Angel's Coven

205 15 47
                                    

"Lil Saint!"  

Muntik ng mapatalon sa kaniyang kinatatayuan si Lil Saint. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa gulat, "What?" 

Napataas ang kilay ni Allyssa, "Papasok ba tayo o hindi? Kasi may assignment pa akong gagawin."

"Gosh. I'm sorry." Kinuha ni Lil Saint ang kamay ng kanyang kaibigan at iginiya ito papasok ng isang bar. I already moved on. Wag kang magmagaling., she said to herself. Naalala na naman kasi niya ang komprontasyon nila kanina ni Christian nang magpang-abot sila sa PS HQ. Isang nakawiwindang na sampal ang iginawad niya rito, pero kahit na gano'n ay hindi niya maramdaman ang satisfaction.

Napahinto sila sa pagpasok nang may humarang na isang bouncer. She stopped herself from rolling her eyes at sinabi ang secret word, "Angels." 

Nakita ni Allyssa kung paano ngumisi ang malaking lalaki at binigyan sila ng daan papasok. Dumaan sila sa isang masikip na corridor bago pa man makarating sa mismong bar, "Whoah. You gotta be kidding me," hindi makapaniwalang saad ng dalaga nang makita ang interior design ng bar.

Napangiti si Lil Saint at ikinawit ang kanyang braso sa kaibigan. "This is the Angels Coven. Piling tao lang ang nakakapunta rito at bilang alam mo na ang secret word, feel free party all night, frenemy!"

Inilibot ni Allyssa ang kanyang paningin at mas lalo siyang namangha nang makita ang uniporme ng mga waitress, an angel outfit. Iba't iba ang mga kulay nito. "Hindi naman ito mukhang bar eh. Mukha itong sanktwaryo ng mga anghel." 

"This is a bar. Trust me. Come on." Hinila ng dalaga ang kanyang kaibigan papunta sa isang malaking couch. She even smiled more nang makita kung anong oras na. "Showtime!" 

Nalaglag ng bonggang bongga ang panga ni Allyssa nang makita kung paanong ang puting lugar na kanyang pinasukan ay unti-unting nagkulay pula. Halos sabay-sabay ding tinanggal ng mga anghel na serbedora ang kanilang mga pakpak at pinalitan ito ng isang maliit na buntot ng demonyo.

"Nize, you're here!"

Bineso-beso ni Lil Saint ang kanyang mga kapwa modelo nang lumapit ang mga ito sa kaniya. Nilingon niya si Allyssa at nakangiting ipinakilala sa mga katrabaho, "Allyssa, meet Raven and Sheila. And girls, meet Allyssa."

"Oh? She's the one you're referring to as—how do you say it? Ume ey se?" tanong ng Brazilian model na si Sheila. "I'm glad to meet you, Ms. Ume ey se."

"It's uma ey sa, stupid," pahayag naman ni Raven, isang half Mexican at half Spanish model. Lumapit siya kay Allyssa at nakangiting hinalikan ang mga pisngi nito, "Nice to meet you." 

"Uh, hi?" tanging saad ni Allyssa habang ngumingiti ng alanganin. Hindi kasi siya sanay na makipagsocialize, di gaya ng kaibigang si Lil Saint.

Napangiti si Lil Saint nang umupo sa kanilang tapat sina Raven at Sheila at tinitingnan siya ng mga ito na parang nag-aalala. Umiling lamang siya sa mga ito, senyales na wala siyang problema, dahilan para magkibit-balikat ang dalawang modelo. Napatingin siya sa kanyang ever 'umaasang' frenemy na si Allyssa,  sa itsura nito ay mukha itong batang first time nakatuntong sa isang theme park. "You better take this off," pahayag niya saka tinanggal ang pagkakatali ng buhok ng kaibigan. Mabilis niyang itinapon sa malayo ang tali para hindi na makahulma pa ang kaibigan. 

"Nize, I heard there's this very very hot guy who happens to be a butterfly customer of this club." Raven bit her lips upon saying those.

"I don't know about that, Raven," sagot ni Lil Saint saka uminom ng inorder na ladies drink, "It's been a year since Angels Coven was built. We're supposed to do a fashion show here but then it was postponed so I don't have any idea what you're talking about." Muling uminom si Lil Saint at this time, binotoms-up na niya ang inumin. "3 days more to go for our show. Are you prepared?"

The Philosopher Stones (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon