acting like nothing happened pero bakit siya parang big deal na 'yon? Wala naman sa kanilang dalawa ang nagkasala kaya dapat maging okay lang siya ngayon. Pero bakit niya nararamdaman ito? Pakiramdam niya kasi tatakasan siya ng dugo sa oras na hawakan siya ng binata. 

Napailing na lang ang dalaga saka huminga nang malalim. Narinig mo 'yon, Lil Saint? Ang mahuli, manlilibre ng mami., sa isip niya saka mabilis na tumakbo. Agad niyang tinungo ang cafeteria ng PS Headquarters, nadaanan pa niya si Nigel na may kaakbay na ibang babae. Hindi yata siya nito nakita kaya nagpatuloy lang siya sa pagtakbo. Nakita niya rin si Oasis na may sinisigawan sa telepono. Napailing na lang ang dalaga.

"Ow!"

Dahil sa pagtitig niya kay Oasis ay hindi napansin ng dalaga na may nabangga na pala siya. Si Edward Maures.

"Aray ko naman te!" hinaing ng binata.

"Edward! Namiss kita!" sigaw ni Lil Saint at niyakap ang binata ng mahigpit!.

"Yuck te! Hindi tayo talo! Yuck!"

Natatawang lumayo si Lil Saint kay Edward. "Ano na naman bang trip 'yan?"

"Hay naku te... ichi-chika ko na lang sa 'yo later—"

"Edward, sis!"

Napalingon ang dalawa sa tumawag. Isang babaeng nakasuot ng malaking puting damit at jogging pants.

"Uh... who are you?" nakangiting tanong ni Lil Saint sa babae. Civilian ba 'to? No way. Paano siya pinapasok dito?

"A, e... ako po si Caress Starr."

Nalaglag ang panga ni Lil Saint saka napatingin kay Edward na pumilantik pa. Pamilyar sa kanya ang pangalang Caress Starr. Ang alam niya ay crush ito ni...

"Te, shupi ka na! Hinahanap ka na yata ng prince charming mo!"

Nakanganga pa rin si Lil Saint nang tinutulak na siya ng binatang si Edward. Hindi siya makapaniwala sa ginagawa ng binata. Nagpapanggap itong bakla para lang makipaglapit sa taong minamahal. Napapailing na tumakbo na lamang ang dalaga na may isang bagay na iniisip, Mga tao talaga, kung anu-anong kabaliwan ang pinapasok masunod lang ang pag-ibig. Pero agad niya ring kinontra ang sariling ideya. Well... in our case, it's otherwise

Muntik nang mapasigaw si Lil Saint nang may maramdamang dumaklot sa kan'ya mula sa gilid at kasabay noon ay ang tunog nang pagsara ng pinto. Magsasalita pa sana siya nang maramdaman ang brasong pumalibot sa kan'ya na yumakap nang mahigpit.

"Got you," nakatawang saad ni binata.


---

Hello, readers!

If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.

Love, SheIsLexa

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon