They Don't Know About Us

340 19 65
                                    

"Baby loves." Dinutdot ni Lil Saint ang likuran ni Christian. Ayaw kasi siyang lingunin ng binata at hindi niya naman ito mapigilan sa ginagawa nitong pag-eempake ng gamit niya. Ang sabi nito ay kailangan na raw niyang umuwi total wala na namang 'threat' sa buhay niya.

Hindi pinansin ng binata ang ginagawa ng babae sa kanya. Pilit niyang pinagkakasya sa isang maleta ang lahat ng gamit ng dalaga. Mabuti na lang at pati house keeping ay pinagdaanan namin sa training., saad niya sa isipan. Isinara na niya ang zipper nito, saka pa lang hinarap si Lil Saint, "15 minutes from now may dadating dala ang plane ticket mo. Siya na mismo ang maghahatid sa'yo papuntang airport." 

Hindi na rin umimik si Lil Saint habang sinusundan ng tingin ang kanyang baby loves palabas ng kanyang kwarto. Malungkot niyang kinuha ang kanyang bathrobe at pumasok sa banyo. My baby loves is like so in denial. Anyhow, I won't give up on you, baby loves. Never!

Si Christian naman ay pumasok sa kanyang kwarto at hinarap ang punching bag. Akmang susuntukin na niya ito kaya lang biglang may nalaglag. Pinulot niya ito at napangiti nang mapakla nang makita ang lalagyan ng kanyang mga gamot. Ibinalik niya ito sa loob ng kanyang bag at napahiga na lamang sa kama.

Napahawak ang binata sa kanyang mga labi at napangiti. Pilit niyang isinisiksik sa isipan na dapat makontento na siya, na dapat hindi na siya mangarap ng kung ano pa.

Tatayo na sana siya upang harapin ang punching bag kaya lang may narinig siyang sumigaw.

"Get away from me, froggy the second!" 

Agad na tumakbo si Christian palabas at nakita niya si Lil Saint na nakabalot lamang ng towel ang katawan. Hinahawakan siya sa buhok ng isang lalaki at may isa pang lalaki na hinahawakan ang kanyang mukha. Nagdilim na ang paningin niya nang sampalin ng isang lalaki ang dalaga.

Nanlaki ang mga mata ni Lil Saint nang biglang may tumalon at inipit sa mga paa nito ang leeg ng lalaking sumampal sa kanya, "B-baby loves." Christian twisted the man's neck at agad itong nawalan nang ulirat. Mas lalong sumakit ang pagkakahawak ng isa pang lalaki sa kanyang buhok at naramdaman niyang may itinutok ito sa kanya. Isang napakatalas na kutsilyo.

Kung pwede lang magliyab ay nagliliyab na sana si Christian dahil sa galit, lalong lalo na nang makita niyang tutukan ng natirang lalaki si Lil Saint ng kutsilyo. Ang lakas nang loob mo. In a split of second ay nakuha niya ang kutsilyo at itinulak palayo si Lil Saint. Isinaksak niya sa kanang paa ng lalaki ang nakuhang kutsilyo at sinunod ang isa pa nitong paa.

Napahiyaw ang estranghero sa sakit.

Agad na nilapitan ni Christian si Lil Saint, hinubad niya ang suot-suot na jacket at isinuot dito.

Ang lalaking nasaksak ang mga paa ay kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang mga kasamahan, "Bak ap! Bak ap!" 

Nang marinig 'yon ni Christian ay agad niyang pinaikot sa kanyang kamay ang hawak-hawak na kutsilyo saka pinalipad ito papunta sa lalaking tumatalak.

Napatakip ng bibig si Lil Saint, akala niya ay matatamaan ang lalaki pero sa tabi ng tenga lamang dumapo ang kutsilyo na naging dahilan ng pagkatuliro nito. "Wow."

Lingid sa kanilang kaalaman ay gising pa pala ang isang lalaki. Dahan-dahan nitong kinuha ang baril at itinutok sa lalaking bumali sa kanyang leeg, Hayop ka. Si Lil Saint lang ang sadya ko rito. Hindi ka na dapat nakialam pa! 

Napasinghap si Christian  nang may maramdaman siyang pumasok sa kanyang katawan. Tumama lamang ito sa kanyang tagiliran. Hindi siya nababahala para sa sarili niya. Mas nababahala siya nang mabasa ang takot sa mga mata ng dalag, "Pumikit ka," ma-awtoridad na pahayag niya rito. Agad naman itong sumunod.

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon