Dirty

291 18 57
                                    

Gustong gusto na sanang sumandal ni Lil Saint sa balikat ng binatang si Christian kaya lang umaaray ito. Napuruhan din yata dahil sa pangyayari kanina.

Ngumiti si Christian at pasimpleng hinawakan ang kamay ng dalaga habang nakatanaw sa labas ng bintana. Ramdam niyang nakatingin ito ngayon sa magkalapat nilang mga kamay.

"Baby loves, you're pasimple, a? You're like, uh, Ninja moves!"

Pakiramdam ni Christian ay namumula ang kanyang buong mukha nang sabihin iyon ng dalaga. Patuloy na lamang siya sa pagsulyap sa labas ng bintana na para bang walang naririnig.

Lil Saint smiled at napatingin siya kay manong driver na nakatingin din ngayon sa kanila. Nasa sengkwenta pataas na yata ang edad ni manong na panay lang ang iling at ngiti.

Ibinalik ng dalaga ang atensyon sa binata at sinabing, "Baby loves, can I ask you a tanong?"

"Hmmnn?"sagot ni Christian habang nakatingin pa rin sa bintana.

"Baby loves, look at me!"

Huminga muna nang malalim ang binata bago lumingon sa dalaga. Nahihiya kasi siya rito, ewan niya kung bakit pero nahihiya talaga siya.

"There! Okay, uh, since when did you realize that you already have pagmamahal towards me?"

Nagkasalubong ang kilay ng binata sa tanong ni Lil Saint, "Hindi ko alam, baby loves."

"What?! Uh, ok, I'll change the tanong. When was the first time your heart make tibok for me?" Kulang na lang ay magporma ng puso ang mga mata ni Lil Saint habang nakatingin sa binata.

Sandaling napasulyap si Christian sa manong driver na patingin-tingin din sa kanila. Napangiti na lang din si Christian nang makitang ngumiti ang mama, "Siguro noong nag sing and dance ka ng When I Grow Up?"

"I knew it!" Yayakapin sana ng mahigpit ni Lil Saint ang binata kaya lang naalala niyang injured ito. "How about you, baby loves? Won't you ask me?" 

Umiling si Christian at ibinalik ang tingin sa bintana. Naaaliw siya sa mga city lights, nagagandahan talaga siya sa Macau at alam niyang mamimiss niya ito sa oras na umuwi na sila ng Pilipinas.

Why won't he ask me? Hindi ba siya interested sa nararamdaman ko for him?, sa isip ni Lil Saint habang nakatingin sa kuko. Nang mapansin niyang may nakatitig sa kanya ay napatingin siya sa rear view mirror at nakitang nakatingin nga si manong driver ng taxi, "Uh, sir? Are you ok?"

"A, sorry ma'am. Medyo natutuwa lang ako't mga pilipino pala ang mga pasahero ko," nakangiting saad ni manong at ibinalik ang tingin sa daan. "At naaalala ko sa inyo ang kabataan ko." 

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na napangiti.

"Ma'am, ganyan po talaga minsan ang mga lalaki. Siguro po magka-ugali kami ni sir. Hindi kami ang klase na palatanong kasi para sa amin mas gusto naming madiskubre ito nang kusa." 

"Touche," bulong ni Christian.

"At sabi rin ng misis ko, natural na raw kasi sa mga babae na maging pala tanong, kasi para sa kanila, misteryoso masyado ang mga lalaki. Marami silang dapat malaman at pakiramdam nila ay kulang ang 'panghabangbuhay' para makilala niyo kami ng buo kaya ayan, nagtatanong kayo." 

Napatingin si Lil Saint sa kanyang baby loves at ngumiti. Okay. I understand it now. Tumingin ulit siya sa mama at nagtanong, "Kuya manong? We're like, malayo pa ba?"

"A, hindi po ma'am, katunayan po ay nandito na tayo.", ipinarada nga niya sa gilid ang kanyang taxi.

Kinuha ni Christian ang kanyang wallet at inabot sa driver ang 500 Pataca.

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon